Part 45

680 10 0
                                    

At isinakatuparan niya nga ang kanyang plano. Lihim niyang minatyagan ang direktor. At hindi nga siya ngkamali,isa-isa nang nag si uwian ang lahat ng staff pati talents,sinadya niyang mag paiwan para maisakatuparan ang planong sumabay dito. Nang mapansin niya na pasakay na ito sa kotse nito ay dali-dali siyang lumapit dito. Nang akma niya na itong lalapitan ay isang sasakyan ang biglang huminto sa harapan niya.At pagbaba nito ng windshield ay tumambad sa harapan niya ang mukha ni Reuben.  "hi Ella, gabi na ah andito ka pa pala. "anito "grrr,kainis naman oh,"sa isip-isip niya. "tara na sumabay kana sa'kin mahihirapan kang humanap ng sasakyan,delikado na."alok nito sa kanya. "hihi may sasakyan ka pala."pilit na tawa ang kanyang pinakawalan "hindi 'wag na nakakahiya naman sa'yo." tanggi niya dito. "ano kaba 'wag kanang mahiya, saka delikado na sa daan ehh," wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang alok nito sa kanya. Sa totoo nga lang ay gusto niyang ipamukha dito na panira ito ng diskarte,pero sinarili na lamang niya iyon. Pag dating sa bahay nila ay niyaya niya nalang na magkape si Reuben sa kanila,na hindi naman tinaggihan ng binata.Pag pasok sa kanilang bahay ay dinatnan niyang gising pa ang mga magulang. Pinakilala niya si Reuben sa mga ito. "magandang gabi po ma'am,sir" bati naman nito sa nanay at tatay niya. "magandang gabi naman sa'yo hijo."sagot naman ni Mang Ernesto tatay ni Ella. Maya-maya ay hinila si Ella ng kanyang ina habang ang tatay niya naman ay abalang nakikipag-usap sa kay Reuben. "ikaw bata ka,sino yang kasama mo ha?" tanong nito sa kanya "wala po yun nay kaibigan ko lang."  sagot niya naman dito. "kaibigan,ikaw lahat nalang ng naghahatid sa'yo dito lalaki."nakapameywang pa ang kanyang ina habang sinisermunan siya. "nay naman,wala na po ba kayong tiwala sa'kin,nag magandang loob lang naman yung tao na ihatid ako kasi gabe na,mahirap kasi sumakay dun sa location ng shooting."paliwanag niya naman sa ina. "hay naku Michaella,pag ako nalaman-laman ko lang na buntis kana-" "hala grabe ka naman sa akin nay,buntis agad eh hindi pa nga ako nagkakaboyfriend."putol niya sa sasabihin sana ng ina. "oh siya sige,harapin mo na yung bisita mo.Umayos ka ha?"anito sa kanya. "opo nay," sagot niya dito.Nang makabalik siya sa sala ay iniwan na sila ni Mang Ernesto. "oh,ano napag-usapan niyo ng tatay ko?"tanong niya kay Reuben ng makaupo siya sa tabi nito. "nileksiyunan lang ako tungkol sa pagiging sagrado ng kasal" anito sa kanya "ano sinabe sa'yo yun ng tatay ko?" gulat na tanong niya dito. "Naku pasensiya kana ha?o.a lang talaga magreact yung parents ko."paliwanag niya pa dito. "hindi okay lang,pinuprotektahan ka lang nila."                                                                                                                                                                    "ganun talaga yung parents ko saakin,siguro dahil kahit minsan hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya yun medyo over protective."aniya dito. Tila nagulat naman ito sa sinabe niya. "hindi kapa nag kakaboyfriend,sa ganda mong yan?"gulat na tanong nito sa kanya. "naku ikaw nga 'wag mo akong binubola." namumula ang pisnging sabe naman niya  dito . "totoo naman maganda ka naman talaga. Bakit hindi ka pa nga pala nag kakaboyfriend?" tanong nito sa kanya. "hindi ko rin alam ehh,para kasing naiilang ako noon. May mga nanligaw naman sa'kin kaso lang parang hindi sila yung tamang tao para sa'kin." sagot niya dito. "ehh kung  sakali bang ligawan kita, papayag ka naman kaya?" nagulat siya sa sinabeng iyon ni Reuben,biglang hindi niya maintindihan ang iisipin nung mga oras na yun.Hindi niya tuloy alam kung anong isasagot dito. "n-naku anong oras na pala, maaga pa tayo bukas,baka mamaya malate nanaman tayo mapagalitan  pa tayo ni direk. "aniya para makaiwas sa tanong nito. "p-pero hindi mo pa sinasagot yung tanong ko."nagkunwari naman siyang hindi ito narinig. Kunwari pa siyang naghikab para ipakita dito na inaantok na siya.Walang nagawa ang binata kundi ang magpaalam na sa kanya.

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon