Mechaella's POV
Nakaupo ako ngayon, mag-isa sa paborito kong lugar.
Kung saan mag-isa lang ako.
Walang gumagambala sa akin.
Hapon na pala? Kailangan ko na sigurong umuwi---
"Nakikita mo ba ang batang yan?"
"Ah? Sya yung anak ng mangkukulam di ba?"
"Eh talaga... Edi Kung ganun? Mangkukulam din ang batang yan?"
"Tama sya nga yun! Magkamukhang-magkamukha talaga sila ng babaeng yun. GRABE Kinikilabutan ako."
"Ah nakakatakot!"
"Akala ko nang mamatay ang ina ng batang yan, di ko na kailangan pang matakot...
Yun pala may iniwan pa."
"Hindi nalang nya isinama ang batang yan sa hukay."
"Tama ka."
Hindi na ako nasasaktan kapag nakakarinig ng ganun...
Siguro kasi sanay na ako...
Sabi nga nila sanay-sanayan lang yan...- Para sa akin normal na ang mag ganung bagay.
Araw-araw ko naririnig ang mga masasakit na salitang yun.
Kaya, parang naging normal na sa akin yun.
Itinago ako sa isang mansyong pagmamayari ng lolo ko.
Konti lang ang nakaka-alam na nag-eexist ako.
Tanging ang mga katulong, ilang kamag-anak, ang papa ko at ang kuya ko at ang lolo ko lang.
Ang totoo nyan gusto nyan gusto kong masakasama ang papa at kuya ko.
Gusto ko silang lapitan pero di ko yun magawa...
Siguro kasi nahihiya akong marinig nila ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sakin...
Lagi akong mag-isa pero ayos na din atleast hindi nila ako sinasaktan ng pisikal.
Naupo ako sa may sala at---
Nagulat ako ng biglang dumating ang lolo ko ----
si Eduard Ogata.
Matagal ko din syang di nakita.
L-lo---
Eduard: Ilayo nyo sa akin ang babaeng yan!
Ayoko syang makita!
Bakit ba pakalat-kalat yan dito sa mansyon!!!
At kagaya ng sabi nya kinaladkad ako palayo ng mga tauhan nya.
Ikinulong nila ako sa isang kwarto sa basement ng mansion
Hindi na ako nagulat dahil madalas ako dito....
Hindi ko lang to basta tambayan.
Ang totoo nyan ito talaga ang tahanan ko. ^_^
Madilim---
Malamig---
at mag-isa... T_T
Isang bagay na nararapat sa isang katulad ko.
Pero ok lang---
Kaya ko to...
Kinaya ko nga ng ilang taon ngayon pa kaya haha...
BINABASA MO ANG
Unveiling Truth
RomanceWhat if the reflection you see in the mirror was not really you? What would you do? Follow me as I unravel the truth about myself... my life and--- My existence... And as I discover the reasons behind strange things that been occurring around me... ...