Pagkagaling sa shower ay naghalungkat naman si Anton ng kanyang cabinet,may usapan kasi sila ni Therese na mag didinner. Hanggang sa paghahalungkat niya ay maagaw ang kanyang atensiyon ng isang t-shirt. Ito ang t-shirt na binili sa kanya ni Ella nang minsang magpunta sila sa divisoria. Napangiti siya nang bumalik sa alaala niya ang araw na yun, hindi niya alam kung bakit napakasiksikan ng lugar na iyon pero sobrang saya niya. Bahagya pa siyang natawa nang maalala ang pakikipag bargain ng dalaga sa mga tindero. Maya-maya pa'y itinabi niya ang t-shirt saka dumamapot ng ibang susuotin.
"hi babe." bati niya kay Therese nang maabutan niya itong nag hihintay sa kanya sa restaurant na napag-usapan nila. "you look handsome tonight. " nakangiting sabi nito sa kanya. "well because I'll be with a gorgeous woman" nakangiting sagot niya naman dito. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng lungkot sa mga oras na yun. Parang may kulang na kung ano. "let's place an order na."ani Therese. Tumango nalang siya dito. After nilang kumain ay inihatid niya na si Therese sa condo unit nito. Nang pauwe na siya,hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at ibang daan ang binabagtas niya. Namalayan niya nalang na nasa tapat na siya ng bahay nina Ella. Nang makarating siya'y hindi siya bumaba ng sasakyan sa halip ay pinagmasdan niya lang ito. Maya-maya ay isang babae ang naaninag niya, iyon ay walang iba kundi si Ella. May bitbit itong itim na plastic bag. Nang mapansin niyang binabagtas nito ang daan papunta sa kinaroroonan niya ay bigla niyang pinaharurot ng takbo ang sasakyan.
Takang-taka si Ella,namamalikmata lang ba siya,para kasing sasakyan ni Anton ang nakita niya. Pero binale wala niya nalang iyon . Inilagay niya ang dala-dalang plastic ng basura atsaka bumalik sa loob ng kanilang bahay. Dire-diretso siyang pumasok sa kuwarto niya at tahimik na nag-isip. Kinuha niya ang picture frame na nakasabit sa ding-ding ng kuwarto niya at nakangiti itong pinagmasdan. Naglalaman ito ng litrato nila ni Anton nang magpunta sila sa Subic. Mahigpit niya itong niyakap hanggang sa makatulog siya.
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
Roman d'amourBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...