Chapter 23: Sintas

68 0 0
                                    

Mechaella's POV 

Waahhhh!!!

Maluwag na ang pakiramdam ko. Wala na akong secret sa kanila... 

Joke lang! 

Nabawasan lang yung secret ko XD

Pero atleast...

Nga pala hindi sila nagtanong tungkol sa pagkawala ni Dennis...

Ano nga kayang nangyari sa kanya?

At ano yung pinag-usapan namin!!!

Bakit kinausap ko pa yung lalaking yun!!!

Nauna na kong umuwi kesa sa kanila hay... 

May meeting nanaman kasi sila... 

Vampire High Council.. Huh?

Kainis!!! >.<!

T-teka? Ang lalaking yun! Yung attaché case na  hawak nya familliar, hindi ko alam pero bakit parang may nagsasabi saking case yun ng violin ang weird--- At hindi lang yun parang may kung anong nagsasabi saking habulin ko sya...

K-kaya naman tumakbo ako kasi naman ang bilis nakaliko na sya---

Asan na yun?

San na nagpunta, lumiko lang sya tapos---

"Ako bang hinahanap mo---"

At pagharap ko yung gwapong lalaki---

Grabe destiny ba to???

Buti nalang pala sinundan ko sya! LUCKY!!!

S-sya yung sumalo sakin nung nahulog ako sa may hagdan!!!

Waah!!! For the second time around nagkita nanaman kami!!!

(o///o)

Tapos bigla syang humarap sakin...

Waaah! Tama nga ako sya nga---

Kaso nagulat ako kasi bigla nalang syang nagsalita---

~~~~~: Alam hindi ko alam kung bakit ang bilis mo makita yung mga walang kwentang bagay, tapos yung mga bagay na nasa harap mo lang hindi mo tinitingnan, sinasadya mo ba yun?

Mechaella: A-anong ibig mong sabihin?

(Grabe anong nangyari sa kanya, bakit ang sakit nya magsalita today?

Hindi ba maganda ang gising nya? May sakit ba sya!

May nakain ba syang mali?)

~~~~~: Ang totoo nyan may ipinapasabi si Dennnis sayo---

Baka daw kasi nakalimutan mo...

Kaya hinintay kita dito---

Mechaella: Huh?

(K-kilala nya si Dennis...)

Anong pinapasabi nya?

~~~~~: "Kailangan kitang makita, sa huling pagkakataon" yun  lang...

Mechaella: Huh? Ang labo hindi ko maintindihan---

Bakit gusto nya akong makita?

(H-hindi kaya alam nya kung nasan si Dennis...)

Unveiling TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon