Chapter 66: Pinakamasayang parte ng buhay ko---

47 1 0
                                    

Mechaella's POV

 Siguro may dadating na bisita.

 Ito ang madalas na ginagawa nila sa akin para maitago ako. 

 Wala daw maaaring makaalam na may kakambal ang kuya ko. 

 Ang pinakamasayang parte ng buhay ko ay nung makilala ko ang papa ko. 

 Isang beses ko palang sila nakasama pero napakasaya ko nung mga sandaling yun.

Flashback:

Tumakas ako nung mga sandaling yun narinig ko kasi na parating ang papa at kuya ko...

May nakita akong lalaki napapalibutan sya ng mga guards...

At nang tingnan ko siya ang papa ko---

Kilala ko na sya kahit di ko pa sya nakikita sa personal dahil sa mga picture at paintings nya sa loob ng mansion...

Nang malapit na ako nakilala naman nya kaagad ako at niyakap nya ako ng mahigpit...

 Ang saya ko nun, iyon ang unang beses na may yumakap sa akin. 

 Ramdam ko yung init ng pagmamahal ng isang magulang at ang saya ko ramdam ko na tanggap nya ako....

 Sa kung ano man ako---

 Iyon ang unang beses na naramadaman ko na may tumaggap sa akin. 

 Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling yun. 

 Kaya naman di ko napigilan ang mapaluha...

 Sa saya na rin siguro kaya ganito talaga ang pakiramdam...

Yung pakiramdam na makasama mo yung taong matagal mo nang gusto makita. 

 Pero di rin yun nagtaggal dumating na ang mga tauhan ni lolo. 

Aoi: Sa tingin ko dumating na ang sundo mo. Sumama ka na sa kanila. ^_^

Mechaella: *nod*

Aoi: Anak magpapakabait ka ha?

Mechaella: *nod* 

"Anak"

 Ang tagal kong hiniling na may tumawag sa akin ng ganun. 

Ang saya ko, lagi ko kasi yun naririnig sa mga katulong. 

Di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. 

Isang simpleng salita lang yun. 

Pero para sa akin, napakasaya ko nung marinig ko yun. 

Maayos akong sumama sa mga tauhan ng lolo ng may ngiti sa aking mga labi. 

Pero di rin nagtagal ang kasiyahan ko. 

Nakarating sa lolo ko ang ginawang pagtakas ko kaya naman nakatanggap ako ng matinding parusa. 

Galit na galit sya---

Eduard: Paano kung may nakakita sayo! 

"pak"

Alam mong maraming bisita ngayon sa labas! 

"pak"

Paano kung may nakakilala sayo!!!

"pak"

Mechaella: Ang hapdi sa bawat hampas ng latigo nya ang unti-unting na-aalis sa saya ko kanina. 

Masakit--- 

Hindi na ako makagalaw sa sobrang sakit... 

Hanggang sa napagod na siguro sya sa pagpalo sa akin. 

Kaya naman umalis na sya... 

Ayos lang--- 

Hindi ko yun pinagsisisihan yun. 

Kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon. 

Masaya pa rin ako. 

Ang papa ko siguradong mahal nya ako yun ang nasa isip ko. 

Ang saya ko. 

At ang malamang tanggap nya ko. 

Yun lang sapat na.

End of flashback

Kinakabitan na ako ngayon ng kadena, siguro para di na ako makatakas katulad ng ginawa ko nung nakaraan. 

^_^ 

Sana bisitahin ako ng papa ko ngayon. 

Narinig ko kasi na kasama sya sa mag bisititang pupunta ngayon. 

Pero----  

Walang dumating 

(T_T)

 Masyado siguro kasi akong umasa kaya ganito nalulungkot ako. 

 Ang alam ko kasi busyng tao tao daw ang papa ko, kaya di ko sya nakakasama. 

 Kaya siguro hindi nya na alalang bisitahin ako kasi busy nga sya. :( 

 Pero ayos lang di dapat ako mawalan ng pag-asa may next time pa naman eh! ^_^ 

 Lagi akong ganito. 

 Comforting myself using positive words. 

 Hindi dapat ako malungkot. 

 P-pero minsan talaga hindi ko maiwasan---

Unveiling TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon