Aoi's POV
Ui nandito ka na pala Mechaella?
Hindi mo ba kasama si Suzaku? Nasan na sya?
(Hindi nya ako pinasin, anong nangyari? Nilampasan lang nya ako.
Hoy! Manang nakita mo ba yun nilampasan lang nya ako! Di nya ako pinansin!!!
Nagrerebelde na ang anak KO!!!
hay..... dire-diretso lang sya umakyat ng kwarto nya......
Ni hindi talaga sya humarap.....! Manang ano nang gagawin ko ngayon!!!!!
ANG ANAK KO!!!
(╥﹏╥)
Mechaella's POV
Wala ako ngayon sa mood sakyan ang trip nitong si Aoi...
Hay... ang bad ko ba? Di ko sya pinansin?
Nandito ako ngayon sa kwarto ko yakap-yakap ko si Mimiko.
Hindi ko alam pero naiiyak ako ngayon...
Nung una kasi akala ko sila ang kakaiba.
Yun pala ako?
At ngayon alam ko na.
At sila napakalayo nila sa'kin!!!
Na kahit anong gawin ko hindi ako makakapunta sa mundo kung nasan sila...
Pero gusto ko sa tabi nila, masaya ako kasama nila, gusto ko silang maintindihan....
Pero hindi ko alam kung paano?
Paano kung ganito lang ako??? si Mechaella lang ako eh....
Kaya natulog nalang ako, wala akong ganang lumabas ng kwarto at kagaya nung nakaraang araw napanaginipan ko nanaman SYA hay.... bangungut ba yun? Kinausap nanaman nya ako?
Bakit ganun paulit-ulit ko syang napapanaginipan?
At matapos ko syang mapanaginipan di nanaman ako makatulog.
Natatakot ako sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko at puro dilim nalang ang natitira biglang sumulpot ang duguan nyang mukha...
Kaya ito ang aga ko nanaman pumasok at pagdating ko may babae nanaman dito sa room at hula ko lang Girlfriend ito ni kei.
Ammm???? wag ko nalang kaya pansinin. Baka awayin din ako nito... Mahirap na.
Queenie: Hi. Girlfriend ka DIN ba ni kei? Ako nga pala si Queenie....
Mechaella: O.O! (Ano daw? Did I just heard the word "DIN"!!!)
N-naku hindi ah! Hindi ako kabilang sa kanila.
M-mechaella pangalan ko at classmate nya lang ako... Haha???
Queenie: Napakababaero nya no?
Mechaella: Oo nga napansin ko---
(Lagi bang may babae dito sa room???
At araw-araw ba silang nag-iiba?
Siguro nga dapat na talaga akong maniwala kay Lelouch!
Grabe---)
BINABASA MO ANG
Unveiling Truth
RomansaWhat if the reflection you see in the mirror was not really you? What would you do? Follow me as I unravel the truth about myself... my life and--- My existence... And as I discover the reasons behind strange things that been occurring around me... ...