NAKAHAWAK lang si Cleo Ann sa asul na panyo ni Josiah, simula nang dumating siya sa bahay; habang nagluluto siya kanina ay nakahawak na siya sa panyo, pati sa paghahanda ng dinner nila, ang mga kapatid na niya ang naghugas ng mga kinainan kaya hindi siya nawalay sa panyong hawak niya.
"Ate Cleng, ano'ng meron d'yan sa panyong 'yan at kanina ka pa nakatitig at nakahawak d'yan?" tanong ni Claudin, ang sunod sa kanya sa magkakapatid.
"Hindi naman kay kuya Emman siguro 'yan dahil break na kayo at hindi mo na siya gusto, 'di ba?" ani Carolyn, ang sunod kay Claudin.
Bumaling naman ang mga magulang niya sa kanya na kasama din nilang nanunood noon sa TV. "Walang kinalaman si Emman sa panyong ito." Mabilis na sagot niya. Open din kasi siya sa mga ito sa pakikipag-relasyon niya, ngunit ayaw niyang ikuwento ang tungkol kay Josiah dahil sekreto pa rin ang damdamin niya para sa lalaki, ni mga kaibigan niya ay walang clue sa bagong lalaking kinahuhumalingan niya.
"Eh, kanino 'yan?" sabay na tanong ng dalawa.
"Akin, binili ko." Sagot na lang niya para matapos na ang usapan.
Nang matapos ang TV news ay umakyat na siya sa kuwarto niya para mag-aral, ngunit hindi pa rin niya mabitaw-bitawan ang hawak niyang panyo. Hindi niya makalimutan si Josiah, ang mukha nito, ang pagiging gentleman nito, lahat-lahat!
Nahiling niyang sana makakita siya nang totoong Genie para makahiling na tulungan siya sa binata. She believes in magical spirits such as Genie since she was a little girl. She keeps a list of her wishes she wants to come true, whenever she sees one. Pero saan siya makakahanap n'yon? Naalala niya no'ng high school siya ay halos himasin niya ang lahat ng mga luma at weird-looking na boteng nakikita niya sa daan dahil baka may lumabas doong Genie gaya sa mga napapanood niya, ngunit siyempre pa ay wala. Ngunit naniniwala pa rin siyang may Genie at balang araw ay makakatagpo rin siya!
Napabuga na lang siya ng hangin, at muling bumaling sa panyo, hindi na lang niya muna isasauli kay Josiah 'yon at hindi rin lalabahan para kahit hindi niya ito makita ay naaalala at naamoy pa rin niya ito. Nababaliw na yata siya sa lalaking ito, mabuti na lang at positibo ang dulot n'yon sa kanya, kung hindi ay sa mental hospital na talaga siya pupulutin.
Ipinokus na niya ang sarili sa pagbabasa ng kanyang mga notes, baka bigla silang may surprise quiz bukas, mahilig pa naman si Ms. June na magpa-surprise quiz sa Pharmacology subject nila.
Makalipas ang dalawang oras na pagbabasa ng kanyang mga notes ay katabi niyang natulog ang panyo ni Josiah, umaasa siyang mapapanaginipan ang binata.
"YOU'RE SO beautiful, Cleo Ann, noon pa man ay may damdamin na rin ako para sa 'yo, kaya lang ay hindi ko maamin-amin dahil marami akong kaagaw sa atensyon mo."
"Hindi totoo 'yan, Josiah, ikaw lang ang lalaking binibigyan ko ng atensyon, ikaw lang ang lalaking gusto ko out of billion of men around the world. Nakalimutan ko na nga agad 'yong cheater kong boyfriend dahil sa presensya mo sa buhay ko."
"Kung gano'n, may damdamin ka rin para sa akin?"
"Marami akong damdaming nabuo dahil sa 'yo, Josiah, ikaw ang muling bumuo ng buhay ko, kaya sana habang buhay na tayong magsama!"
"Oh, my Cleo Ann!"
"My Coffee Prince, my Josiah Kim."
Dahan-dahang hinawakan ng binata ang mukha ni Cleo Ann, saka unti-unting bumababa ang mukha nito sa kanyang mukha—he is going to kiss her! Kumabog ng mabilis ang puso niya, awtomatikong napapikit ang kanyang mga mata para hintayin ang paglapat ng mga labi nito sa kanyang mga labi, ngunit biglang naging mabalahibo ang labi ni Josiah...
Mabilis na dumilat si Cleo Ann at tumambad sa kanya ang mukha ni McDonald, ang alaga ni Claudin na aso—na siya palang kahalikan niya! At halos masuka-suka siya dahil hindi ang labi ni Josiah ang nahalikan niya kundi si McDonald!
"Claudin!" naiinis na sabi niya.
Tumatawa naman ang kapatid niya. "Pinapagising ka na kasi nina mama dahil seven thirty na, 'eto nga at papasok na kami ni Carolyn, e," anito, kaya mabilis siyang napatingin sa cell phone niya, nakalimutan niyang mag-set ng alarm! Nagmamadali na siyang tumayo sa kama para kumuha ng kanyang damit. "Ayaw mo pa ngang gumising at parang nananaginip ka na may ka-kissing scene kaya naisip kong tagwain si McDonald para alayan ka ng morning kiss." Natatawang sabi niya.
"Lagot ka sa akin pag-uwi ko mamaya!" naiinis na sabi niya, saka siya nagmamadaling bumaba para maligo sa CR. Palibhasa si Josiah Kim ang nasa panaginip niya kaya napasarap ang tulog niya. Anak ng tokwa! Mali-late na siya sa klase niya!
BINABASA MO ANG
LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)
General FictionCleo's three Wishes: 1. Yumaman kaming mag-anak. 2. Maging sikat na estudyante sa University na pinapasukan niya. 3. At mahalin ni Josiah Kim, ang 'Coffee Prince' at ang lalaking matagal na niyang pangarap.