Chapter 18
"teka lang!”
“Ano yon Jersey?” tanong nito sa kanya. Napayakap siya sa sarili niya ng wala sa oras dahil sa ginagawa sa kanya ni Kevin.
"Kevin hindi pa ako handa!” Inilalayo ko siya sa akin sa pamamagitan ng pag urong ng dalawang mga paa ko. Anong trip nitong lalaking to ngayon? Ako ang kinukulit.
“Ako. Handang-handa na Jersey!”
"masyado ka namang nagmamabilis!”
“Eh kasi ang bagal mo!” Pagrereklamo pa niya. Nakakainis na huh siya ang may kailangan dapat siya pa ang maganang magalit? Nakakaloko tong lalaking to.
"pwede namang dahan-dahan” Inirapan ko siya at nagwalk-out kaya lang hindi pa ako nakakatalikod hinila na niya ako at niyakap ng mahigpit.
“Jersey bilisan mo kaya dali.nakakainip ka na ready na ako.bakit pa dadahan dahanin kung pwede namang gawin ng mabilisan?” Sabi nito sa tainga ko ng mahina na parang nang-aakit ng hindi mo malaman.
Namumula na ako at nag-iinit sa kanyang ginagawang pagyakap sa akin at sa pag..
“K-kevin…”
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone
May narinig si Jersey na maingay kaya naman napamulat siya sa kanyang paghiga at dahil na rin sa gulat siya ay lumagabog sa kanyang kama.
"ouch! nasaan na ang cellphone ko?” Kakapa-kapa ako sa side table ko habang hinihimas ang pwet kong hindi naman masama ang pagkakabagsak pero masakit pa rin.
Mukhang ayaw akong tigilan nung tumatawag dahil nambubulahaw ang cellphone ko sa lakas ng sounds.
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone
Nang sa wakas nakapa ko na siya agad ko na itong dinampot at hindi na tinignan kung sino ang tumatawag ay sinagot ko na.
“ Hello!” Bungad ng nasa kabilang linya, di ko makilala ang boses niya kasi medyo husky iyon.
"ANONG KAILANGAN MO? ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA HUH?! ALAM MO BANG KASARAPAN NA NG TULOG KO?! MALAPIT NA EE! MALAPIT NA! SINO KA BA?! BWISIT KA! PAPATAYIN KITA PAG NALAMAN KO KUNG SINO KA! ALL CAPS YAN!”
Kinapa ko ang alarm clock ko at pagkakita ko ALAS TRES pa lang nang umaga. Tumatawa yung nasa kabilang linya ng walang katapusan. Lakas niyang makatawa wala akong panahon sa kanya.
"GAGO KA BA?! ANONG NAKAKATAWA?! KUNG WALA KANG MAGAWA MAGPAKAMATAY KA NALANG! WAG KANG MAMDAMAY NG IBA!”
“Gusto ko kung magpapakamatay man ako kasama ka!” Sabi pa rin nito habang natatawa pa rin.
BINABASA MO ANG
Hopeless Girl
FanfictionFAN-FICTION. Yung name lang ng mga bida ang fan-fictions. but the rest is original, walang pinagkuhaang iba. other characters and the PLOT ay ako mismo ang nag-isip, kung simple man ang mga nakalagay dito para sa inyo wala na akong magagawa.