Part 81

684 9 0
                                    

Nagulat si Anton nang makita si Therese na nag-aabang sa harap ng gate ng bahay nila. "what are you doing here?" tanong niya dito. Kakagaling niya lang kasi kila Tommy. "visiting you,"nakangiting sagot nito sa kanya. "wala naman akong sakit ah?" takang tanong niya dito. "Anton,I already know everything,I know that Ella was just pretending as your girlfriend."sabi pa nito. Bahagya siyang nagulat ng sabihin ito ng babae. "what do you mean?" takang tanong niya dito. "I saw her earlier sa mall with a guy,I confronted her,and she told me everything."paliwanag nito. "Anton,alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo,"umiiyak nang sabi nang babae "but I'm begging you ,please give me another chance. I promise you this time, I'm not gonna hurt you again." pakiusap nito sa kanya. Wala nang nagawa si Anton kundi ang yakapin ito. Pero may gumugulo sa isip niya nang mga oras na 'yon ang sinabi nitong nakita si Ella na may ka date. At hindi na siya magtataka pa kung sino,alam niyang ito ay walang iba kundi si Reuben. 

"good morning guys," narinig ni Ella na bati ni Anton pagdating nito. "good morning Ella,did you sleep well?" sabi nito sa kanya. Hindi niya maintidihan pero parang may ibig sabihin ang tanong na iyon ng binata sa kanya. Pero alam niyang kung galit man ito sa kanya ay sa kadahilanang sinabi niya kay Therese ang totoo. "tama lang po" sagot niya dito. Sarkastiko itong ngumiti sa kanya. "okay let's start na," sabi ni Anton sa mga crew. Abala sila sa pagkuha ng eksena nang biglang sumulpot si Therese. "okay guys cut, let's take a break muna." anito nang makita si Therese na palapit "hi babe,"bati nito kay Anton . Nakita din ito ni Ella. Pero ang labis na gumulat sa kanya ay nang lumapit ito kay Anton at halikan ito sa labi. Kinilig naman ang mga crew   maliban sa kanya na nasasaktan sa nasaksihan. Bigla ay parang gusto niyang tumakbo palayo at umiyak, pero pinigil niya ang sarili. "guys I want you to meet Therese, my girlfriend."pakilala nito. "wow direk,ang suwerte mo naman,napakaganda ng girlfriend mo." kinikilig pang sabi ng isa sa mga crew. Natawa naman si Therese sa sinabi nito. "hey Ella you're here." maya-maya pa'y nakangiting bati nito sa kanya. Ginantihan niya rin ito ng ngiti. Hindi niya alam pero nang mapadako ang mata niya kay Anton ay tila ba nanunumbat ito,kaya napayuko nalang siya. "napadalaw ka,"tanong dito ni Anton. "wala lang na missed lang kita agad,and also I brought food for every one."nakangiti pang sabi nito. Nagpalakpakan sa tuwa ang mga crew  . Bigla ay parang naging isang buffet ang buong set. 

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon