Wish 10

391 13 0
                                    

ISANG ARAW ay inabangan talaga ni Cleo Ann si Josiah sa isang bench, maaga siyang pumasok nang araw na 'yon para makita ito. May dala-dala siyang mga history books at makalumang artifacts na nabili pa niya online. Gusto kasi niyang ibigay 'yon kay Josiah dahil nga mahilig ito sa mga tungkol sa kasaysayan.

Kumabog ang puso niya nang makita na niya itong palapit sa kanya, ngunit hindi niya napigilang mapangiti nang makita niya na sa isang kamay nito ay may hawak na banana cue at sa isang kamay nito ay may black gulaman ito. Abala ito sa paglalakad nang mapabaling ang atensyon nito sa kanya.

Tipid itong ngumiti sa kanya at huminto sa tapat niya. Kinilig pa nga siya nang alukin siya nito sa kinakain nitong banana cue, ang cute kasi nito, e. Kung i-a-advertise siguro nito ang tindahan ng banana cue na 'yon ay tiyak wala pang isang oras ay ubos na ang mga paninda, ang cute kasi nitong kumain.

"Ahm, sir, may nakita akong history books and some artifacts sa online site last time, baka gusto n'yo pong makita." Nakangiting sabi niya, saka ipinakita dito ang hawak.

Nagningning naman agad ang mga mata nito at mabilis itong umupo sa tabi niya. Ibinaba nito ang hawak na black gulaman saka nito in-scan ang world history books na ipinakita niya. "Wow! This is a very good book!" manghang sabi nito. Hindi rin niya napigilang mapangiti.

"Curious lang ako, sir, ang hilig mo sa history books, pero bakit hindi ka naging history teacher o di kaya sociologist or anything na related sa history course." Tanong niya.

Ngumiti ito at tipid na ngumiti. "Pangarap ko din kasing magkaroon ng sariling business, eversince, at hilig ko lang talaga ang pagbabasa ng tungkol sa kasaysayan."

Tumango-tango naman siya. "Kung magkakaroon po siguro ng time machine, mas nanaisin n'yong bumalik sa nakaraan kaysa makita ang future po, 'no?" nakangiting tanong niya.

Mabilis itong nag-agree at tumango sa kanya. "Gusto kong makilala ang mga sikat na personalidad na naitala sa mga libro."

Tumango-tango naman siya. Ang weird lang, hindi talaga mahilig sa history books pero kapag kasama niya si JK, feeling niya ay nagagandahan siya sa topic na 'yon. Gusto niyang parang magbasa ng mga history books.

"Sir, sa 'yo na lang 'yang book na 'yan, tapos itong coins and paper money collections." Aniya.

Hindi ito agad nakasagot sa kanya, hanggang sa nagulat siya nang bigla na lang siyang yakapin nito na ikinagulat at ikina-stiff ng katawan niya. Bago pa niya maipikit ang mga mata para namnamin ang mainit na yakap nito ay mabilis din nitong tinapos 'yon.

"R-Really?" tanong nito.

Ngumiti siya at tumango dito. "Opo, sir, ikaw talaga 'yong naalala ko nang makita ko ito online." Pagtatapat niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Hindi ako dapat tumatanggap ng anuman sa isang estudyante, pero ang hirap nitong tanggihan, Cleo Ann." Nakangiting sabi nito.

"Naku sir, hindi naman po ito bribe o kung ano, at hindi ko naman kayo teacher kaya okay lang po. Isipin n'yo na lang po na friends tayo at regalo ko ito sa inyo." Nakangiting sabi niya.

"Oh, thank you so much. I'll treasure this, really." Masayang sabi nito.

Deep inside ay hindi niya napigilang mapangiti sa labis na kasiyahan. Feeling niya ay naka-one ganda point siya sa binata. Hanggang sa nagkapaalamanan na sila sa isa't isa dahil pareho nang magsisimula ang mga klase nila. Hindi matanggal sa mukha ni JK ang labis na kasiyahan, kaya pati siya ay tuwang-tuwa na din.

Hindi pa rin tumitila ang pag-ulan ng mga stuffs na ibinibigay ng mga fans niya sa kanya, tumataba ang puso niya sa mga ito kaya labis siyang nagpapasalamat. Hinding-hindi niya ito kailanman makakalimutan.

"Sa sobrang kasikatan mo na dito sa school, baka makalimutan mo na kami, ha." Nakabusangot na sabi ni Cess.

"Oo nga, kapag pinagkakaguluhan ka na nang lahat, bigla na lang kaming nagdi-disappear sa mga mata mo." Tampo ni Nizza.

"Kung ayaw mo na sa amin, sabihin mo lang, ha." Sabi pa ni Lindsay.

Napangiti tuloy siya at niyakap ang tatlong mga kaibigan niya. "Kaya lang naman sila nandyan ay dahil sikat ako, samantalang kayo mapasikat o hindi man, nandyan pa rin kayo para sa akin, kaya hindi ko kayo ipagapaplit." Nakangiting sabi niya. Sa wakas ay napangiti na rin ang mga ito.

Pagkatapos ng afternoon class nila ay nauna na siyang umuwi dahil may tatapusin pa daw na projects ang tatlo sa library. Sinundo naman siya ni manong Bert, ang driver nila, at nasa parking lot na ito noon. Naglalakad siya papunta doon nang harangin siya ni Emman. Nagtataka siyang napatitig dito, dahil ngayon lang uli ito nagparamdam sa kanya kahit nagkikita sila sa school, palibhasa ay hindi na niya ito pinapansin dahil wala na itong halaga sa buhay niya.

"I broke up with Jasmine." Bungad nito sa kanya, tukoy ang girlfriend nito from other school.

Anpabuga siya ng hangin. "So?"

"I want you back, Cleo Ann. I've missed you so much." Anito, akmang yayakapin siya nito ay mabilis siyang nakadistansya dito.

"D'yan ka lang!" aniya. Saka niya tinawanan ang sinabi nito. "Hindi ko alam kung bakit mo gustong makipagbalikan sa akin; dahil ba sikat na ako o dahil mayaman na ako?" tanong niya.

"Dahil mahal kita!"

Muli siyang natawa. "Lokohin mo lelang mo, asa kang paniniwalaan kita. Hoy! Naniwala na ako no'n sa 'yo—na ako lang ang mahal mo pero nag-two time ka! Kaya huwag ka ngang baliw d'yan. Saka wala ka nang pag-asa sa akin dahil may mahal na akong iba!" aniya.

"Liligawan uli kita kahit gaano katagal, basta bumalik ka lang sa akin..."

Napailing siya. "Alam mo, magsasayang ka lang ng panahon, kalimutan na natin ang kung ano'ng meron tayo dati, hindi na uli babalik ang damdamin ko para sa 'yo, kung totoo ngang na-in love talaga ako sa 'yo."

"W-What do you mean?"

"Feeling ko kasi, infatuated lang ako no'n sa 'yo, I didn't even cried when you left me, so, siguro hindi kita mahal."

"Cleo Ann..."

"Uwi na ako, bye!" saka nilagpasan ang lalaki at mabilis na sumakay sa BMW car nila. Nasa labas na sila ng campus no'n nang makita niya sa exit gate si Josiah na mukhang may hinihintay, nang makilala nito ang sinasakyan niya ay mabilis itong lumapit sa kanya, pinatigil naman niya ang sasakyan saka pinagbuksan niya si JK ng bintana.

"May ibibigay ako sa 'yo, Cleo Ann." Nakangiting sabi nito. Saka ito luminga sa paligid at mabilis na inabot sa kanya ang maliit na jar. "Sige," nakangiting paalam na nito saka nagmamadaling umalis.

Hindi tuloy siya nakapagsalita o nakapag-thank you dahil sa gulat at kabang naramdaman niya. Muli nang umandar ang sinasakyan niya. Mabilis niyang tinignan ang maliit na jar na hawak niya, sa ilalim n'yon ay mga iba't ibang klase ng stones at sa ibabaw n'yon ay mga iba't ibang uri ng Korean candies. Hindi niya napigilang mapangiti. Saka niya agad na binasa ang maliit na noon na nasa ibabaw ng jar.

Mga iba't ibang klase ng lucky charm stones and Korean candies na sobrang mahal ko at talagang nakakatanggal ng stress at pagod. Maraming salamat sa books and artifacts, I truly appreciated it! Jeongmal kamsahamnida! J

-JK

Napatili siya dahil sa labis na kilig na naramdaman niya, napatingin pa si manong Bert sa kanya dahil sa gulat nito, ngunit umiling-iling lamang siya dito. Ang bilis ng kabog ng puso niya. Feeling talaga niya ay sobrang in love na in love na siya kay JK. Kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan para makuha ang puso nito baka mahuli pa ang lahat!

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon