Finale

685 20 2
                                    

Napayuko siya at napabuga ng hangin. Late na talaga siya nang pagbalik dahil wala na ang babaeng gusto niyang makasama. Sinundan niya ang dalawa sa School lagoon nang makita niya ang mga ito na naglalakad, ngunit ganito pala ang maaabutan niya. Ang sakit!

Tumalikod na siya at akmang maglalakad palayo nang may tumawag ng pangalan niya. "Josiah Kim!" narinig niyang boses 'yon ni Cleo Ann. Nanatili siyang nakatalikod sa babae. Ngunit baka masaktan lang siya sa susunod niyang maririnig dito, hindi pa niya kayang marinig 'yon. Akmang maglalakad siya ay muli itong nagsalita. "Stay right where you are!" anito.

At saglit pa ay nagulat siya nang may mga bisig nang nakapalibot sa kanyang katawan. Nakayakap na si Cleo Ann sa kanya nang mahigpit. Na-miss niya nang husto ang dalaga, gustong-gusto na niya itong tawagan o i-message sa FB, ngunit ipinangako niya sa sarili niya na hindi niya ito iko-contact at hindi niya naaayos ang problema niya, and he was thankful dahil after one week na pagmamakaawa at pagha-hunger strike sa mga magulang nila ni Jessy ay pinatawad at pinagbigyan din ang kahilingan niya, baka daw matuluyan na siya, dahil wala talaga siyang balak itigil ang ginagawa niya. Kilala niyang strikto ang mga magulang niya, ngunit hindi rin pala siya matitiis ng mga ito, lalo na ang mommy niyang wala pa man tatlong araw ay bumigay na, ang daddy talaga niya ang matigas ngunit napasuko din niya.

Ngunit sandali, bakit nakayakap si Cleo Ann sa kanya? Paano kung makita sila ng boyfriend nito at ma-misinterpret ang lahat?

"Pogosshippo!" narinig niyang sabi ng dalaga. Tipid siyang napangiti dahil na-miss din talaga niya ito. "I super duper missed you, JK!" anito, naramdaman niyang mas lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.

"JUST FOR five minutes," ani Cleo Ann sa lalaking yakap niya nang mahigpit. She missed so much, at sobrang galak ng puso niya nang makita niya itong muli. Akala niya nang makita niya ito kanina ay guni-guni lang niya, hanggang sa gumalaw ito at naglakad, kaya mabilis niya itong sinundan. Nanatili itong nakatayo sa harapan niya at hindi nagsasalita. "Hihiramin ko muna itong sandaling ito kay Jessy para mayakap ka kahit saglit, hindi mo lang alam kung gaano ako nangulila sa bigla mong pag-alis." Tuluyan nang naglandasan ang luha sa kanyang mga mata. "The amount of happiness you have filled up in my life cannot be measured. For you, I may be just a girl, but for me, you are the world." Aniya.

Dahan-dahang kinalas ni JK ang mga braso niyang nakapalibot dito saka ito bumaling sa kanya. Nang makita siyang umiiyak ay agad na nag-alala ang mukha nito, saka nito pinunas ang kanyang pisngi.

"You're not just a girl, Cleo Ann, you are also my world." Anito, na ikinakabog ng puso niya. "Pero hindi ba magagalit ang boyfriend mo sa sinasabi mo sa akin?" anito.

Saglit siyang napakunot-noo. "Wala akong boyfriend, hindi ako nakipabalikan kay Emman, nagkausap kaming maging magkaibigan na lang." sagot niya dito, hindi ito umimik. "Baka ikaw d'yan, magalit si Jessy sa pinagsasasabi mo sa akin." Malungkot na sabi niya.

Nagulat na lang siya nang mabilis nitong hinalikan ang kanyang mga labi. Nanlaki ang mga mata niyang napatitig sa lalaki, nakangiti na ito ngayon sa kanya. Mabilis siyang niyakap nito nang mahigpit at naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo.

"Bumalik ako sa South Korea para i-call off ang engagement party namin ni Jessy, at sumabay lang siya sa akin sa pagpunta doon dahil natatakot siyang harapin ang mga magulang niya." anito. Mabilis siayng kumawla sa pagkakayakap nito para makita ang mukha nito. "At nag-resign ako sa school na 'to dahil bukod sa magiging abala na ako sa bagong branch ng coffee shop ko, gusto din kitang mahalin nang walang batas na malalabag." Nakangiting sabi nito.

Natulala siya sa sinabi nito at nakatitig lang siya sa lalaki, kung hindi pa nito kinurot ang pisngi niya ay hindi pa siya gagalaw at kikilos para muling yakapin ito.

"Oh God, I so love you, Josiah Kim!" masayang sabi niya.

Narinig niya itong tumawa nang masayang-masaya. Saka ito gumanti ng yakap sa kanya. "I love you more, Cleo Ann Libunao." Masayang sabi nito, saka niya muling naramdaman ang paghalik nito sa kanyang ulo. "Akala ko nang makita ko kayong magkayakap ng ex mo, hindi na kita kailanman mayayakap at makakasama. Oh God, I must be the luckiest man in the world at this very moment of my life." Masayang sbai nito. Napangiti at kinilig naman siya sa sinabi nito. "Time is god but time spent with you is absolutely priceless. I love you."

"I don't know what to say, there are no words that can describe how much I love you, JK. Basta I love you sagad hanggang buto." Masayang sabi niya.

"Saranghamnida, nae sarang." Anito.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. "Ano 'yon?"

"I love you, my love." Nakangiting sagot din nito. Kaya naspngiti na uli siya at kilig na kilig sa lalaking kaharap niya. Wala na yata katapusan ang saya at kilig na nararamdaman niya para sa lalaking ito, e. She feels so great and loved and she loves the feeling.

Nagulat siya nang muli siyang halikan nang mabilis ni JK sa kanyang mga labi, napatingin tuloy siya agad sa paligid, baka kasi may makakita sa kanila, mabuti na lang at sila na lang ang tao doon—mukhang nakaramdam din si Emman kanina, kaya iniwan na sila doon. Nang pakiramdam niya ay sila ang naroon, gumanti din siya nang mabilis na halik sa lalaki at muli itong niyakap.

"Hindi ka pa ba mali-late sa klase mo?" mayamaya ay tanong nito.

Mabilis naman siyang napatingin sa kanyang relo. She's ten minutes late! Agad siyang kumalas ng pagkakayakap sa lalaki, nagulat naman siya anng mabilis na siyang hinila ng lalaki para tumakbo papunta sa Pharmacy building.

"Eh, mami-miss kita!" nahihinayang ngunit kinikilig na sabi niya nang magpaalam na ito sa kanya.

"Ako man," nakangiting sabi nito. "Pero susunduin kita kapag uwian, pupunta ako sa bahay n'yo para pormal na manligaw sa 'yo." Nakangiting sabi nito na mabilis niyang tinanguan. Akmang tatalikod na siya ay muling hinila ni JK ang kamay niya at niyakap siyang muli nito.

Nakarinig silang dalawa ni JK nang tuksuan, kaya nang pag-angat niya ng tingin sa itaas ng building nila ay nakita niya ang tatlong mga kaibigan niya na masayang nakangiti sa kanila ng binata. Kaya hindi rin niya napigilang mapangiti, ang sabi ng mga ito ay late din daw ang teacher nila kaya magpakasaya muna siya. Natawa na lang sila ni JK.

Naagaw ang atensyon ni Cleo Ann nang makita niya ang pamilyar na mukha ng matandang janitress, may malaking nunal din kasi ang matanda sa tuktok ng ilong nito. Ngunit agad ding nabaling ang atensyon niya sa lalaking kasama niya. Muli siyang napangiti nang yakapin siya nang mas mahigpit ni JK, katulad niya ay sobrang na-miss din siya nito.

"Saranghamnida, jagiya!" masayang-masayang sabi ni JK.

"Ano'ng isasagot ko in Korean language?" natatawang sabi niya.

"Answer me with 'Nado saranghamnida, yeobo." Natatawang sagot din nito, kaya ginaya niya ang sinabi nito, kilig na kilig tuloy ito kaya napangiti na lang siya saka kinurot ang pinsgi nito.

WAKAS

🎉 Tapos mo nang basahin ang LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed) 🎉
LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon