Charles's POV
Nakasakay ako ngayon sa kabayo ko.
Ngayon ko balak tapusin ang buhay ng mangkukulam na gumugulo emperyong pinamamahalaan ng aking amang hari.
Nandito na ko ngayon sa gubat, at inilabas ko ang mapang ibinigay sa akin ng isa sa mga tauhan na sumispsip sa aking ama.
At nagpatuloy na muli ako sa aking paglalakbay.
Ngunit parang may mali, hindi ko maipaliwanag ngunit tila may mali talaga.
Napansin ko ang asul na bulaklak sa tabi ng daan at napahinto ako sandali, upang tititigan ang kagandahan nito.
At nagpatuloy na muli ako sa aking paglalakbay.
Ngunit di ko pa rin mahanap ang dulo nitong daan at nakita ko nanaman ang halaman na nakita ko kanina.
Tila maraming ganito sa gubat na ito.
Nagpatuloy na ulit ako at kagaya kanina maya nakita nanaman akong ganung bulaklak.
At nakakamangha, dahil kamukhang-kamukha ito ng nakita ko kanina, maging ang batong katabi nito. Napahinto ako sandali at inilabas ko muli ang aking mapa. (?.?)
Tila may mali talaga?
Kaya sinubukan ko itong baliktarin at gaya ng aking hinala.
Balikatad pala ang pagtingin ko sa mapa.
Napangiti ako ng bahagya at nagapatuloy sa aking paglalakbay, sandali akong napahinto nang makarinig ako ng malakas na pag-agos ng tubig.
Kaya naman pinaliko ko ang aking kabayo,at nagtungo sa pinangagagalingan ng tunog, at gaya ng aking hinala.
Nakarating ako sa isang talon, isang magandang talon.
Ngunit ang pumukaw ng atensyo ko ay ang binibining nakatayo malapit dito.
Napakaganda nya--- *///*
Ngunit biglang nagwala ang aking kabayong sinasakyan, dahilan upang mahulog ako.
Nagtatakbo palayo ang aking kabayo at naiwan akong nakasalampak sa lupa.
At nang mapansin na ako nang magandang binibini, tila nagulat sya at nagtatakbo sya palayo.
Kaya naman nagmamadali akong tumayo at para habulin sya ngunit napasama ata ang aking pagkakahulog sa kabayong aking sinasakyan.
Di ako makatayo nabali yata ang aking kanang binti.
BINABASA MO ANG
Unveiling Truth
RomanceWhat if the reflection you see in the mirror was not really you? What would you do? Follow me as I unravel the truth about myself... my life and--- My existence... And as I discover the reasons behind strange things that been occurring around me... ...