Part 40

695 8 0
                                    

Makahulugan namang ngumiti si Tommy. "bakit nga pala magkasama kayong dalawa?"animo'y nang-aasar pang tanong nito. "Nakisabay kasi siya,wala daw siyang masakyan, I actually regret na sinabay ko kasi mukhang may kakambal yatang kamalasan yan." sagot naman  ni Anton na ang mata ay nasa bintana ng sasakyan. Nakapuwesto siya sa tabi ng driver's seat,habang si Ella naman ay nasa back seat. Narinig ni Ella ang sinabeng iyon ni Anton at lihim siyang napasimangot. "ouch ha,grabe ansakit mag salita ahh," bulong niya sa sarili. "but I didn't think na gentleman ka pala,imagine sinabay mo ,"tila nang-aasar paring sagot ni Tommy. "Well,she asked for my help,judging the surrounding kahit sino talagang matino isasabay siya, wala kasing katau-tao dun,and it's getting too dark na,I don't want to be responsible if something bad happened to her." paliwanag ni Anton dito. "really," tila nang-aasar paring sabe ni Tommy, "what?" seryoso ang mukha na tanong ni Anton sa kanya. "nothing" tila natatawa pang sagot ni Tommy sa kanya. Maya-maya pa ay nakarating na sila sa bahay nina Ella. Nadatnan nilang nag-aabang sa labas ang mga magulang nito. Nang makababa si Ella ay sinalubong siya ng mga ito   at niyakap. "ano ka ba namang bata ka, pinag-alala mo kami ng sobra sa'yo." sermon ng nanay niya sabay hampas sa kanyang balikat. Maya-maya ay bumaba sina Anton at Tommy at binati ang mga mgulang niya. "aba'y sila ba ang tumulong sa'yo?" tanong ng kanyang ama sa kanya. "opo tay,si Tommy po kaibigan ko,friend din po siya ni Nadia." pag papakilala niya "hi po sir"bati naman ni Tommy  sa kanyang ama at nakipag kamay pa dito. "siya naman po si direk.Anton De Vera." pag-papa kilala naman niya kay Anton. "Aba'y siya ba ang direktor na kumuha sa'yo?" manghang tanong naman ng kanyang ama sabay baling kay Anton. "ay naku salamat,napaka bait mo namang boss at nagawa mo pang ihatid itong si Ella kahit malalim na ang gabi. "                                                    "walang ano man po." sagot naman dito ni Anton s na sinabayan pa ng ngiti. "ay,gusto niyo ba munang tumuloy nang makapag kape muna kayo?" aya nito sa kanila. "ahh hindi na ho,kailangan na rin kasi naming umuwe at malalim na ang gabi." Tanggi naman ni Anton sa alok nito. "ah ganun ba? sige salamat ulet,puwede kayong bumalik dito kung kailan niyo gusto." sagot naman nito. "sige salamat po,"sagot naman ni Tommy,bago tuluyang umalis ay nagpaalam din ang mga ito sa kanyang ina. Si Tommy naman ay nagpaalam din kay Ella samantalang si Anton ay dire-diretso lang na pumasok sa kotse. 

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon