Mugtung-mugto ang mga mata ni Ella kinabukasan. Bagay na hindi niya naitago sa mga magulang niya. "anong nangyari sa'yo anak?" tanong sa kanya ni mang Ernesto. "wala po tay masakit po kasi yung puson ko kagabe kaya hindi ko kinaya sobrang sakit napaiyak ako." pagdadahilan niya dito,kahit ang totoo pa'y tapos na ang buwanang dalaw niya. "aba'y bakit hindi ka nagsabe sa'min kagabi ng nanay mo? di sana nabilhan kita ng gamot." sabe pa ng kanyang tatay sa kanya,halata sa mukha nito ang pag-aalala. "ayoko po kasing sanayin ang sarili ko sa gamot,baka bumaba ang pain tolerance ko." muling palusot niya dito. Hindi niya kasi pinaalam sa mga magulang ang nangyari,ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito. "aba'y hindi pa ba mababa ang pain tolerance mo niyan?eh sa tindi ng maga ng mata mo ay halatang grabe ang iyak mo kagabe." pangungulit pa ng kanyang ama. "ano kaba,'wag mo na ngang kulitin 'yang anak mo at tama naman siya,hindi rin magandang sinasanay ang sarili sa gamot." saway naman ni Aling Lita sa asawa niya. Maya-maya ay nagring ang cellphone ni Ella,nakita niyang si Aya ang tumatawag ang A.D ni direk Anton. "hello Ma'am Aya napatawag po kayo?" tanong niya dito. "hi Ella how are you?,uhm,si direk kasi inutusan akong tawagan ka." anito sa kanya. Nagulat man,pinilit niya paring maging kalmado nang kausapin siya nito. "a-ahh,bakit daw po?" tanong niya dito. "he's willing to give you another chance,he wants to have you back," sagot nito sa kanya. Nagulat si Ella sa balitang iyon ni Aya sa kanya,pero nakapag desisyon na siya,bagama't tila may kung anong nag-uudyok sa kanya na tanggapin ang offer dahil sa pag-asang lagi niya nanamang makikita ang direktor, pinanindigan niya parin ang desisyong binuo niya. " thank you sa effort mong tumawag at sa offer na another chance para sa'kin pero hindi ko matatanggap ang offer mo" sagot niya dito. "ganun ba? puwede bang malaman kung bakit?"malungkot naman na tanong ng nasa kabilang linya. "nagdecide na kasi ako na maghahanap nalang ako ng stable na trabaho. Sorry,pakisabe nalang kay direk thank you." aniya sabay nag paalam na dito. Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ni Aya,medyo nanghinayang si Ella,nawala na kasi ang pagkakataon niyang makasama ang binata. "ano kaba Ella,tama lang yung ginawa mo,mas mabuti nang masaktan ka ngayon kesa masaktan kapa sa huli,mas mahirap yun." sa isip isip niya. Yun nalang ang itinatak niya sa isip niya para palubagin ang loob niya.
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomansaBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...