Wish 6

431 14 0
                                    

"NAKITA MO uli si crush, kaya ang ganda-ganda ng aura mo ngayong umaga, Cleo Ann?" nakangiting tanong ni Cess sa kanya. Nasa loob sila no'n ng classroom habang naghihintay sa unang klase nilang Quality Control II under Ms. Marj.

Umiling siya ngunit ngumiti. "Kahapon kami nagka-moment ni crush, iba ngayong araw, though hinihiling kong sana maulit ang naganap sa amin kahapon." Nakangiting sabi niya.

Napatili ang tatlong mga kaibigan niya, kaya pati ang ibang mga kaklase nila ay napalingon sa grupo nila. Nginitian nila ang mga kaklase nila bago sila bumalik sa usapan nila. "Nag-kiss kayo agad ni crush?" pabulong na tanong ni Nizza.

Mabilis niyang tinampal ang braso nito na tinawanan nito. "Hindi gano'n 'yon," aniya.

"Eh, ano'ng moment ang sinasabi mo?" sabay-sabay na tanong ng mga ito.

Saka niya ikinuwento ang nangyari na tinawanan ng mga ito. "So, umamin ka na sa crush mong 'yan na crush mo siya?" tanong ni Lindsay.

Umiling siya. "Hindi ko pa kaya." Aniya.

"Halata naman na dahil sa nakasulat na pangalan niya sa papel mo," natatawang sabi ni Cess.

"Pero baka ang iniilusyon mong lalaking 'yan ay may mahal na palang iba, masakit 'yon, ah, kaya dapat sure ka muna dahil masakit masaktan." Ani Nizza.

"Sino ba kasi siya? Curious na talaga ako, e?" ani CEss.

Ngumiti siya sa mga ito. "Malalaman n'yo din, sa tamang panahon."

NANG MATAPOS sila QC II lecture nila ay nag-QC laboratory na din sila at gumawa ng ilang chemical analysis bago nag-lunch break. Nauna nang nagpunta ang mga kaibigan niya sa canteen para makapag-reserve ng mesa dahil kinailangan pa niyang iligpit ang mga gamit niya.

Naglalakad na siya no'n sa papasok sa canteen nang makita niyang nasa harapan niya si Josiah, napangiti siya agad at kinilig ngunit agad ding naglaho dahil biglang sumingit sa eksena ang co-teacher nitong babae na laging lapit nang lapit kay JK. Ang malupit pa sa lahat ay parang iniinggit 'silang mga nagkakagusto' kay JK ng babae dahil sa pa-sweet na gestures nito kapag kasama ang lalaki. Hindi tuloy niya maiwasang magselos!

Possesive siguro siya, pero gusto niya ay maging kanya lang si JK. Sa iba na lang ito magkagusto ang co-teacher ni JK tutal kayang-kaya naman nitong kunin ang mga lalaking gusto nito dahil sa ganda at ka-sexy-han nito, e. Huwag na nitong idamay ang iniirog niya!

Nakabusangot tuloy siyang nagtungo sa mesa ng mga kaibigan niya, saka sila sabay-sabay na um-order ng pagkain. At kung pinagkakatuwaan uli siya ng tadhana dahil nagkasabay pa sila sa pila ni Josiah, palibhasa ay nasa unahan ng pila ang mga kaibigan niya, pero nakita niyang wala na ang babaeng buntot nito.

"Hey, hi!" nakangiting bati nito sa kanya.

Halos lumabas ang puso niya sa loob ng kanyang katawan dahil sa labis na kaba. Hindi tuloy siya agad nakasagot. Ngunit pinilit niyang pakalmahin ang puso niya para hindi siya magmukhang ewan sa harapan nito.

"H-Hello po, Sir Josiah." Sa wakas ay bati niya, ngunit nag-i-stutter pa siya sa bati niya.

Naramdaman niyang may sumundot sa tagiliran niya, nang balingan niya ang mga nasa unahan niya ay nakita niya ang mapanuksong mga ngiti ng kaibigan niya, mukhang kailangan na niyang magtago dahil alam na ng mga ito ang pinakatatago niyang lihim, kung bakit kasi hindi talaga niya ma-kontrol ang puso niya sa tuwing nakikita ang lalaki.

"Hindi ka na ba galit sa history book ngayon, Cleo Ann?" natatawang tanong ni JK. Marahil ay naalala muli nito ang muntik na niyang ma-disgrasyang libro noon.

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon