Welcome back.
You saw Tristan in your school.
Thea: What are you doing here? I asked my Auntie Laura to keep an eye to you isn’t?
Tristan: Yes, but she said that I need to attend school like a simple teenager.
“Azul?” ibinaba ko ang aking cellphone at humarap kay Zayn “Hm ano?” takang tanong ko.
“Kilala mo ba siya?” nagisang linya ang aking mga kilay “Sino?”
Tinuro niya si Dash “Yung bagong estudyante. Kanina pa kasi siya nakatingin sa lugar natin.” Anito.
“Hm, kilala ko siya.” Tumango tango naman siya “So ano na ang sagot mo sa tanong ko? Sabay tayong maglunch?” nakangiting tanong nito.
“Sige” nahihiyang sagot ko. Gosh, bakit ba ako nahihiya?
Ang gwapo naman niya
Oo nga e, ang ganda pa ng kulay ng buhok niya
Omg akin ka nalang po
“Settle down class. Dash diba? Maupo ka na doon sa tabi ni Ms. Taylor” tinuro ni Mrs. Bungay ang lugar kung saan siya uupo. Tumango naman siya at naglakad papunta sa tabi ni Sam.
Pagkatapos nang klase namin kay Mrs. Bungay agad kong hinila si Dash sa labas. “Anong ginagawa mo rito?!” tanong ko. Hindi ko maiwasang magtaas ng boses.
“Sinabi kasi ng Tita mo na ka—” I cut him. “Alam ko kung anong sinabi niya! Pero hindi ibig sabihin na sinabi niyang kailangan mong pumasok sa skwelahan ay susundin mo na siya” tinignan niya ako ng masama.
“At bakit hindi? Wala naman akong gagawin doon.” Hindi niya ba gets? Hays.
“Dash, hindi pa matukoy yung biglang pagsulpot mo! Paano kung hanapan ka ng identity card? Anong ipapakita mo?!” nag aalala kong tanong. Ayaw ko namang sabihin na galing siya sa isang Game App no! Baka isipin nila nababaliw na ako.
“Goodness, chill” napailing siya “Meron akong identification card. Nakita ko iyon sa aking wallet, hindi ko alam na nasa bulsa ko pala iyon.” haaa?
“At bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!” sigaw ko “Ipakita mo sa akin ang ID mo ngayon na!” may kinuha itong wallet sa bulsa niya pero hindi ko na pinansin iyon dahil nakita ko yung babaeng nagbigay sa akin ng locket sa di kalayuan.
Hinabol ko ito kailangan ko siyang tanungin! “Saan ka pupunta? Heto na ang identification card ko!” rinig kong sigaw ni Dash, hinayaan ko nalang ito at sinundan yung babaeng nagbigay ng locket.
Nadatnan ko siyang may kausap na lalaki at mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Ilang saglit pa ay nagpaalam na ang lalaki sa kaniya. Shet! Paalis na siya!
“Teka lang!” sigaw ko, huminto naman ang babae at hinarap ako. “Ikaw yung nagbigay ng locket sa akin kahapon, hindi ba? Anong meron sa game na iyon?! Bakit katulad siya ng mga nangyayari sa buhay ko?!” histerikal kong tanong, I need answers.
“Binasa mo ba ang instruction?” tanong niya. Uh-oh nah, im just too excited to play the game at hindi ko na inalala ang instruction! Umiling ako sa kaniya
“Don’t leave the game if you already start playing it. Nilaro mo ang game at ngayon kailangan mong tapusin iyon.” Inirapan ko siya.
“Akala ko ba na ang locket na iyon ang magiging sagot kung bakit nagkakaroon ako ng mga weird na panaginip?” tanong ko. E mas lalong gumrabe lang ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko.
“Tapusin mo ang laro at malalaman mo din ang sagot sa mga katanungan mo ngayon.” Ano?! No waaay!
“So kailangan kong laruin yung bwiset na game na iyon sa loob ng sampong araw?” no ayaw ko na! that game is so creepy asf “Hindi ba pwedeng sabihin mo nalang yung sagot ngayon?”
“Makinig ka, hindi ako ang may ari ng Locket na iyon. Inutusan lang ako upang ibigay iyon sayo” whaaat?
Tumaas ang kaliwang kilay ko “At sino naman ang nagutos sa iyon?” tanong ko.
Napahawak siya sa kaniyang ulo “Hindi ko kilala ang babaeng iyon” so babae siya?
“Hindi mo mapipilit sumagot ang isang tao kung hindi niya alam ang sagot. Wala ka namang magagawa kung hindi mo ako paniniwalaan.” Pagkasabi niya non ay umalis na siya, nakalimutan kong itanong ang pangalan niya hays.
“Azul?” lumingon ako sa lalaking tumawag sa akin.
“Zayn?!” lumapit ako sakaniya “Tara na, hindi ba't sabay tayong maglalunch?” tanong nito ng nakangiti, tumango ako at pumunta na kami sa cafeteria.
Iginiya niya ako sa bakanteng upuan “Hintayin mo ako diyan, ako nalang ang bibili sa pagkain mo.” Bago pa ako makapagsalita, umalis na siya upang bumili ng aming makakain.
Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng cafeteria, my eyes settled to Dash. Pinalilibutan siya ng mga cheerleaders. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Nagpapacute? Ts. Inilabas ko ang aking cellphone para idistract ang sarili ko.
Dammit! Gustong gusto ko ng makita kung ano ang mangyayari sa araw na ito! At ayun inopen ko ang game.
Welcome back.
Thea: Omg we’re seat partners!
Maxx: Can I join you for lunch?
Thea: Yes, sure.
You and Maxx go to the cafeteria.
Maxx: Here’s your food, I have a favor to ask for you.
Thea: What kind of favor?
Namilog ang aking mga mata. No way! B-bakit?
—
A/n: Again sorry for english carabao.Ano kaya yung hihinging pabor ni Zayn kay Azul? At bakit namilog ang kaniyang mga mata?
See it for the next chapter. Press the star icon down below 👇
BINABASA MO ANG
My Love Game App(COMPLETED)
RomantikPaano kung mangyari sa buhay mo ang nangyayari sa iyong Love Game App? Anong gagawin mo? Remember that this is not your ordinary Love Game App. DON'T LEAVE THIS GAME IF YOU ALREADY START PLAYING IT. Date Started: July 28, 2018 Date Ended: November...