Wish 8

381 12 0
                                    

Naglalakad noon si Cleo Ann patungo sa kanilang building nang makita niyang naglalakad din si Josiah patungo sa Business managements building, kaya mabilis siyang naglakad para magpapansin dito.

"Good morning, sir!" nakangiting bati niya sa binata na mabilis naman niyang naagaw ang atensyon.

Bumaling ito sa kanya at nginitian siya. "Good morning too, Ms. Libunao." Ganti nito.

"Cleo Ann na lang sir," sabi naman niya, gusto kasi niyang first name basis ang itawag nito sa kanya para kahit hindi sila gano'n ka-close ay mukha silang close. Ngumiti naman ito sa kanya. "Ngapala sir, valid pa ba 'yong invitation mo sa bahay mo para sa usapan po natin sa history?" tanong niya.

"Sure, mas okay kapag weekends kasi half day lang ako sa coffee shop at wala akong work dito sa school." Anito.

"Okay lang po talaga, ha?" pagkukumpirma niya.

Tumango ito. "Kung gusto mo ay isama mo din ang mga kaibigan mo, gusto ko din kasi ipamahagi sa mga millenials ngayon ang tungkol sa mga naging kasaykasayan ng mundo. It's really interesting and you'll never get bored, swear!" nakangiting sabi nito.

Ngumiti siya at tumango sa lalaki. "Naniniwala ako sa 'yo sir, kaya excited na po ako sa mga bago kung matutuklasan." Masayang sabi niya.

Nagsimula na itong maglakad at umagapay naman siya. "I heard na nanalo ang pamilya n'yo sa lotto." Anito.

Tipid siyang ngumiti. "Actually, napulot lang po ni papa ang lotto ticket sa backseat ng taxi na minamaneho niya, hindi rin naman daw po niya kilala 'yong may-ari n'yon at walang nagki-claim, kaya inangkin na po niya." imporma niya.

Tipid itong tumango. "Baka kasi para sa inyo talaga ang suwerte na 'yon."

"Siguro nga po." Nakangiting sabi niya, pero kagagawan naman 'yon ng guwapong Genie dahil tinupad ang kahilingan niya. Natahimik sila pareho habang naglalakad, at kahit sa gano'ng tagpo ay hindi niya maiwasang kiligin, parang ang perfect ng mundo kapag kasama niya ito.

Ngunit naputol ang momentum nila ni Josiah Kim nang magsulputan ang ibang mga student admirers nito, hinarang sila sa daraanan para kausapin ang binata. Hindi naman tungkol sa studies o lectures ang itinatanong ng mga babaeng estudyante, kundi tunkol sa pagiging available nito after work, dahil magyayaya daw ang mga ito for early dinner, mayroon ding nagyayayang mag-sine after ng school. Napapakunot-noo at napapailing na lang siya, ang dami kasi niyang katunggali pagdating sa lalaking ito.

Nang balingan siya ng mga babae ay nakataas ang kilay ng mga ito na parang sinasabing umalis na siya dahil tapos na ang moment niya sa binata, at ang mga ito naman ang susunod. Ngunit naudlot ang time ng mga ito nang mabilis lapitan ng maganda at seksing guro na nakilala niyang si Ms. Phoemela.

Nag-excuse ang co-teacher ni Josiah dahil kakausapin daw nito ang binata hanggang sa magpaalam na sa kanila ang binata at sabay nang naglakad palayo ang dalawng guro. Pati tuloy ang mga babaeng estudyante ay napikon doon sa babaeng teacher ng business management, isa din kasi ito sa mga kaagaw nila.

Hindi tuloy niya alam kung paano niya tuluyang makukuha ang puso ni Josiah sa dami ng mga karibal niya dito. Ni hindi nga yata nito maramdaman ang special attention na ibinibigay niya dito. Paano siya magugustuhan nito kung maraming mga magagadang babaeng nakapaligid dito—at sa liit niya ay natatakpan siya ng mga ito. Height at ka-sexy-han pa lang ni Ms. Phoemela ay wala na siyang binatbat.

Gayunpaman, hindi siya dapat agad sumuko dahil sa mga threaten sa paligid niya, kung laman ng puso niya si JK, dapat siyang magsikap para makuha ang damdamin nito at mahulog sa kanya. But... how? Para namang imposible dahil sa dinami-dami ng nakapaligid dito, ay hindi na siya napapansin.

Gusto kong mag-excel at makilala sa school, lalo na ni Josiah Kim! Alam ko na ang susunod kong kahilingan. Aniya sa sarili. Siguro naman sa iwi-wish niya ay mapapansin na siya ni Josiah Kim, babalingan na rin siya nito ng atensyon at paglalaanan ng oras. Lahat na ng mga estudyante sa school nila ay titiklop na lalo na 'yong mga karibal niya kay Josiah Kim dahil sa kasikatan niya sa buong campus—tulad ni Cherry Mae—at wala nang tatalo sa kanya. Magba-back out na ang lahat at matatakot sa kasikatan niya!

Napangiti siya sa sarili. Gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya—ang puso ni Josiah Kim. At hindi 'yon imposible dahil may bagay na tutulong sa kanya para makamit ang minimithi.

Pagkatapos ng kanilang afternoon class ay niyaya niya ang mga Pharma friends niya para magpunta sa JK Coffee shop at dahil nga rich girl na siya ay inilibre niya ang lahat ng mga kaibigan niya, siguro ay nasa lagpas sampu din silang nagpunta doon. Ang iingay nga nila at nagkakatawanan, kaya imposibleng hindi nila maagaw ang atensyon ni JK, na noon ay abala sa ginagawa nitong paperworks sa pinaka-isolated table sa shop.

Sad thing, ni hindi man lang sila nilingon nito. Masyado nga yatang importante ang ginagawa nito kaya ni pag-angat ng tingin sa mga KSP sa shop nito ay hindi nito magawa. Masakit lang sa heart dahil nagpapakita lang n'yon na hindi ito interesado.

Gayunpaman, humanda ito sa kanya dahil malapit na niyang hilingin sa mahiwagang lampara at sa guwapong Genie ang pagsikat niya, mapapansin na siya nito at makikilala—at kapag nagkataon ay mas lalo itong macu-curious sa kanya at doon na sila magkakalapit. Kukunin na rin niyang chance 'yon para mas lalong mapalapit sa lalaki.

Wait for me, my love! Ngayon lang siya naging desperado sa buong buhay niya, at sa pag-ibig. Kaya humanda si JK sa kanya dahil ipapalasap niya dito ang totoong pag-ibig niya para dito.

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon