19

437 13 0
                                    

ISANG LINGGO na ang nakakaraan pero wala pa ring makuhang balita si Cleo Ann kay Josiah Kim. Halos isang linggo na rin siya nagpapabalik-balik sa JK coffee shop para makibalita pero wala siyang makuhang balita sa mga tauhan ng lalaki, kinaibigan nga rin niya ang ilang mga Business ad students para makibalita pero wala pa rin. Hindi rin nag-o-open ng SNS accounts si Josiah, kaya wala siyang makuhanan ng anumang balita.

Isang linggo na rin siyang malungkot dahil nami-miss na niya ang lalaki, pero siguro talaga ay hanggang doon na lang sila ni JK.

Hinawakan niya ang tapat ng puso niya, ang sakit-sakit ng parting 'yon ng katawan niya, daig pa niya ang na-broken heart nang mahigit isang daang beses. Paano siya magmo-move on nito? Parang hindi na yata kaya ng puso niya na tumingin ng bagong pag-ibig, dahil simula nang makilala niya si JK ay naging loyalista na rin ito sa binata. She loves him so much at ngayon lang talaga niya ito naramdaman. Naiiyak na naman tuloy siya!

"Hey, are you okay?" tanong ni Cess sa kanya.

Nasa Pharmacy lab sila noon at abala sa thesis laboratory na ginagawa nila. Apat silang magkakaibigan ang magkaka-grupo sa thesis work. Nagsimula na silang mag-assay para sa plant sample sa gagawin nilang study, ngunit hindi niya magawang makapag-concentrate dahil naaagaw ang isip niya ni JK.

"Ngayon ka lang namin nakitang sobrang nagdamdam dahil sa isang lalaki, hindi ka naman ganyan dati kay Emman, e." ani Nizza.

"You are really in love with Sir Kim." Ani Lindsay.

Nangalumbaba siya sa mesa at tumango-tango sa mga kaibigan niya. "I don't know how to move on, guys." Aniya.

"Pero sabi nga ng mga tauhan ni JK sa coffee shop, kasama niya 'yong fiancée to be niya na bumalik sa South Korea, baka naganap na ang engagement ng dalawa at nag-resign na si JK dito sa school dahil doon na sila bubuo ng pamilya no'ng magiging asawa niya at ipaapmahala na lang sa iba ang coffee shop niya dito." paliwanag ni Cess, na mas lalong ikina-down niya. Nakita niyang tinampal ni Lindsay ang balikat ni Cess dahil sa sinabi nito.

"I think you should just move on, girl, para hindi na masakit." Ani Lindsay.

"But what to do? Sanay na akong mahalin siya?" malungkot na sabi niya.

Malungkot na lumapit ang mga kaibigan niya saka siya mabilis na niyakap ng mga ito. "We'll always be here for you, Cleng."

HANGGANG SA pag-uwi ay wala pa ring ka-energy-energy si Cleo Ann, parang lowbatt siya araw-araw. Para kasing nawala ang energy booster niya, at mukhang matatagal bago siya muling makabalik sa dati. Pansin rin ng pamilya niya ang pagiging matamlay niya at nahulaan nga ng mga ito na si JK ang dahilan, kaya nandyan na patatawanin siya ng papa at mga kapatid niya, kaya kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam niya.

Isang umaga ay naglalakad siya papunta sa terminal ng jeep kung saan siya sumasakay papuntang school nang mamukhaan niya ang matanda na tulak-tulak ang kariton nito. Nagmamadali siyang tumakbo para malapitan ang matanda, saka niya ito pinigilan sa braso kaya napalingon ito sa kanya. She was right! Ito nga ang matandang babaeng nagbigay sa kanya ng mahiwagang lampara, na bigla ring naglaho nang gabing 'yon—tandang-tanda pa niya ang malaking nunal nito sa tungki ng ilong nito.

Pero hindi ito nag-iisa ngayon dahil may kasama itong itim na pusa na nasa kariton nitong natutulog kasama ng mga kalakal.

"Lola! Kayo nga po!" aniya, napangiti siyang muling makita ito. "Hinanap ko po kayo nang bigla na lang kayong maglaho nang gabing..." lumapit siya dito para bumulong. "ibinigay n'yo sa akin 'yong mahiwagang lampara." Imporma niya. sumasabay siya sa pagtutulak ni lola ng kariton, kaya nakitulak na din siya. "Salamat po doon sa lampara n'yo, kahit papaano po ay naranasan ko pong maging mayaman at sumikat." Nakangiting sabi niya. "Pero siguro po hindi ko na ipagpapalit kung ano'ng meron ako ngayon, kuntento na po ako sa simpleng buhay ko, ang kumplikado po pala ng buhay mayaman at sikat." Nakangiting sabi niya.

LBT Book 1: Cleo's Three Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon