"HI CLEO ANN, beauty and brains ka talaga kaya fan mo ako."
"Cleo Ann, puwede bang magpa-picture kasama ka? Please, kahit isa lang..."
"Cleo Ann, para sa amin mas maganda at well-deserved maging school Princess kaysa kay Cherry Mae Escasinas. Maldita 'yon, e, ikaw mukhang anghel."
Nakatulala lang si Cleo Ann habang pinapakinggan isa-isa ang mga sinasabi ng mga taong bigla na lang siyang hinarang habang naglalakad siya papasok sa kanilang building. At habang tumatagal ay padami nang padami ang mga taong pumabalibot sa kanya.
"S-Salamat." Aniya. May mga nagkislapang mga camera sa harapan niya, ngunit naguguluhan pa rin siya sa nangyayari. Saglit pa siyang nakipagkuhanan ng larawan kasama ng mga taong bigla na lang naging instant fan daw niya at may nagpa-autograph pa sa kanya bago siya tuluyang nagpaalam sa mga ito.
Nang makarating siya sa classroom nila ay marami ring naghihintay na ibang mga estudyante galing sa ibang department; binigyan siya ng chocolates, flowers at stuffed toys. Naputol ang kaguluhan nang dumating ang teacher nila, naupo siya sa tabi ng mga close friends niya.
"Ano bang nangyayari?" tanong niya sa mga ito.
"Hindi namin sure, e, pero sa pagkakaalam namin ay may nag-post ng picture mo at credentials sa official fanpage ng school, tapos sa SMU confession page ay may nagpahayag ng damdamin para sa 'yo, tapos 'yong usap-usapan ka na, actually, kahapon ko pa 'yon naririnig, ngayon lang nag-viral ang lahat. Pati mga photos and matagal nang contemporary at rock dance videos mo mula sa FB and IG accounts mo, kumalat na sa lahat. At maraming humanga at natuwa sa magandang pagsasayaw mo." Dancing is one of her strength, she can also sing and act.
Napanganga siya bago nakabawi. Hindi pa kasi siya nag-o-open ng SNS accounts niya. Doon biglang lumitaw sa isipan niya ang second wish na hiniling niya sa guwapong Genie no'ng isang araw. Paano niya nakalimutan ang tungkol doon?
Isinulat niya sa maliit na papel na; Maging sikat na estudyante sa University na pinapasukan niya. At saka niya 'yon sinunog sa mahiwagang lampara para magkatotoo. At 'eto na nga after two days ay nagkatotoo na at halos makalimutan na niya ang tungkol dito dahil unang araw pa lang ay hinintay na niyang mangyari ito, pero hindi agad nangyari. Tulad na lang sa unang kahilingan niya, hindi naman agad-agad ay natupad, lumipas din ang dalawang araw.
Napangiti siya sa loob-loob niya. Ngayon nga ay nagkatotoo na ang kahilingan niyang sumikat, at isa lang din ang ibig sabihin n'yon, kilala na siya ng lahat dito sa Campus at lahat gusto na siyang maging kaibigan katulad ng ibang mga sikat na estudyante sa school—at mas malaki ang chance niya na makilala at ma-curious nang husto si Josiah sa kanya. Excited na siya!
Pati ang teacher nila sa Dispensing and Incompatibilities na si Ms. Aurea ay tuwang-tuwa sa kanya, na hindi naman katulad dati. Nang mag-break time sila ay muli siyang dinagsa sa classroom para bigyan siya ng food, et cetera. Hanggang sa mag-lunch time ay maraming mga estudyanteng nakikipag-usap sa kanya. Aliw na aliw siya sa tinatamasa niyang atensyon mula sa mga ito. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakaranas na hangaan at purihin ng ibang tao.
Kaya sa buong lunch break ay kasama niya ang mga instant fans niya; kausap at katawanan. Mas nadagdagan pa yata ang mga tagahanga niya sa school, dahil mas dumami ang mga nagpapa-picture at nagpapa-autograph sa kanya sa school. Nang bisitahin niya ang FB dance videos niya na noon ay nasa one hundred views lang ngayon nga ay nasa ten million views na sa loob lamang ng tatlong araw. Pati nga si Cherry Mae Escasinas na noon ay ni minsan hindi tumingin sa kanya dahil hindi naman siya nag-e-exist sa mundo nito ay napapalingon na rin sa kanya. Ibang klase talaga ang nagagawa ng social media.
BINABASA MO ANG
LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)
General FictionCleo's three Wishes: 1. Yumaman kaming mag-anak. 2. Maging sikat na estudyante sa University na pinapasukan niya. 3. At mahalin ni Josiah Kim, ang 'Coffee Prince' at ang lalaking matagal na niyang pangarap.