Wish 15

350 14 0
                                    

THIRD WISH: Gusto ko nang ibalik ang dating simple at masayang pamumuhay ng pamilya ko at ang pagiging simpleng estudyante. Makalimutan rin sana ng lahat ng mga tao—maliban sa akin—ang naganap na pagbabago sa buhay ko at sa aking pamilya.

"Teka, ang haba naman yata ng kahilingan mo." Reklamo ng Genie kay Cleo Ann.

"Sige na, last naman na 'yan, saka kabayaran 'yan dahil hindi mo kayang tuparin ang pangatlong wish ko last time." Aniya dito.

Hindi ito umimik sa kanya. "Wala nang bawian sa pangatlong wish mo," imporma nito sa kanya. "Babalik uli kayo sa dating pamumuhay n'yo; ang papa mo ay magiging taxi driver uli, ang mama mo ay mananahi at ikaw ay nagpa-partime sa isang grocery store. Babalik kayo sa dating lumang bahay n'yo at mawawala ang karangyaang meron kayo, pati na ang kasikatan na meron ka. Makakalimutan din ng lahat kasama ng pamilya mo na naging mayaman kayo at naging sikat ka sa school. Tanging ang alaala mo lang ang hindi mabubura." Mahabang salaysay ng Genie.

Tumango siya sa Genie. "Pero teka Genie, makakalimutan din ba ni JK na naging close kami?"

"Hindi ko kilala 'yang sinasabi mo!"

"I mean, makakalimutan din ba ng isang tao na naging close kami during that time na naging mayaman kami at naging sikat ako?"

"Oo. Ang buong durasyon na yumaman at sumikat ka ay mawawala sa isip ng lahat. At bukas na bukas din ay babalik na kayo sa dati." Anito.

"Teka, bakit sa mga nakaraang wish ko, two days bago natupad tapos ito agad-agad?"

"Eh, last wish mo na ito e, at gusto ko nang makawala sa 'yo kaya nagmamadali na ako sa pagtupad." Anito. "O siya, matulog ka na at bukas na bukas ay magigising na lang kayong bumalik na ang lahat sa dati." Anito.

Tipid siyang tumango, ngunit parang nanghihinayang siya sa naging closeness nila ni JK. Masakit man ngunit siguro ay bubuo na lang uli siya ng memory kasama ito, alam niyang hindi lang siya ang sasaya dahil sa kahilingan niyang bumalik sa dati, pati na rin ang pamilya niyang na-miss ang dati nilang samahan. Dagdag na rin ang samahan nilang magkakaibigan at ang pagpayapa ng kanyang pagiging buhay estudyante.

Nagpasalamat siya kay Genie sa experience niyang yumaman at sumikat at saglit pa ay tuluyan nang naglaho ang Genie kasama ng mahiwagang lampara.

Bago siya natulog ay nag-message siya sa FB ni JK, umaasa siyang online ito at makakausap, and she was so happy nang mag-reply ito sa kanya. She told him that she already have missed him, at gano'n din daw ito sa kanya na ikinakilig niya nang bongga—ngunit hanggang ngayong gabi na lang ang kilig na 'yon dahil makakalimutan na rin nito ang pinagsamahan nila.

"JK, gusto kong makita ang mukha mo, maaari mo bang tanggapin ang video call ko?" tanong niya, at nagulat siya nang ito na mismo ang nag-video call. Tumambad sa harapan niya ang napakaamo at napakaguwapo nitong mukha. "Salamat sa lahat." hindi niya napigilang sabi.

"Who was that guy with you a while ago?" Instead ay sagot nito sa kanya.

"Ahh... 'yong ex-boyfriend ko." Tipid na sagot niya.

"Nagkabalikan na kayo?"

"I don't love him anymore, pero nangungulit siyang makipagbalikan."

"And?"

"I refused him, at paulit-ulit 'yon hanggang sa magsawa siya." Napangiti ito sa sinabi niya.

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon