Isang araw ay bumisita si Nadia sa kanila. Nasa bahay lang si Ella. "hi beshie kamusta kana?" bati nito sa kanya nang madatnan siyang nanunuod ng tv sa sala. "uy beshie ikaw pala upo ka." yaya niya dito. "ano kamusta na ang paghahanap mo ng trabaho?"tanong nito sa kanya. "wala beshie eh,ang hirap walang tumatanggap sa'kin hinahanap kasi yung may experience."sagot niya dito. Maya-maya pa ay lumabas ang nanay niya mula sa kusina,may dala itong bananacue saka juice. "salamat po tita Lita." sabi naman ni Nadia dito. "gusto mo ba dun ka nalang sa shop ko?Tutal kailangan ko rin ng tao dun,tulungan mo nalang ako na pamahalaan yun." alok naman nito sa kanya. "Bakit wala ka bang tao dun ngayon? "tanong niya dito. "pinaalis ko,nahuli ko kasi nangungupit,atleast ikaw tiwala ako sa'yo,saka 'wag kang mag alala tutulungan naman kita ehh." sabi pa nito sa kanya. "magkano naman suweldo mo sa'kin?" pabirong tanong niya dito. "nasa kontrata mamaya papabasa ko sa'yo" pabirong sagot naman nito sa kanya. Nagkatawanan silang dalawa. Maya-maya pa ay biglang may naalala si Nadia. "oo nga pala remind ko lang sa'yo yung party bukas na ha,"paalala niya kay Ella. "anong party?"nagtatakang tanong naman niya kay Nadia. "ano pa eh di yung birthday ng daddy ni Tommy,nakalimutan mo naba?" sabi pa nito sa kanya. "ahh,yun ba? puwedeng pass nalang muna ako? nahihiya kasi talaga ako eh,"pakiusap niya dito. "No, nakabili na tayo ng damit mo remember?" tanggi naman ni Nadia. "benta mo nalang oh di kay isauli nalang natin" nag-aalangan paring sabi niya dito. "teka nga muna, di ba napag-usapan na natin to? saka pumayag kanang pumunta do'n diba?" nagtatakang tanong ni Nadia sa kanya. "ang totoo kasi niyan beshie,alam ko kasi na darating si Anton dun, diba bestfriend niya si Tommy?" nag-aalangang sabi niya dito. "so? ano naman ngayon kung pupunta siya,bakit party niya ba yun?" taas kilay na tanong nito sa kanya. "hindi naman yun yung dahilan kung bakit ayaw kong pumunta dun eh,"sagot niya dito "oh,eh ano nga?" tila naguguluhan namang tanong nito sa kanya. "sinusubukan ko na kasing kalimutan siya,hanggang ngayon kasi may nraramdaman parin ako para sa kanya. Natatakot lang ako na baka pag nakita ko nanaman ang guwapo niyang mukha eh gumawa nanaman ako ng paraan para mapalapit sa kanya." pag-amin niya dito. " 'yan tayo eh, alam mo beshie,kung talagang gusto mo siyang kalimutan,umpisahan mo munang harapin siya, I mean hindi naman kailangang sabihin mo sa kanya na gusto mo na siyang kalimutan, yun bang pagnakita mo siya isipin mo lang na stranger siya ganun," paliwanag ni Nadia sa kanya. "ang gulo mo beshie" nakakunot ang noong sagot niya dito. "ah,basta pupunta ka sa party sa ayaw at sa gusto mo" pagpupumilit nito. Wala na siyang nagawa kundi pumayag sa gusto ng kaibigan. Alam niya kasi na magtatampo ito kapag hindi siya pumunta.
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomanceBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...