Kahit nasa loob na ng kanyang kuwarto,hindi parin siya agad dinapuan ng antok,nasa isip parin niya kasi si Anton. Ang guwapo nitong mukha at ang maganda nitong katawan.
Iniisip niya kung paano niya mapapaibig angbinata ganitong ni hindi nga sila nag-uusap.Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng biglang magring ang cellphone niya. Si Nadia ang tumatawag.
"oh beshie bakit"
"Ba't gising kapa?"tanong nito sa kanya
"wow,ako pa talaga tinanong mo niyan ha? Ikaw kaya yung tumawag."sagot niya naman dito.
"hindi, nagtataka lang ako kasi sinagot mo kaagad,kamusta naman ang lakad mo?"muling tanong nito sa kanya
"Ito dinis-oras ng gabi sa pag-uwe yan tuloy na sixteen verse ako ni nanay saka ni tatay."
"eh ikaw naman kasi,nababaliw ka na diyan sa direktor mo."
"'wag mo na akong sermunan,nasermunan na nga ako eh,"
"hay naku dapat lang sa'yo yung sinisermunan,anyway kaya ako tumawag sayo kasi may favor sana akong hihingin."
"Oh,ano naman yun?"
"Puwede mo ba akong samahan?"tanong nito sa kanya.
"saan naman?"
"yung daddy ko kasi humingi ng favor sa'kin,iniinvite daw siya sa birthday party ng friend niya,eh kaso lang hindi siya makakapunta kasi my business trip siya. Kaya yun,ako nalang pinapunta niya." paliwanag nito sa kanya
"Naku panigurado mga sosyal yung mga bisita dun,ayoko ikaw nalang mamaya ma o.p lang ako dun ehhh.." pagtanggi niya sa alok ng kaibigan.
"Ano ka ba,siyempre hahayaan ko ba naman mangyari yun,natural tutulungan kita.Kasama mo kaya ako."
"friend wala akong susuoting damit."
"akong bahala sa'yo"paniniguro ng kaibigan sa kanya.
"eh kelan ba yan?"muling tanong niya dito
"next saturday pa naman."
"okay sige sabe mo ehhh..." aniya sa kaibigan
"aayyy ..salamat beshie,"
napangiwi si Ella dahil sa pagtili ng kaibigan niya sa kabilang linya.
"sige na,matutulog na ako goodnight" pag papaalam niya sa kaibigan.
"sige goodnight"
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomanceBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...