chapter 11

782 21 9
                                    

Malapit ng mag lunch kaya nagpasya si jersey na pumunta sa powder room, syempre kailangan nyang magpaganda, minsan lang to, minsan lang na makasama nya ang kanyang minamahal, kya di sya pwedeng magpakitang haragardo verzoza.

Lagay ng lipstick...

Lagay ng blush on...

Spray ng perfume, yung paborito kong Victoria secret.

At sipat mabuti kung maganda na talaga, para mapawow ko sya,

Pagkatapos nun lumabas na ako ng powder room, at nagderetso sa elevator para makipagtagpo sa kanya.

Sipat ng oras, shucks naman late na pala ako 12:05 na kaya nagdadali ako, papunta sa parking lot, at ayun nakita ko na nga sya, nakasandal sa kanyang ford car niya. Isinakbit ko ng ayos ang aking LOUBOUTIN bag sa mga balikat ko at dahan-dahang naglakad papunta dito with poise.

Nakatingin sya sakin at magkasalubong ang kilay.

"Your late, did you remember what I told to you a while ago?" Nakunot noong tanong pa rin nito.

Nagkamot ako ng batok ko bago nahihiyang sumagot dito. "Ahmm sorry."  Hinid ko alam ang isasagot dito, hindi ko naman masabi na "hindi ko namalayan ang oras kasi nasa powder room ako kanina nagpapaganda para sayo." Alam ko na ang sasabihin niyan sa akin. Hindi ko pa ikakatuwa.

"Let's go!" Pumasok ito ng sasakyan niya. Ang gentlemen niya lang, nakakahanga talaga! bulong ni Jersey sa sarili.

Nang mapansin ni Kevin na hindi pa ito napasok sa kotse, Binaba nya ang salamin. "Hindi ka pa ba papasok? anong  inaantay mo diyan? pagputi ng uwak?" Tanong nito.

Kesa makaipag away pa dito pumasok na lang siya ng tahimik napapagod na din siya sa laging pag-aaway nilang dalawa.

Habang nasa byahe sila papunta ng Mall na napagdesisyunan nilang doon nalang maghanap ng pangregalo ay parehas silang tahimik. Nagpapakiramdaman sa isat-isa.

Sa isipan ni kevin, alam niya kung bakit ang tagal nitong lumabas dahil nagmake-up pa ito at nagpabango. Hindi pa rin nito binabago ang kanyang matamis at branded na pabangong Victoria Secret. Ang gusto niya sa isang babae ay isang simple lang, polbo at lipgloss ay ayos na hindi naman kailangan magpaganda pa. SIMPLICITY IS BEAUTY.

Nakarating na sila sa MOA at naghanap ng pagpaparadahan. Pagkatapos non bumaba na sila at dumeretso na sa loob para pumili ng pangreregalo.

Pumasok si kevin sa isang appliance shop, habang nakasunod lang si jersey sa kanyang likod.Pinagmasdan ni Kevin ang Refrigerator nang makita ito sa bungad pa lang.

"What do you think? This one?" tumingin ito kay Jersey at ipanatutungkol kung magandang iregalo ang ansabing appliance.

Sa loob-loob ni Jersey ay hanggang ngayon wala pa rin itong alam sa mga ganitong bagay. Tumatawa siya sa kanyang kaooloban pero pinipigilan lang niya ito dahil baka magalit ang kasama niya.

"No sir."

Umalis si Kevin mula sa pagkakatayo nito sa Ref at pumunta sa mga things ng pang living room.

"This one? Sala set?"

"No sir." Then she simplied smiled at him. Umalis na ulit ito at pumunta sa appliance na pang Dining room.

"Dining table?" nakataas kilay na muling tanong nito. Ang epic lang niya kung pagmamasdan ito tapos ang mga sales lady pur sinasabi "yan sir maganda yan." Inuuto si kevin pero hindi naman pinapansin ito siya pa rin ang tinatanong. Makabenta lang sila lahat sasabihin maganda.

"No sir!" Tumawa na siya hindi na talaga niya mapigilan.

"What?, Why?"

"naman sir mukhang tanga lang, sino ba naman ang magreregalo ng ganyang pagkalaki laking appliances? Hahaha sir kaya nyo bang dalhin yan sa reception?" Natatawa kong atnong dito at pagrereklamo.

Hopeless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon