Nagtaka siya nang dalhin siya ni Anton sa isang mall,dumiretso silang dalawa sa isang department store. "bibili ka lang ng damit mo gagawin mo pa akong chaperone" reklamo niya dito. "hindi damit ko ang bibilhin ko,damit mo." sagot naman nito sa kanya. "ano damit ko?" nagtatakang tanong niya dito. "oo,we need to buy clothes kasi may pupuntahan tayong lunch."Sabe pa nito sa kanya. "kakain lang pala tayo kailangan ko pang magpalit ng damit." reklamo niya dito. "basta sumunod ka na lang,this is a part of your job."anito sa kanya. "oo nga pala may deal tayo,"sagot niya na lang dito. Pagkatapos sukatin ang biniling damit ni Anton sa kanya ay hindi na nito pinahubad sa kanya iyon. Dinala siya nito sa isang mamahaling restaurant. Nagulat siya dahil pagdating sa entrance ng restaurant ay bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Bigla nanamang pumintig ng mabilis ang puso niya,ramdam na ramdam niya ang lambot ng palad ng binata. Animo'y nasa isa siyang shooting kasama ang kanyang leading man. Maya-maya pa bahagya itong huminto at lumingon sa kanya. "ba't anlamig ng kamay mo?" tanong nito sa kanya na hindi parin binibitawan ang kamay niya. "s-siyempre anlamig kaya dito,palibhasa laking aircon ka kaya hindi mo nararamdaman." Palusot niya. Kahit ang totoong dahilan kung bakit nanlalamig ang kamay niya ay dahil sa tindi rin ng kabog ng dibdib niya. Di nagtagal ay nakarating sila sa isang table,agad namang napansin ni Ella ang babaeng nakaupo doon,walang iba kundi si Therese. "hi,have a seat" bati nito sa kanila. Sinadya ni Anton na ipakita dito na magkaholding hands silang dalawa. doon sila pumuwesto sa harap nito. "I'm glad na pinaunlakan niyo yung invitation ko,"nakangiti pang sabi nito. "so your name is Ella Escobar right?" nakangiting tanong naman nito sa kanya. "opo,"nakangiting sagot niya naman dito kahit ang totoo ay nang liliit siya sa sarili niya. Sino ba naman kasing hindi,kung ganito kaganda ang karibal mo. Ang masakit pa,ito ang may-ari ng puso ng taong mahal niya. "can you tell me a story on how Anton and you met?"tanong nito sa kanya. Medyo nailang siya dito,hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot,dahil wala naman talaga siyang love story na maikukuwento dito. "a-ano-" naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Anton "She was one of the talent ng pelikulang ginagawa ko,and I fell in love with her the moment I saw her" si Anton na mismo ang sumagot para sa kanya. "oh,really,you fell for her that easily?sa pagkakaalam ko kasi hindi ikaw yung tipong basta-basta nalang mahuhulog ang loob sa isang tao." nagtatakang sabi naman nito kay Anton. "really? how do you know that?" tanong naman ni Anton kay Therese
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomanceBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...