Maaga palang nung sumunod na araw ay dumating na si Ella sa set. Ayaw niya kasing malate at baka madismaya nanaman sa kanya si Anton. Yun nga lang, tila napaaga yata siya ng dating. Wala pa kasi kahit ang mga staff doon. "ako palang mag-isa? San naman ako tatambay nito?" pabulung-bulong na tanong niya sa sarili. "kunsabagay, mas okay na rin na maaga ako kesa naman malate ako no,mamaya magalit pa sa'kin si direk mas malala yun. Mawawalan nanaman ako ng chance na makita siya." pagpapalubag-loob niya sa sarili. Naisipan niyang maghanap nalang muna nang malapit na kakainan. Sa sobrang pagmamadali niya kasi kanina ay hindi na siya nakapag almusal. Nakakita siya ng malapit na fastfood at doon niya naisipang kumain dahil mura lang ang tinda. Yun nga lang at medyo puno na ito,buti nalang at may nakita pa siyang puwesto na pangdalawahan. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain ng biglang may umupo sa tapat niya. "hi miss," bati nito sa kanya. Hindi niya kilala ang lalaki pero mukhang pamilyar ang mukha nito. "I'm Reuben nga pala." pakilala nito. Maitsura ang lalaki,maputi ito at may katangkaran. "h-hi, kilala ba kita." tanong niya dito. "hindi pa tayo nagkakakilala pero isa ako sa mga crew ng ginagawang movie ni Direk. Anton De Vera. Ako ang Camera man." anito. "ahh,kaya pala pamilyar ka."sagot niya naman dito. "naku pasensiya kana ha?Hindi kita namukhaan, Marami kasi masyadong crew si direk ehh." paliwanag niya. "hindi okay lang.Atleast ngayon magkakilala na tayo." nakangiti namang sagot nito sa kanya.
Pagkatapos kumain ay sabay silang dalawa na bumalik sa set. Pag dating nila doon ay kumpleto na ang lahat ng crew pati mga talents. Isa nalang ang ang wala,si Direk. Maya-maya pa,isang asul na kotse ang huminto sa harap nila. Iniluwa nito ang napakaguwapong lalaki. Nakagray na shirt at maong na pantalon ito. Nakasuot din ito ng shades. Nang makita ito ni Ella,biglang kumabog ang dibdib niya. Kilala niya kasi ang lalaki,ito ay walang iba kundi ang pinakaaasam niyang direktor. Si Anton De Vera.
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomanceBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...