"Ikaw pa rin." Nakangiting sagot nito, kaya ayon at nagtumbling-tumbling na naman ang lahat ng body organs niya sa loob ng kanyang katawan. Malala na this!
Pagkatapos nilang kumain ay mag-three thirty PM na 'yon, ay nag-stroll sila saglit sa Mall. Halos maluka-luka nga uli siya dahil nakahawak ito sa kamay niya, tinubuan tuloy siya ng pag-asa na baka positive ang matanggap niyang sagot nito.
"I have a good news," mayamaya ay sabi ni JK sa kanya, kaya mabilis siyang bumaling dito para hintayin ang sasabihin nito. "Magpapatayo uli ako ng isa pang branch ng JK Cofee shop sa MOA." Nakangiting imporma nito.
Nasiyahan naman siya sa sinabi nito. "Congrats!" masayang bati niya, na ikinangiti nito.
Siya man ay hindi pa man nakaka-graduate sa kursong kinuha niya ay nag-e-email na sa kanya ang mga corporation kung saan siya nag-conduct ng internship para kunin siyang empleyado doon, kaya lubos siyang nasisiyahan. Tiyak kapag nakapasa siya ng board exam ay mas dadami pa ang mag-o-offer sa kanya nang magagandang positions, talagang sipag at tiyaga lang ang susi sa isang magandang at successful na buhay, tulad ni JK.
Pasado alas singko na sila umalis sa Mall, inihatid siya saglit ng binata sa bahay nila at susunduin din siya mamayang six PM dahil may pupuntahan pa daw sila, at kung maaari daw ay magbihis siya ng casual attire. Nagpakilala na rin si JK sa pamilya niya at sa paghiram sa kanya ngayong gabi.
Mabilis siyang naligo, nagbihis, nag-sepilyo at nag-ayos ng sarili bago siya tuluyang lumabas ng kanyang kuwarto, naabutan na niya no'n si JK sa salas nila na kausap ang pamilya niya. He was breathtakingly handsome with his casual attire, para itong artista na napadpad sa bahay nila. Napalibutan nga ang lalaki ng mama, papa at mga kapatid niya, ngunit napangiti siya nang makitang mukhang magkakasundo naman ang mga ito.
"Manliligaw mo ba siya, anak?" sabay pa ngang bulong ng parents niya sa kanya.
Na mabilis niyang inilingan. "Kaibigan ko lang po, mama at papa." Sagot niya, ngunit mapanuksong mga ngiti lang ang ibinigay ng mga ito sa kanya.
Hindi naman siya bawal magka-boyfriend, saka nagka-boyfriend na rin siya dati na nakilala din ng mga ito, open din kasi siya sa mga nanliligaw sa kanya kaya malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya, saka alam din ng mga ito na hindi siya magpapabaya ng pag-aaral.
Pabulong siyang pinuri ng binata dahil sa magandang ayos niya, kaya napa-pigil-kilig siya dahil baka mahalata siya ng pamilya niya, pero nakangiti siyang nagpasalamat sa lalaki. Saglit pa ay tuluyan na rin silang nagpaalam sa pamilya niya. Dinala siya ni JK sa isang exclusive resto para mag-dinner, pansin niyang puro mayayaman ang kumakain doon kaya medyo nahihiya siya, ngunit dahil kasama niya si JK ay napapalagay ang loob niya. First time niyang makapunta sa resto na 'yon kaya ito na rin ang nag-order ng makakain na tiyak magugustuhan niya, hindi naman siya picky sa pagkain maliban na lang 'yong mga pagkain may salty flavoured foods.
"Likewise." Nakangiting sabi din ni JK, nang malaman nito ang ayaw niyang kainin, na ikinangiti niya.
Alam niyang maraming mga mata ang nakatingin sa kanila nang mga sandaling 'yon, lalo na kay JK, baka nga ang iba doon ay mga schoolmate niya, ngunit wala na siyang pakialam dahil nag-e-enjoy silang dalawa na kasama ang isa't isa at 'yon ang mahalaga sa kanya.
Nang matapos silang kumain ay dinala siya ni JK sa isang theater musical play. Isa din daw kasi ito sa mga paborito at past time nitong panuorin, he likes musical movies. Napangiti siya dahil gusto rin niya ng mga musical show.
Sa bandang harapan sila pumuwesto, pansin niya ay puro yayamanin ang mga taong nasa unahang bahagi, gayunpaman, ipinokus na lamang niya ang mga mata sa harapan at saktong pasimula na rin noon ang palabas. Superb ang kaligayahan niya ngayon araw, nakanood na nga siya ng ASAP live, nakapag-dinner sa isang sikat at mamahaling resto, ngayon makakanood pa siya ng pang-mayaman na musical play. Ang bongga!
BINABASA MO ANG
LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)
General FictionCleo's three Wishes: 1. Yumaman kaming mag-anak. 2. Maging sikat na estudyante sa University na pinapasukan niya. 3. At mahalin ni Josiah Kim, ang 'Coffee Prince' at ang lalaking matagal na niyang pangarap.