Chapter 62: Magkikita tayo muli---

43 0 0
                                    

Azura's POV

Natatakot ako, ang tunay na dahilan kung bakit hindi ko magawang sumama kay Charles ay dahil dito. Gusto ko mang iwan ang lugar na to ay di ko magawa dahil natatakot ako--- 

Natatakot ako na saktan at patayin nila ako gaya ng ginawa nila sa aking ama. 

Natatakot ako kaya gaya ng sinabi ni Charles ay nanatili ako sa loob. 

Pero nagulat ako nang wasakin nila ang pinto at kaladkarin ako palabas. 

Wala akong magawa. 

Naabutan kong kinakausap nila si Charles. 

Sinasabi na nila na isa akong mangkukulam.

 Kaya naman wala na akong nagawa kundi aminin ang totoo. 

 Sa totoo lang ay ayokong malaman nya ang totoo.

 Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon nya sa oras na malaman nya. 

 Pero nagulat ako sa narinig ko. 

 Hindi ko napigilan ang maluha. 

 Ang sabi nya ano naman daw kung magkukulam ako? Hindi na daw mahalaga yun. 

 At wala daw syang pakialam dun.

 Sya ang unang taong tumanggap sa akin.

 Unang taong nakapagsabi sa akin ng ganun. Gusto tumalon sa saya ng puso ko matapos marinig yun. 

 Tapos nagsimula na syang makipaglaban.

 Nagulat ako nang may biglang kumapit sa akin.

 Hinwakan nya ako sa kanang braso ko at naramdaman ko ang pagbaon ng punyal sa aking sikmura 

 "Aaaaaa!" 

 Hindi ko napigilang di mapasigaw. 

 Napuluhod ako sa lupa. Kita ko ang pagpatak ng aking dugo sa lupa. 

 Kasabay ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ni Charles. 

 Rmdam ko ang dahan-dahang pagbagsak ko sa lupa...

 Pero bigla rin syang bumagsak sa lupa. Pagbagsak nya. 

 Nakita ko ang espadang nakatusok sa kanyang likod. 

 Kasalanan ko to... 

 Yun agad ang nasabi ko. 

 Pinilit kong makatayo pero di ko kaya.... 

 Lumapit ako sa kanya kahit duguan ako. 

 Malapit lang ako sa kanya. 

 Gumapang ako sa lupa para malapit. 

 Inilagay ko ang ulo nya sa ibabaw ng binti ko. Charles! 

Unveiling TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon