Wish 16

357 14 1
                                    

Napakunot-noo ito sa kanya. "Of course, Cleo Ann." Anito. Natuwa naman siya sa loob-loob niya. "Bakit? Sinabi ba ng boyfriend mo na dapat kitang kalimutan?"

Umiling-iling naman siya. "Hindi ko boyfriend ang lalaking 'yon, nakaraan na po siya na hinding-hindi ko na babalikan pa." Aniya.

Tipid itong tumango bago nagpaalam sa kanya dahil may importante pa daw itong gagawin. Pagkatapos ng klase nila kinahapunan ay nagtungo siya sa coffee shop ng binata para makita ito dahil na-miss na niya agad ito, ngunit nakita niya itong kausap nang masinsinan si Jessy, kumirot ang puso niya sa pagkakakita sa dalawang magkasama na nag-uusap sa isolated table.

"I'M SORRY Jessy but we need to call off this engagement—this whole thing. Hindi ako masaya at ayaw kong magpatali sa gustong gawin ng parents ko sa buhay ko. I want my own freedom of whatever I wanna choose." Paliwanag ni Josiah sa babaeng kausap niya.

Dapat ay dadalhin niya sa isang private place ang dalaga para masinsinan itong kausapin tungkol sa pag-call off niya ng engagement sa soon to be fiancée niya, ngunit hindi na niya nagawa dahil baka umasa na naman ito at masaktan din sa huli.

"Josiah, hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" malungkot na tanong nito, na mabilis niyang ikinailing ng malungkot. "How about our parents? Hindi mo ba iniisip ang magiging reactions nila?"

"I'll let them know, pupunta ako sa South Korea para magpaliwanag sa kanila ng personal." seryosong sabi niya.

Saglit itong natahimik. "Why? Are you already in love with someone else?" tanong nito.

Hindi rin siya agad nakasagot. O siguro ay ito talaga ang gusto niyang gawin noon pa man dahil gusto na niyang maging malaya sa pagkakakulong sa desisyong 'yon ng mga magulang niya, pressured siya at hindi na masaya, kailangan na niyang i-call off ang engagement bago pa maisaayos ang lahat.

Ang pagtahimik ni Josiah sa katanungan ni Jessy ay nagpatotoo lamang na may ibang laman ang puso niya, at bago pa siya makasagot ay nag-walk out na ang dalaga sa harapan niya. Mabilis niya itong sinundan ngunit agad itong nakapara ng sasakyan at agad na nakasakay. Napabuga na lamang siya ng hangin, at akmang papasok uli sa loob nang makita niya si Cleo Ann na nasa labas ng shop niya.

All of a sudden ay nagkagulo ang sistema niya, at bumilis ang tibok ng puso niya. Ang weird nang nararamdaman niya ito para sa babaeng ito. Sa dinami-dami nang mga babaeng nakilala niya ay ngayon lang nag-react ng gano'n ang puso niya. Hindi sila naging malapit nito kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman kapag nakikita ito.

Ngumiti sa kanya ang dalaga saka din magalang na nagpaalam sa kanya bago sumakay sa naparang jeep. Nang makaalis ito ay parang gusto niya itong takbuhin at sundan. Ano'ng nangyayari sa puso niya?

Sa paglipas ng mga araw at sa tuwing nakikita niya si Cleo Ann ay mas lalong nag-iiba ang pakikitungo ng puso niya dito at naiinis din siya sa tuwing nilalapitan ito nang nakilala niyang ex-boyfriend nito. Masayang-masaya naman siya sa tuwing nilalapitan at kinakausap siya nito. Pakiramdam niya ay may damdamin ito para sa kanya. Litong-lito na tuloy siya sa nararamdaman niya—hindi ito puwede dahil matinding ipinagbabawal sa school ang teacher-student affair.

Did he already have fallen for her? But how? Ano'ng nangyayari sa puso niya at hindi maintindihan 'yon ng isipan niya? He had sleepless night because of her, at laging naka-stalk sa FB account nito na hindi naman niya ginagawa no'n sa iba. God! He must be so crazy over this girl. And this isn't right! May kailangan pa siyang ayusin sa buhay niya, ngunit sa tuwing nakikita niya si Cleo Ann ay nakakalimutan niya ang kinai-stress-an niya.

Isang umaga, paakyat na sana siya sa building ng Business ad si Josiah nang matanaw niya sa isang bench si Cleo Ann, hawak ng ex-boyfriend ang kamay nito, ngunit kitang-kita niya ang disgusto sa mukha ng babae at pinipilit na bawiin ang kamay. Walang isip-isip na bumaba siya agad para puntahan ang mga ito at nang makarating siya sa tabi ng babae ay mabilis niya itong hinawakan sa isang kamay at hinila palayo sa lalaki. Nagulat pa ang dalawa sa pagkakakita sa kanya.

"Sir, wala kang alam sa amin kaya pabayaan mo kaming mag-usap." Sabi ng lalaki sa kanya.

"Hindi ka naman nakakaintindi, Emman, sinabi ko na sa 'yong wala ka nang mapapala sa akin, I don't love you anymore, and I didn't love you from the start. I was just infatuated kaya tigilan mo na ako!" ani Cleo Ann.

"Narinig mo na siya, kaya tigilan mo na siya." Aniya, saka na niya hinila palayo ang dalaga mula sa lalaki.

Magkahawak kamay sila habang naglalakad at wala na siyang pakialam sa mga taong nakakakita sa kanila at kung may magsumbong sa kanila sa opisina ng school President. Hindi na niya kaya pang itago ang nararamdaman niya para sa babaeng ito—at hindi naman kasalanan sa batas ng Diyos ang umibig sa babaeng ito.

Hindi nagsasalita si Cleo Ann, kaya tumigil siya sa paglalakad at binalingan ito, nakatitig lang ito sa magkahawak nilang mga kamay, saka ito nag-angat ng tingin sa kanya. Binitiwan niya ang kamay nito.

"I don't know what is happening to me," pauna niya saka niya ginulo ang buhok niya. Pero nagulat na lang siya nang bigla siyang yakapin ng dalaga—nang mahigpit na mahigpit. "Cleo Ann..."

"I love you, JK! I love you since the first day I saw you." Pagtatapat nito na ikinalaki ng kanyang mga mata. Hindi lang niya ini-expect na magtatapat ito nang damdamin para sa kanya. Pero ang huling salita sa kanya ay parang pamilyar at naramdaman na 'yon ng puso niya—as if, narinig na niya ito noon mula sa dalaga.

Hindi niya namalayan na nakayakap na din pala ang mga braso niya sa palibot sa katawan ng dalaga, nang mahigpit na mahigpit. At nang mga sandaling 'yon ay wala na siyang pakialam sa mundo.

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon