"HE'S THE most handsome creature I've ever seen, Josiah Kim is so gorgeous. Oh, my goodness!" nakangiti at kilig na kilig na sabi ng isang babae sa katabi nitong babae, na noon ay abala ding nakatitig sa lalaking nakangiting nag-a-assist sa isang customer.
"Oh my gosh, mahal ko na yata siya, girl. Hindi ko na kayang mabuhay nang hindi siya nakikita." Sagot naman ng babaeng kausap nang naunang babae.
Naikuyom ni Cleo Ann ang kanyang dalawang kamay dahil sa dalawang mahaharot na babaeng nasa kabilang table. Nasa JK Coffee shop siya no'n para makita ang kanyang pinakamamahal na si Josiah Kim, ngunit marami na naman siyang kakumpetensyang mga babae sa paligid. Hindi na yata siya mauubusan!
Hindi naman niya masisisi ang mga ito, o ang half Korean-half Filipino na si Josiah dahil superb itong pinagpala sa angkin nitong taglay. Para itong isang 'oppa' sa mga napapanood na Korean dramas. Napakaguwapo nito at wala siyang masabi sa physical features nito, he's so perfect from head to toes.
Maganda ang makakapal na mga kilay nito, napaka-attractive at expressive ng singkit nitong mga mata, napakatangos ng ilong at sobrang mapula ang mga labi; minsan nga akala niya nagli-lipstick ito ng red dahil sa sobrang pula n'yon pero natural pala. Napakakinis at puti ng balat nito, na natural na rin sa ibang mga Koreans dahil sa ganda ng weather sa bansang 'yon, balita kasi niya ay doon ipinanganak ang lalaki at doon rin nakapagtapos ng Business Management course sa Seoul National University, ngunit dahil gusto nitong bumalik sa birthland ng mommy nito ay dito na ito nagtayo ng coffee shop business nito, though nasa South Korea ang parents nito para sa ibang negosyo ng pamilya.
Bukod sa guwapo ito, napaka-approachable at mabait pa dagdag ang mala-modelo nitong height at katawan. Kung tutuusin ay maaari itong sumabak ng showbizness dito sa 'Pinas, ngunit mas pinili nitong magtayo ng negosyo, sabagay ay business-minded ito. At dahil sa lakas ng dating at hatak nito sa madla dagdag din ang apat pa nitong mga lalaking tauhan sa coffee na puro mga guwapo, matatangkad at hotties din, sina; Eraxis, Zivas, Omacor at Kastair kaya dinarayo ang coffee shop ng mga kababaihan at mga kabadingan, lalo na ang mga mag-aaral ng Saint Matthew University, ang school nila, na may kalapitan sa coffee shop.
Ang apat na lalaki ay mga fulltime employees ng naturang coffee shop; barista at waiters. May dalawang taon na din ang JK's coffee shop ngunit lately lang siya nakapunta doon at dahil lang 'yon sa nakilala niyang Manager.
Niyayaya niya kanina si Cess sa coffee shop para makita si Josiah, ang kaso abala sa thesis formulation ang kaibigan niya, kaya siya na lang ang nagpunta kahit murang kape lang naman ang ino-order niya, kasi nga isa lang ang pakay niya doon—ang makita si Josiah Kim.
Fourth year Pharmacy student siya sa SMU. Ang dating ikinaiinis niyang pananatili sa school ay biglang nagbago nang dumating ang binata. Isa kasi si Josiah Kim sa mga partime teacher para sa mga Business ad students, at unang nakita niya ito sa library nang time na sobrang broken hearted siya, five months ago.
Ipinagpalit siya ng ex-boyfriend niyang si Emman, na isang engineering student sa babaeng taga-ibang school, nahuli niya itong mismo sa mall na sweet na nakikipag-date sa babae, kasama ng mga Pharma friends niya. No'ng una ay ayaw pa nitong umamin dahil ayaw nitong makipaghiwalay sa kanya dahil sayang din ang one year nilang samahan, ngunit ang babae na nito mismo ang nagpatotoo sa lahat, na nagsimula daw mag-date ang dalawa five months ago, at nagkakilala ang mga ito through mutual friends.
Ibig sabihin no'n ay matagal na siyang niloloko ng bruho at ang hindi niya matanggap ay tinu-two time na pala siya nang hindi niya nalalaman. First boyfriend pa naman niya ito, tapos magkakahiwalay sila dahil na-in love ito sa iba! Nasapak nga niya sa mukha si Emman sa sobrang inis niya at imbes na mag-iiyak siya para sa lalaki ay mas nag-beastmode siya.
BINABASA MO ANG
LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)
General FictionCleo's three Wishes: 1. Yumaman kaming mag-anak. 2. Maging sikat na estudyante sa University na pinapasukan niya. 3. At mahalin ni Josiah Kim, ang 'Coffee Prince' at ang lalaking matagal na niyang pangarap.