Teaser

1.5K 38 0
                                    

Cleo Ann believes in magical spirits such as Genie since she was a little girl. She keeps a list of her wishes she wants to come true, whenever she sees one. Isang araw, may matandang babae siyang tinulungan at bilang kapalit sa pinamalas na kabaitan sa matandang babae ay binigyan siya nito ng isang lumang lampara.

Muntik na 'yong itapon ni Cleo Ann dahil wala naman siyang paggagamitan no'n at masyadong makaluma ang desinyo. Ngunit pagkabato niya ng lampara ay bigla na lang nagkaroon ng usok sa palibot n'yon at biglang bumulaga sa kanya ang isang lalaking nakalutang sa ibabaw ng lampara. Nanlaki ang mga mata ni Cleo Ann—Genie ba ang nakikita niya sa kanyang harapan?

Natakot siya at hindi makapaniwala ngunit sinabi ng Genie na bilang ganti sa pagpapalaya niya dito ay tutuparin nito ang tatlong kahilingan niya; isulat lamang niya 'yon sa isang maliit na papel at sunugin gamit ang lampara. At dahil sa saya at excitement niya ay tumingin siya sa listahan niya ng mga wishes niyang gusto niyang magkatotoo.

Cleo's three Wishes:

1. Yumaman kaming mag-anak.

2. Maging sikat na estudyante sa University na pinapasukan niya.

3. At mahalin ni Josiah Kim, ang 'Coffee Prince' at ang lalaking matagal na niyang pangarap.

Ngunit biglang nagkaroon ng aberya sa pangatlo niyang wish—hindi daw kaya ng Genie na kontrolin at baguhin ang damdamin ng isang tao. Paano na 'yan? 'Yong pangatlong wish pa naman ang pinakagusto niyang maikasatuparan sa lahat!

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon