Part 87

825 14 0
                                    

Naiwan si Anton na tahimik lang  na nakatayo sa may parking lot hindi kasi siya nakaimik sa sinabe ni Ella . Hanggang sa mamataan niya si Therese,tahimik lang itong nakatingin sa kanya. 

"are we still okay?" tanong nito sa kanya. Nung mga oras na yun ay nasa loob na sila ng sasakyan niya, pero hindi parin sila umaalis sa parking lot.Dahan-dahan niyang nilingon ang babae,malungkot niya itong pinag masdan,hanggang sa bigla ay bumagsak ang luha mula sa kanyang mga mata.Maya-maya pay nagsalita na siya   "I'm sorry Therese."aniya sa pagitan ng pagluha. Hindi pa man niya sinasabi kung bakit ay tila naintindihan naman ng dalaga ang ibig niyang sabihin. Maya-maya pa'y malungkot din itong nagsalita "I know for a fact na hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso mo nung bumisita ako sa set niyo."umiiyak nang sabi nito sa kanya. "naramdaman ko yun sa mga titig mo kay Ella,and I don't blame her,hindi rin ako galit sa'yo, because in the first place,ako ang nang-iwan sa'yo." pagpapatuloy pa nito. "alam ko rin na mahal ka niya,nararamdaman ko yun,that's why you have  to fight your love for her. "sabi pa nito. Tumango naman si Anton at niyakap ang dalaga. 

Dire-diretso si Ella sa kuwarto niya  nang makarating sa bahay nila. Doon ay inubos niya ang lakas sa pag-iyak, nag riring ang phone niya pero hindi niya ito sinasagot. Wala siyang ganang makipag-usap kahit kanino nung mga oras na yun. 


Inimbitahan ni Anton si Tommy sa bahay nila kinabukasan, sinabi niya dito na naghiwalay na ulit sila ni Therse. "really? bakit naman,pinagpalit ka ba ulit niya sa career niya?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya. "hindi, actually maayos siyang nakipaghiwalay sa'kin." nakangiti namang sagot niya dito. "bakit parang hindi ka affected?" nagtatakang tanong ni Tommy sa kanya. "dahil hindi na si Therese ang nag mamay-ari ng puso ko."nakangiting sagot niya dito. "sino?" tanong nito.Ngumiti siya dito. "huh,dont tell me-"gulat na sabi nito  "yes,it's Ella,"sagot niya dito. "sabi ko na nga ba eh,hindi magtatagal at mahuhulog din ang loob mo sa kanya. "nakangiti pang sabi nito.   "but I need your help,there's something we need to do." sabi niya dito. 


Mugtung-mugto ang mata ni Ella kinabukasan, pero kahit paano'y magaang na ang loob niya, naiyak niya na kasi lahat ng sama ng loob niya. Kaya masaya niyang binati ang mga magulang nang makita niya ang mga ito sa sala. Maganda rin ang araw na yun dahil sabay-sabay silang kumain.  "ano okay na ba 'yang pakiramdam mo anak?" nag-aalalang tanong ng kanyang ama. "oo naman tay, bakit niyo naman natanong?" tanong niya dito. "pa'no eh, magang-maga yang mata mo kakaiyak. "sabi pa nito. "siyempre, nagpractice kasi akong umiyak para sa audition,gusto kong ipakita sa kanila ang galing ko sa iyakan" paliwanag niya. Maya-maya pa ay nagring ang cellphone niya. Numero lang ang nakarehistro sa cellphone kaya hindi niya alam kung sino ang tumatawag "hello,sino sila?" 

"hi,puwede po ba kay ms.Ella Escobar?" anang  boses babae sa kabilang linya.


LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon