Wish 11

362 9 0
                                    


NGUMITI at kumaway si Cleo Ann nang bumaling sa kinaroroonan niya si Josiah, ngumiti din ito sa kanya at saglit na inasikaso ang customer nito bago ito nagtungo sa kinaroroonan niya.

"Hey," nakangiting bati ni Josiah sa kanya.

Napangiti din siya nang pagkatamis-tamis. "Hello!" ganting bati niya. Ang sarap talaga ng pakiramdam niya sa tuwing nakikita at nakakausap ito. 'Yong puso niya ay parang busog na busog na dahil sa pagkakakita sa guwapong lalaki.

Saturday. Maaga pa lang ay nagising na si Cleo Ann para magluto ng mga Philippine native delicacies, like; banana cue, camote cue, turon at lumpiang gulay, para ipatikim sa binata dahil sa pagkakaalam niya ay mahilig ito doon simula nang makita niya itong kumakain ng mga gano'n, na mukhang nasisiyahan sa kinakain nito, marahil ay walang gano'ng pagkain sa bansang pinanggalingan nito. At bilang thank you na din sa lucky stones and candies na ibinigay nito sa kanya last time.

"Napadaan ka." Nakangiting sabi nito. Saka ito nag-offer ng drinks sa kanya ngunit ang sabi niya ay nakapag-order na siya ng frappe.

"Nandito ako para mag-thank you doon sa binigay mo last time, sa sobrang saya kasi, e, nakalimutan kong mag-thank you." Aniya.

Ngumiti at umiling naman ito saka nanghila ng upuan at naupo sa tapat niya. "Pasasalamat din 'yon sa iniregalo mo sa akin, napaka-thankful ko din sa ibinigay mo sa akin. Saka wala pa 'yon sa ibinigay mo sa akin."

"Naku! Thank you mo lang sapat na sa akin." Nakangitng sabi niya. "And I've brought you these foods." Aniya, saka niya ibinigay sa binata ang tupper ware ng assorted na niluto niya.

Nagningning naman ang mga mata nito. "Wow! This is so sweet!" nakangiting sabi nito, saka ito nagmamadaling binuksan ang Tupperware para kumuha ng banana cue at kumagat doon. "Hmm... yummy!" masayang komento nito. "Thanks a lot! Hindi ko na tuloy alam kung paano mag-thank you sa 'yo at sa kabaitan mo, Cleo Ann." Masayang sabi nito.

"Naku! Wala po 'yon." nakangiting sabi niya. "And thank you ko din 'yan for inspiring me each of everyday." Bulong niya sa sarili.

"Nai-inspire kita?" tanong ni Josiah na narinig pala ang sinabi niya, kaya feeling niya ay umakyat ang dugo niya sa kanyang magkabilang pisngi at nakakasiguro siyang pulang-pula na siya. Gayunpaman, ngumiti at tumango na lang siya. "Oh, I'm so touched." Nakangiting sabi nito. Dumating ang frappe niya kaya mabilis siyang uminom doon dahil feeling niya ay natuyuan siya ng lalamunan sa bilis ng kabog ng puso niya at nag-init ang airconditioned place. "Niluto mo 'to, right?" tanong ni Josiah na mabilis niyang tinanguan. "Ang sarap! My mom also used to cook something like these in Korea, pero naging abala na kasi sila ni Dad sa business sa South Korea."

Tumango naman siya. "Ano'ng business ang pinagkakaabalahan ng parents mo doon? Bakit hindi mo na lang sila tinulungan?" curious na tanong niya.

"COSCO, a steelmaker business." Sagot nito sa unang tanong niya. "Saka mas gusto kong magkaroon ng sarili kong business. I also have a coffee shop in South Korea, mina-manage ng isang friend ko, tapos nagpatayo ako ng isang branch dito sa Philippines."

Tumango-tango naman siya. "Napakagaling mo naman, sa edad mong 'yan ang layo na nang narating mo." Masayang sabi niya.

Napakamot ito ng tungki ng ilong nito at tipid na ngumiti. "Hindi naman."

Saglit itong nagpaalam sa kanya dahil may tawag daw ito sa telephone, kaya nagmamadali naman niyang ini-research ang tungkol sa Cosco na sinabi ng binata, gusto kasi niyang maka-relate sakaling magkuwento uli ito, ayaw kasi niyang maging clueless. Napanganga tuloy siya nang bumungad sa research niya ang tungkol sa Cosco na sinabi nito.

COSCO is the world's fouth-biggest steelmaker, and backed by billionaire investor Warren Jung. It has since gone on to produce over 33 million tons of steel and has a joint venture with U.S. steel in California. This year the company expects to break ground on a 12 billion dollars steel mill project.

Wow! Hindi niya maiwasang sobrang malula sa kanyang nabasa. Mukha itong simpleng teacher at Manager ng JK coffee shop pero sobrang yaman ng pamilya. Kaya hindi na siya magtataka kung marami din itong admirers. So, hindi lang pala ang mga karibal niya sa Pilipinas at kailangang problemahin dahil meron pa sa South Korea. Saglit pa ay bumalik din agad si JK sa mesa niya.

"Sorry about that," nakangiting sabi nito. "So? What are your plans for today?" tanong nito.

Kumabog ang puso niya. Yayayain ba siya nitong lumabas? Na-excite siya! "Wala naman, uuwi na ako after ko dito." Aniya.

"Oh! Sayang naman dahil maganda ang araw," anito na tinanguan niya at kunwari ay nalungkot siya. "Why don't we go out? My treat since you gave me my favorite delicacies!" nakangiting sabi nito, saka muling ipinagpatuloy ang pagkain sa dala niya. Tinawag din nito ang ibang empleyado nito para patikimin sa niluto niya.

"O-Okay lang ba talaga sa 'yo? Paano kung may magalit?" aniya.

"Ikaw? Baka magalit ang boyfriend mo."

"Wala akong boyfriend!" mabilis at defensive na sagot niya, na ikinangiti pa nito dahil sa mabilis na pagsagot niya. "I mean, nagkahiwalay na kami ng boyfriend ko, kaya wala akong boyfriend. Baka ikaw, 'yong girlfriend mo." Ganti niya.

Hindi ito agad nakasagot. "This is just a friendly day out." Sagot nito.

Parang may mga aspileng tumusok sa puso niya. Ang inaasahan pa naman niyang isasagot nito ay wala na ito at ang magandang babaeng koreana na nakita niya last time. Pero asa pa siya! 'Uy, baka may makakita sa inyong mga estudyante! Isumbong kayo sa School President! Wala naman silang ginagawang masama ni JK, e, saka "friendly" day out nga lang daw! At kanina pa napapatingin ang ilang mga estudyante from SMU na nasa shop, at wala siyang pakialam hangga't wala silang ginagawang masama na labag sa batas ng Diyos.

Nang matapos ito sa half day schedule nito ay niyaya na siyang lumabas sa coffee shop. Nag-commute lang siya kanina papunta doon, dahil may lakad ang parents niya at kailangan si manong Bert. Kaya ngayon ay ang kotse ni Josiah ang gagamitin nila papunta sa Mall.

Dahil magla-lunch time na noon ay dumiretso na sila sa isang magandang buffet resto para kumain. Mga Filipino foods ang inilagay ni JK sa pinggan nito, na kabaliktaran niya dahil Korean foods naman ang inilagay niya sa pinggan niya. Saka sila pumuwesto sa bakanteng mesa for two persons.

Masaya silang kumakain habang nagkukuwentuhan. Nakakatuwa nga dahil siya ang nagbibigay-alam sa binata sa kung anong mga Filipino foods ang nasa pinggan nito at kung saan 'yon gawa, in return ay ito rin ang nagbibigay-alam sa Korean foods na nasa pinggan niya. Ang saya-saya nilang dalawa tingnan, at napapanlingon din ang mga tao sa malapit na mesa sa kanila. Iniisip nga niyang... iniisip din ba ng mga ito na "sila"? Bagay ba silang tingnan na dalawa? Kinilig siya sa inisip niya.

Sa desserts ay padamihan sila ng kinuha, at kahit mukhang matakaw sa sweets ang binata ay hindi naman halata sa katawan nito. Para ngang ang sarap maglambitin sa biceps nito, hindi naman 'yon gano'n kalaki tulad ng mga lalaking nakikita niya sa TV na nag-gy-gym, pero maganda at manly tingnan 'yon. Siguro nga may abs din ito! Napangiti siya sa kanyang sarili.

Nang matapos silang kumain ay nagulat siya nang yayain siya ng binata sa bahay nito. Aba'y sino ba siya para tumanggi, 'di ba? Kaya nagpagiya na lang siya. After thirty minutes na biyahe ay nakarating din sila sa tirahan nito.

Natulala pa siya nang makita ang tirahan nito. Hindi niya ini-expect na sa ganitong bahay nakatira si JK. It's a beautiful and captivating log house; very simple yet very lovely. Napapalibutan ang bahay ng mga halaman, mga magagandang bulaklak at puno kaya preskong-presko. Bumaling si JK sa kanya at ngumiti, saka ito mabilis bumaba sa sasakyan para buksan ang malaking gate bago bumalik sa driver's seat at tuluyang pumasok sa loob.

Nang mai-park nito ang sasakyan ay mabilis siyang ipinagbukas ng pintuan nito. "Welcome to my mini-paradise." Nakangiting sabi nito.

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon