Nagmamadaling bumangon si Ella,kahit na sobrang antok pa siya. Hindi kasi siya puwedeng malate ngayon,halatang-halatang wala siyang tulog dahil kakapikit palang ng kanyang mata ay bigla nang tumunog ang alarm clock niya. Halos magkanda dapa siya pagpunta sa C.R para maligo. "good morning nay" bati niya sa kanyang ina na katulad ng dati ay abala parin sa pagluluto sa kusina.Habang siya naman ay nagmamadaling pumasok sa C.R. "tignan mo 'tong batang to, akala mo may humahabol na kung ano,kung makatakbo." anang kanyang ina.
Masuwerte naman at maaga parin siyang nakarating sa set kahit wala siyang tulog. Wala pa nga halos ang ibang staff pagdating niya. Pero nandoon na rin si Reuben na agad naman siyang nilapitan. "oh,ang aga ah" anito sa kanya. "naku mabuti na ang maaga ako, at least hindi ako late.Mamaya ma beast mode nanaman si Direk sa'kin eh." aniya. "kaya ba hindi ka natulog kasi natatakot kang malate?" nagulat naman siya nang itanong iyon ni Reuben "p-paano mo nalaman?" tanong niya dito. "tignan mo naman kasi yang eyebag mo ang lalim."anito na bahagya pang tumawa. Natawa rin siya dito. "nag-almusal ka na ba? May malapit na kainan dito. Nagseserve din sila dun ng kape baka gusto mo." aya nito sa kanya. "naku,ayan ka nanaman wag na baka mamaya malate pa tayo eh,saka nakakahiya sa'yo." tanggi niya. "hindi mabilis lang silang magserve dun promise."pag pupumilit nito "sige na nga tutal nagugutom na rin ko eh,kakamadali ko kasi hindi na ako nakapag breakfast.Pero 'wag mo na akong ilibre ha?" aniya dito. "ano ka ba okay lang,hindi naman ganun kamahal yung tinda dun ehh." anito sa kanya. "haha,yabang nito tara na nga," aniya sabay hila dito.
Maaga pa nang makarating si Anton sa set. Wala pa halos staff at maging ang mga talents ay wala parin. "I must have left home so early." aniya sabay tingin sa kanyang relo. "I think I'm gonna go drink coffee first tutal maaga pa naman eh." aniya sabay lakad. Nang makarating siya sa isang coffee shop, dalawang pamilyar na mukha ang umagaw sa kanyang atensiyon. Walang iba kundi sina Ella at Reuben na nagtatawanan habang masayang nag-uusap sa isang table. Naisipan niyang lapitan ang dalawa. Nagulat naman ang mga ito nang makita siya. "good morning po direk," bati sa kanya ni Reuben. "good morning din,aga niyo ngayon ah," aniya dito. Maya-maya pa ay dumako ang tingin niya kay Ella na halatang ninenerbiyos nang makita siya. "good job Ella, kinaya mong pumasok ng maaga kahit wala kang tulog."aniya dito. "T-thank you po direk."Sagot nito "for what?" tanong niya dito "kasi natuwa ka na maaga ako ngayon." sagot naman ni Ella sa kanya. " being an early is part of your job,pero hindi naman yun yung dahilan kung ba't ako natutuwa eh,natutuwa ako kasi wala kang tulog your eye bags look funny " aniya sabay sarkastikong ngumiti at pagkatapos ay tumalikod na.
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomanceBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...