Kakatapos lang ng shooting,nag grab nalang si Ella pauwe sa kanilang bahay,habang nasa biyahe siya ay nagring ang kanyang cellphone,si Nadia ang tumatawag. "hello beshie kamusta?" bati niya dito nang sagutin niya ang telepono."hello Ella," nagulat siya nang boses lalaki ang nagsalita. "s-sino ka? bakit nasa'yo ang cellphone ng beshie ko?"tumataas na ang boses na tanong niya dito. "oy,ano ka ba,anong pinaggagawa mo sa cellphone ko akin na nga 'yan!"sigaw ng boses babae sa kabilang linya. "hello beshie," si Nadia na ang kausap niya. "s-sino yung lalaking kasama mo diyan?" nanglalaki ang mata niya habang kausap si Nadia. "wala yun si Tommy lang." natutop niya ang bibig niya sa gulat. "anong meron sa inyo ni Tommy? Umamin ka beshie,bakit nandiyan yan sa condo mo? akala ko pa naman conservative ka," tuloy-tuloy na sabe niya dito. "ay wow ah,dumi ng utak ahhh,hindi ba puwedeng bumisita lang ?" sagot naman nito sa kaniya. "siguraduhin mo lang ahh,kahit anong mangyari 'wag mong isusuko yung bataan kundi kukutusan kita," banta niya dito na iniamba pa ang kamay na akala mo ba'y nasa harap niya lang ang kausap. "tse! anong akala mo sa'kin kaladkarin?" depensa naman nito sa sarili. "Pumunta lang yan dito,bumisita lang,yun lang." pagpapatuloy pa nito. "okay,bakit ka nga pala napatawag?" tanong niya dito. "actually hindi ako ang tumawag sa'yo si Tommy,but since kausap na kita,itatanong ko narin kung kamusta kana." anito "naku,hindi okay,na bembang ako ni direk." sagot niya dito. "ano? na badshot ka nanaman sa kanya?ano nanamang kapalpakan ba kasi yang ginawa mo ha?" tanong nito sa kanya. "nalate kasi ako nung lunch dahil nga antagal dumating ng order namin,ayun pagbalik namin nag beastmode na." paliwanag niya. "eh,teka nga muna, sinong namin ba yang sinasabe mo ha?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "si Reuben yung camera man niya. Nilibre kasi ako ng lunch." aniya. "Reuben? eh sino naman yun?" nagtataka paring tanong nito sa kanya. "camera man nga"medyo inis na sagot niya dito. "ehh,baka naman type ka nun," sagot nito sa kanya. "Sino si direk?"
"hindi,yung sinasabe mong camera man.Anong si Direk?ambisyosa" muling sagot nito sa kanya.
"'to naman nakikipag kaibigan lang type na agad,"
"malay mo naman di ba?" muling sagot sa kanya ng kaibigan.
"ewan ko sa'yo,oh sige na mamaya nalang ulet tayo mag-usap nandito na kasi ako sa bahay isa pa palobat na 'tong cellhpone ko."paalam niya sa kaibigan.
"sige bye,"sagot naman nito bago tuluyang ibaba na ang phone.
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomanceBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...