Wish 17

397 14 1
                                    

THAT LONG and tight hug from her coffee Prince. Gosh! Gusto nang himatayin ni Cleo Ann nang mga sandaling 'yon dahil sa kilig at bilis ng tibok ng puso niya. Hindi na nila pinansin ang mga taong alam nila ni JK na nanunuod sa kanila dahil mas importante kung ano ang nararamdaman niya—nila.

Though hindi pa malinaw hanggang ngayon kung bakit gumanti nang yakap sa kanya si JK, nang matapos siyang yakapin nito ay hindi naman ito nagsalita tungkol doon kaya nanatili na lang ding tikom ang kanyang bibig. Hindi na nga rin niya itinanong ang kasagutan nito sa 'I love you' niya, tutal hindi naman 'yon tanong na dapat sagutin, isang damdamin 'yon na kanyang ipinahayag.

It has been two days ago, pero fresh na fresh pa 'yon sa isip niya. Nang magkita sila kahapon ay nakangiti at panay ang kaway nito sa kanya. Ano nga kaya ang totoong damdamin nito para sa kanya? Teka, meron nga ba?

Naisip niya kagabi, na marahil nagawang ipalimot ni Genie ang mga nangyari sa nakalipas na dalawang buwan, ngunit ang sabi nito noon ay hindi nito kayang baguhin ang damdamin ng isang tao; umasa tuloy ang puso niya na baka gano'n ang treatment sa kanya ni JK ay dahil hindi nakalimutan ng puso nito na naging mas closer sila kahit pa nakalimot ang isipan nito—dahil hindi ang puso nito.

Ngunit hindi pa siya dapat magsaya dahil sa nararamdaman niya o sa kung ano'ng nararamdaman ni JK para sa kanya dahil malabo pa rin 'yon at hindi pa ito nagsasalita tungkol doon, kailangan na niya malaman ang malinaw na kasagutan sa lalong madaling panahon bago pa maganap ang engagement nito sa girlfriend nito.

Ayaw mo kay Emman dahil nag-two time siya, pero 'eto ka ngayon nagpapakita ng motibo sa lalaking may girlfriend na. Sita ng isipan niya na mabilis niyang ikinailing. Dahil ang true love ay minsan lang dumating sa buhay, at naniniwala ako na si JK ang true love ko kaya nga gusto kong malaman kung may damdamin siya para sa akin, kung wala ay kusa din naman akong susuko. At hindi magkaparehong tao sina JK at Emman, si JK ay may paninindigan at hindi two timer tulad ni Emman!

Napabuga siya ng hangin ngunit agad ding naagaw ang atensyon niya nang tumunog ang door chime sa harapan ng store, nasa grocery store siya nang araw ng sabado para mag-parttime cashier. Kinusot ni Cleo Ann ang kanyang mga mata dahil parang nakakakita siya ng aparisyon—isang guwapong Josiah Kim ang naglalakad palapit sa counter na kinaroroonan niya. Pero nakailang kusot na siya ng mga mata ay hindi pa rin naglalaho ang guwapong lalaki hanggang sa makalapit na ito sa kanya.

"You're not dreaming, I'm really here!" nakangiting sabi ni JK sa kanya, na siyang nagpatunay sa kanya na hindi siya nakakakita ng aparisyon nito.

Bumilis ang tibok ng puso niya at halos tumumbling-tumbling ang sikmura niya sa lakas ang epekto ng guwapong ito na nasa harapan niya.

"A-Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya. Sa pagkakaalam niya ay half day ito sa coffee shop nito ngayong araw, pero alas otso pa lang nang umaga ay dumadalaw na ito sa kanya. Pero hindi niya maide-deny sa kanyang sarili na kinikilig siya nang mga sandaling 'yon at sa pagkakakita pa lang ng mukha nito ay nabuo na agad ang araw niya.

"Nandito ako para kidnappin ka." Nakangiting sabi nito. Muntik na siyang mapatili dahil sa heart melting and very sweet smile nito. Shocks! Ang suwerte naman niya dahil ang guwapo ng gustong mangidnap sa kanya, at willing din siyang magpa-kidnap kahit dalhin pa siya nito sa ibang planeta!

"T-Teka, may trabaho ako ngayon, e." imporma niya. "Sa katunayan nandyan na 'yong matandang boss ko at baka makita akong nakikipag-usap sa 'yo."

"Kaya kakausapin ko 'yong Boss mo, dinala ko si Kastair with me, ayon siya sa labas, siya muna ang papalit sa 'yo bilang cashier dito sa grocery store, siya din naman ang nagca-cashier sa coffee shop, e." anito. Sakto namang lumabas ang Boss niya, na mabilis nilapitan ni JK para magpakilala at kausapin ito. "Don't worry sir, fast learner po ang empleyado ko at kapag nagkamali siya o hindi umabot ang quota sales n'yo ngayong araw, ako po ang magbabayad." Narinig niyang sabi ni JK sa boss niya.

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon