Part 18

713 16 0
                                    

Kinabukasan nga ay dumating si Nadia sa kanila.Unang nabungaran nito ay ang mga magulang niya na abala sa panonood.Wala naman doon si Lily dahil pumasok ito sa eskwelahan.Isa-isa siyang nagmano sa mga ito. "mano po tita lita" 

" mano po tito Ernest". 

"maupo ka,kumain ka na ba?"aya sa kanya ni Lita. 

"tapos na po tita salamat po.Si Ella po?"

"oh,beshie ang aga mo naman?"maya-maya pa ay nakita niya si Ella nakatapis pa ito ng tuwalya at halatang kakatapos lang maligo.

"Anong maaga ka diyan,alas diyes na kaya."sagot niya naman dito.

"may lakad ba kayong dalawa"sabad naman ni Ernesto sa kanila.

"opo tito,magpapasama po kasi ako kay Ella sa mall my bibilhin lang po."

"ahhh,ganun ba,bilisan niyo lang at 'wag kayong masyadong magpa gabi't delikado sa daan."paalala naman ni Ernesto sa dalawa. 

"opo" isang matamis na ngiti ang isinukli sa kanya ni Nadia.


dumiretso sa isang department store sina Nadia at Ella,si Nadia ang pinaka abala sa pamimili ng damit para kay Ella. Nag kasya nalang siya sa pagtingin sa mga damit.Nalulula kasi siya sa halaga ng mga paninda doon."oh ano na beshie may nagustuhan kana ba?"maya maya ay tanong sa kanya ni Nadia."beshie nakakalula yung mga presyo ng paninda dito,dapat nag divisoria nalang tayo ehh,marami pang mura do'n."sagot niya sa kaibigan

"ano ka ba 'wag ka ngang ganyan,wag mong isipin yung presyo ako ang magbabayad niyan,ito may napili na ako,tara na do'n sa fitting room."anito sabay akay sa kanya papuntang fitting room.

"Hello Tommy nasaan ka na ba?Nandito na ako ngayon sa mall."halata sa mukha ni Anton ang inis habang tinatawagan ang kaibigan.Niyaya kasi siya nito para tulungan niyang  mamili ng damit na susuotin sa birthday party ng daddy nito. "pasensya na pre matraffic ehh.Pero malapit na ako."sagot sa kanya ni Tommy.Naisipan niyang pumunta muna sa department store since doon naman nila balak pumunta ni Tommy.

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon