Carla’s pov
Nareceive ko ang text ni shiela, kaya naman dali-dali kong tinext si RICK hahaha, mas boto ako dun kesa kay kevin. Lagi nalang sinasaktan si jersey mafriend.
TO:RICK
ASAHI NOW!
Agad akong nagbihis buti na lang tulog pa ang asawa ko and yung baby ko. Pagod kanina eh. Pagod sa Paggawa ng graham balls baka kung anong iniisip nyo.
Pagkatapos kong magbihis ay agad kong nilapitan ang asawa ko at ginising ito. “Hon, alis muna ako may problema si Jersey puntahan lamang namin ni Shiela.” Paalam ko sa kanya.
"ok ingat.” lintek walang pake ee, pagkatapos kong ibigay lahat-lahat ganun nalang? hahaha drama ko lang.
Wait Ms. author himala sa himala ginawan mo ako ng POV(bakit ayaw mo?)
Gusto ko nga, kahit alam kong saglit at isang beses lang to,hahaha(buti alam mo, matatapos na to e kaya wag ka ng madaldal baka tanggalin kita dito)
End of pov.
SERYOSONG POV NA
Pagkapaalam ko sa asawa ko ay agad na akong umalis ng bahay namin pero sinilip ko muna ang anak ko kasama ang yaya niya.
Nanng makarating na ako sa Asahi ay agad na akong pumasok doon at naghanap sa dalawa. Medyo ang hirap nilang hanapin dahil matao na ngayon at puro nasa dance floor na ang mga tao. Hanggang sa matagpuan ko ang dalawang eklang kaibigan ko.
"BAGTIT!!”
Sumigaw ako na agad nilang ikinalingon sa akin. Tinignan lang ako ni Jersey at muling humarap na ito samantalang si Shiela ay inirapan lang ako binatukan ko nga. Infairness namiss ko sila.
Kasi simula ng magtrabaho si jersey dun sa company na yun e nagbago na talaga kaya naman proud na proud ako sa kanya.
"One shot of tequilla please” sabi ko sa bartender bago binalingan ang dalawa. “What?” tanong ko dito
"Jersey has a problem!” si Shiela ang sumagot sa akin.
"What is that? “ Tanong ko naman kay Jersey. "About kevin“si Shiela na naman ang sumagot. I think nagkausap na ang dalawang ito kaya si Shiela na ang sumasagot. Ang tagal ko bang dumating?
"And?” Taas kilay kong tanong ulit.
"Kevin already have a fiancee now. “ sagot na naman ni Shiela. Natigil ako sa sagot nito kaya ba nagmumukmok na itong si Jersey?
Okay! Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kahit gusto ko siyang batukan ng maliwanagan eh hindi ganon kadali yon. I shot the tequila I’d order.
"Hindi ko alam ang sasabihin. Nung naghiwalay ba kayo may closure sa inyong dalawa? Nagkausap na ba kayong muli tungkol doon nitong dumating siya? At bakit ka nagkakaganyan? “Tanong ko sa kanya. Minuwestra ko na naman ang isang shots sa waiter at agad na iniabot nito sa akin.
Pinagmasdan ko siyang umiinom na nang beer sa bote na hawak nito. “Hindi ko alam kung closure na matatawag yon. Hindi pa kami nag-uusap simula nang magkatrabaho kami tungkol sa paghihiwalay namin. Ang tanga ko lang kasi hanggang ngayon umaasa ako na ako pa rin ang mahal niya.” Madramang sinabi niya ito sa harapan namin ni Shiela. Nagkatinginan kaming dalawa na para bang nagsasabi na ANONG GAGAWIN NATIN?
"girl ganyan talaga masakit pero kung mahal mo talaga sya magparaya ka nalang kasi sya na ang gusto nya at hindi ikaw pati kung mahal mo sya hayaan mo sya kung saan sya masaya sabi nga ng author na si shierlengtearjerky “the best way to lose is to sacrifice yourself."isacrifice mo nalang ang kasiyahan mo para sa kanya.”Naiiyak ako kasi si Jersey ay humahagulgol na ngayon.
Tinignan ako ni Jersey and she smile at me while saying “yeah right!”
"kaya naman cheers kay jersey na HEART BROKEN!” sigaw ko ayun binatukan ako ni shiela. Hahaha To light up the mood.
***
rick's pov
Nagkakapagtaka kung bakit nila ako pinapunta nila Carla sa bar na yon. Iniisip ko pa rin iyon hanggang makarating na ako dito sa Asahi at nakita sila kasama si JERSEY…lumapit ako sa kanila.
"Hi guys, zup?” kalapit ako ngayon ni Jersey na nakatungo na.
"tamang-tama rick dumating ka na hinahanap na ako ng asawa ko ikaw na bahala sa kanya.” Sabay turo ni Shiela sa katabi ko na ngayon ay laglag na nga sa kalasingan.
"ako din Rick.” Segunda pa ni Carla.
“Just remember this WAG NA WAG MONG AABUSUHIN ANG KAHINAAN NIYANG BABAENG YAN DAHIL SA LASING YAN PAG NALAMAN NAMIN NI CARLA NA MAY GINAWA KA lAGOT KA SA AMIN.” Pananakot ni Shiela.
“O-Okay.” Yun lang ang tanging naisagot ko dahil sa pagiging armalite ng bibig ng dalawa grabe talaga.
Bigla nalang tumakbo ang dalawa kaya naiwan ako dito at Jersey ako pa tuloy ang maghahatid sa babaeng ito. Pwede ko tong gahasain dahil sa suot nitong napakaikli pero dahil mahal ko tong baabeng to at malaki ang respeto ko sa kanya at takot ko nalang sa dalawa ihahatid ko ito ng buong-buo.
"kevin mahal na mahal kita? hindi mo ba maramdaman yun? “ Nailapat ko na siya sa passenger seat.
"Huy Jersey okay ka lang?” Tinapik tapik ko ang pisngi niya pero himbing na himbing ito pagtulog.
Masakit nung marinig ko yun pero anung magagawa ko? Ipagpipilitan ko ang sarili ko sa taong ayaw sa akin psh! wag na, kaawa-awa lang ako. Sabi nga nila pagnagmahal ka daw hahamakin mo ang lahat, pero paano ko hahamakin kung yung taong mahal ko ee ayaw talaga sa akin na ang tingin lang sa akin ee isang KAIBIGAN.
Hindi ko isasakripisyo ang PAGKAKAIBIGAN namin alang-alang lang sa nararamdaman ko sa kanya at batid ko rin naman kung sino talaga ang tunay niyang gusto.
Nasa tapat na kami ng labas ng bahay nila kaya nag doorbell muna ako para makahingi ng tulong sa Daddy niya.
*DING DONG*
Nakailang pindot ako sa kanilang doorbell bago may sumigaw sa akin mula sa loob ng bahay nila. Nakita ko ang humahangos na Mommy ni Jersey.
"goodevening po tita hinatid ko lang po si jersey."pagbungad kong sabi.
"oh sige pasok mo na yan salamat huh" binuhat ko si Jersey na walang malay pa rin hanggang sa makarating kami sa kwarto niya at inilapag siya sa kanyang kama.
Lumabas muna ang Mommy ni Jersey para kumuha ng bimpo at palanggana habang ako ngayon ay pinagmamasdan siya. Hinawi ko ang mga buhok niya na nakatakip sa mukha niya and tuck it in the back of her ear.
"Promise gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang" bulong ko kay jersey.
Nang makabalik na ang Mommy ni Jersey ay kasama na nito ang Daddy nito kaya agad na akong nagpaalam dahil may kailangan pa akong gawin na ikasisiya niya. SANA!
BINABASA MO ANG
Hopeless Girl
FanfictionFAN-FICTION. Yung name lang ng mga bida ang fan-fictions. but the rest is original, walang pinagkuhaang iba. other characters and the PLOT ay ako mismo ang nag-isip, kung simple man ang mga nakalagay dito para sa inyo wala na akong magagawa.