Part 66

617 9 0
                                    

"walang shooting bukas kaya makakapag pahinga ka ngayon"ani Anton kay Ella habang nagmamaneho ito. "kaya nga ehh,buti nalang makakapag pahinga ako ng mahaba. "sagot niya naman dito. "Ella,may I ask you something?" tanong ni Anton sa kanya "ano po yun Direk?" nagtataka namang tanong niya dito. "what's the real score between you and Reuben?" nagulat siya nang itanong iyon sa kanya ng binata. "curious lang ako,madalas kasing kayo ang mag kasama tuwing break time kahit dati pa." anito sa kanya. "bakit kaya siya nagtatanong nagseselos kaya siya"sa isip-isip niya. "ah yun ba? hindi magkaibigan lang kami."natatawa pang sagot niya dito. "well alam mo bagay kayo, pag niligawan ka niya you should give him a chance,kilala ko kasi si Reuben,he's been woking for me for over a year already,mabait yan saka responsable." sabi pa nito sa kanya. "ah ganun ba?" sagot niya dito. Sa totoo lang ay medyo dismayado siya sa sinabeng iyon sa kanya ng binata para kasing pinamimigay siya nito . Ano nga ba naman kasing aasahan niya dito,eh may nag-mamay-ari na sa puso nito. Malungkot siyang bumaba sa kotse nito nang makarating na sila sa kanila. Napansin naman ito ng binata  kaya hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag siya nito. "Ella,may problema ba?" tanong nito sa kanya. "w-wala po direk,pagod lang ako,s-salamat nga pala sa paghahatid sa'kin."pilit ang ngiting sabe niya dito sabay dire-diretso na siya sa loob nang bahay nila. Tahimik lang si Ella habang nasa kuwarto niya. Iniisip niya kasi ang sinabi sa kanya n Anton. Nangangahulugan lang ito na hindi talaga siya gusto ng binata. Bandang huli ay kay Therese din ang bagsak nito. 

Kinabuksan ay binisita ni Therese si Anton sa bahay nila. Nagulat siya nang mabungaran ito sa sala. "what are you doing here?" tanong niya dito. "wala na ba akong karapatang bisitahin ka?" malungkot na tanong nito sa kanya. Hindi siya umimik  at naupo lang sa tapat nito. "I know you still hate me for  leaving you."panimula nito "but believe me,leaving you was the most painful thing I could ever done to my life." paliwanag nito sa kanya. "then you shouldn't have left in the first place!" sagot niya dito. "alam mo ba kung gaano kasakit para sa'kin ang ginawa mo Therese? I almost lost my sanity when you left without even telling me. "  mariing   sabi niya dito. "I know I should have told you,pero natakot ako na baka pigilan mo ako at alam kong hindi kita matatanggihan. But that was my dream," paliwanag nito sa kanya. "natakot kang pigilan kita kaya ka umalis ng hindi ko alam,it makes sense huh?" sarkastiko niyang sagot dito. Humugot muna ng malalim na buntong hininga ang babae bago muling nagsalita. " I don't think this is the best time to talk to you, but I want you to know that I still love you. The same love I have for you several years ago." Pagkasabi nito'y tuluyan nang umalis ang babae. Naiwan naman si Anton na tahimik lang,maya-maya pa'y nag-uunahang umagos ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Naikuyom niya ang dalawang palad.

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon