Wish 12

339 12 1
                                    

Napangiti din siya dito. "Ang ganda!" humahangang sabi niya. This is better than an expensive condo unit.

"Ipinamana sa akin ni lolo at lola, mas gusto kong tumira sa ganito kasimpleng bahay kaysa sa luxurious one." Nakangiting sabi nito. Bago mabilis binuksan ang pintuan papasok sa loob ng bahay. Kung sa labas ay napaka-captivating, mas lalo sa loob, the interior design was amazing, gawa sa kahoy din ang mga sofa at tables na naroon, maraming magaganda at lumang paintings and figurines. "Kinailangan ko lang ayusin nang kaunti ang bahay para mas lalong makita ang ganda." Anito, na tinanguan niya. Pinaupo siya nito sa sofa saka ito nagtungo sa kusina para kumuha ng juice.

"Mag-isa ka lang bang nakatira dito sa bahay?" curious na tanong niya.

"Yes." Sagot nito. "Wala namang dapat ikatakot dito, e, saka tahimik dito at masayang tirhan."

Tumango naman siya. Nang makarating ito sa salas ay inilapag nito ang juice sa kahoy na mesita sa harapan niya. "Thanks." Aniya, ngumiti naman ito.

"Gusto kitang dalhin sa library ko, for sure, masisiyahan ka." Nakangiting sabi nito. ngunit hindi na niya inubos ang juice niya dahil nagpatangay na siya sa library nito.

Maganda at malaki ang bahay pero hindi mukhang haunted house. Naglakad sila patungo sa library at nang makarating sila ay agad binuksan 'yon ng binata saka sila pumasok sa loob. Napatulala siya nang makita niya ang maraming aklat na naroon, she bet, siguro mga history books ang karamihan sa mga 'yon. Nakita din niya ang artifacts na nakadisplay sa wall ng library, kaya napangiti siya.

"Monthly ako nagpapa-check ng bahay para sa anti-anay, mahirap na." nakangiting imporma nito sa kanya na tinanguan niya. Saka siya nagsimulang maglakad para tingnan ang mga libro doon. She was right! Dahil mga history books ang naroon. "Actually, mga history teachers ang maternal grandparents ko, at nang dumadalaw kami nina mommy at daddy dito ay lagi akong nagagawi sa parting ito ng bahay, at nagka-interes na din tungkol sa kasaysayan." Imporma nito sa kanya na ikinatango niya.

"Ang galing!" hindi niya napigilang sabi.

Ngumiti ito sa kanya, saka may dalawang librong kinuha. Sumunod naman siya nang maupo ito sa upaun ng malaking mesa, sa tapat siya nito pumuwesto.

"Kasaysayan ito ng Pilipinas at South Korea na lagi kong binabasa. These books are interesting." Anito. Ngumiti naman siyang kinuha ang Korean history book. Nakasulat 'yon in korean letters ngunit sa ibaba n'yon ay may English translation. Na-trigger tuloy ang interes niya na malaman ang tungkol sa bansang pinagmulan ng binata.

"This is cool!" aniya, hindi niya kailanman inakala na magkaka-interes siya sa kasaysayan, hanggang sa maimulat ni JK sa kanya ang kagandahan n'yon.

"Thankful ako dahil natuwa ka, sa mga babaeng nakilala ko, ikaw lang ang nagpakita ng interes at natuwa," nakangiting kuwento nito.

Hindi tuloy niya napigilang masiyahan. "Not even your girlfriend?" tanong niya. She hates the word 'fiancee' kaya hindi niya 'yon masabi-sabi, feeling niya malapit nang ikasal ang mga ito saka wala naman itong suot na engagement ring, kaya hindi pa mag-fiancee ang mga ito!

Tumango ito at hindi na sumagot sa kanya. Inabala na lang din niya ang sarili sa pagbabasa ng korean history book. Hanggang sa unti-unti siyang hilain ng antok, dahil na rin sa pagkabusog kanina sa heavy lunch nila at sa ganda ng ambiance at presko ng paligid.

NAPANGITI si Josiah nang makita niya ang maganda at payapang mukha ni Cleo Ann habang natutulog. Akala niya no'ng una ay napipilitan lang ito tungkol sa history topics, pero napatunayan niya na gusto talaga nito, ngunit mukhang masyado itong nabusog at napagod sa pagkain at katatawa nila kanina sa resto kaya nakatulog ito.

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon