Chapter 12

435 181 42
                                    

Dali dali akong nagbihis, nakakahiya naman kung lalabas akong nakapantulog lang diba?

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa park, nakita ko roon si Lilac na nakaupo.sa swing at dahan dahang dinuduyan ito.

"Hm, anong ipapakita mo sa akin?" tanong ko sakaniya.

Tumayo siya at ngumiti sa akin. "May dalawa akong ipapakita sayo tungkol sa insidente kahapon. Pero bago ko ito ipakita sayo, magpromise ka muna." kumunot ang aking noo.

"Hm, ano?" takang tanong ko.

"Gusto ko na sumali ka sa Xavier's Supernatural Club" nakangiting sabi niya. Yun lang? Hayy akala ko pa naman ano na.

"Ang kailangan ko lang naman ay sumali sa club diba?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Osige. Sasali na ako sa Club" wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin kapag sumali ako doon diba? It's just a simple club.

Inilabas ni Lilac ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa "Mayroon akong video tungkol sa insidente kahapon." pagkasabi niya non ay inabot niya sa akin ang cellphone niya.

"Dalawa ang video na nakunan diyan. Una, ay kung sino ang may kagagawan ng sunog at pangalawa, isang hd na kuha mula sa pagbagsak mo sa second floor ng mansion"

Pinanood ko ang unang video na sinasabi ni Lilac. Nagisang linya ang aking mga kilay, pinapakita sa video kung paano pinlano at ginawa ni Mica ang pag trapped sa akin sa nasusunog na game room. "Si Mica ang may kagagawan ng sunog kahapon?!" di ko mapigilang hindi mapasigaw, lumingon ako kay Lilac at tumango lang siya.

"Ano naman kaya ang motibo ng babaeng iyon? Siya nga ang nag sabi sa akin na may nagpadala daw sa akin sa Game room pero hindi ko ineexpect na kasali pala iyon sa kaniyang maitim na balak!"

"Tandaan mo Azul, hindi lahat ng tao ay pwede mong pagkatiwalaan. Ngayon iplay mo ang pangalawang video sa slow mo, wag ka nang magtanong at gawin mo nalang" tumango ako at sinunod ang sabi niya.

Ang pangawalang video naman ay naglalaman ng aking pagkahulog mula sa second floor ng mansion. Sa video, pinapakita na nawala ako ng ilang segundo bago bumagsak ng maayos ang aking katawan sa baba.

"Napasin mo din hindi ba? Kapag zinoom mo iyan at pinlay mo ng slow mo, makikita mo na parang may mabilis na flash na gumagalaw sa lugar kung saan ka babagsak. Parang may isang shadow na kumuha sa iyo mula sa ere, at sinalo ka. That explains why you disapeared for a second at inilagay ka sa baba pagkatapos non"

"A-anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.

"Sinasabi ko lang na hindi ba weird kung bakit wala ka man lang natamong kahit anong injury bukod sa mga sugat mo na galing sa bubog ng salamin? Isipin mong mabuti, ang game room na iyon ay nasa ikalawang palapag ng mansion at mataas ang pagitan ng unang palapag mula sa ikalawang palapag. Isipin mong mabuti. Kung tatanungin mo ako, masasabi ko sayong hindi ito isang pangkaraniwan."

Lutang, lutang ako ngayon. Paano mangyayari iyon diba? Napaka imposible naman nang mga sinasabi ni Lilac ngayon saakin. Ibig ba niyang sabihin na may kung anong nilalang ang sumalo sa akin mula sa pagbagsak ko sa ikalawang palapag? "Hindi mo ba inedit ang video?" tanong ko. Pwede naman inedit niya lang ang video diba? Kase kahit paano ko isipin, imposible talaga.

Lilac just chuckled, "At ano naman ang mapapala ko kapag inedit ko yung video aber? Eto yung original video na kinunan ko noong nahuhulog ka sa taas. I swear, hindi ko phinotoshop iyan okaya inedit. Alam ko hindi mo ako paniniwalaan Azul, pero maraming misteryo sa mundong ito na hindi pa natutuklasan.. Kasali na yung babaeng nagutos sa akin na ibigay ang locket sa iyo. Hanggang ngayom hindi ko pa rin matandaan ang mukha ng nagbigay sa akin ng locket." huminga siya ng malalim "Parang panaginip... Ang pagkikita namin."

"Osige late na aalis na ako, magkita nalang tayo sa club bukas." sabi niya. Kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya. Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko ngayon.

"Teka lang weekend bukas ah?" tanong ko.

"Alam ko, napagdesisyon kong pumunta tayo sa trip bukas." pagkasabi niya non ay umalis na siya. Hayyy.

Instead na magfocus ako sa pangalawang video na pinakita niya, finocus ko nalang ang aking atensyon kay Mica.

Ni minsan hindi ko siya sinaktan, at eto siya ngayon muntik pa akong napahamak sa ginawa niya. Oo introvert ako, pero hindi ibig sabihin non na hahayaan ko nalang yung ginawa niya sa akin. Over my dead body, humanda ka sa akin Mica.

Diniall ko ang number ni Dash. Yes, may cellphone na siya dahil binili siya ni Tita. In case daw na kailanganin.

Ilang ring lang ay sinagot na niya agad ang tawag. Azul: [Dash? Pwede ka ba ngayon?]

Ilang minuto lang ay nakarating na si Dash, "Anong meron? at pinapunta mo ako dito?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Mica. Alam ko malapit lang yung bahay nila sa park.

"Ano ang plano mo niyan?" takang tanong ni Dash.

Tumingin ako sakaniya ng nakakaloko "I will teach her a lesson. We will prank her" kumunot ang noo ni Dash.

Nasa tapat na kami ng isang malaking bahay. Eto na iyon. Ang bahay ni Mica

"Papasok tayo sa kwarto niya at gagawa ng isang nakakalokong plano" sabi ko habang kumikindat sakaniya. Tumawa ng malakas si Dash.

"Anong nakakatawa?" takang tanong ko.

Gosh, ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganoon si Dash. He looks so adorable! "You look really cute" sabi niya. My heart skips a beat.

Lumikod ako sakaniya para hindi niya makita ang pagpula ng aking pisngi. "May puno doon! Pwede tayong umakyat diya para makapunta sa kwarto ni Mica!" turo ko sa malaking puno.

Nagtulungan kami ni Dash para makaakyat sa malaking puno, sa gitna ng aming pagakyat, biglang nadulas ang aking paa sa dahilan para muntik na akong mahulog mula sa baba. Buti nalang at naging maagap si Dash at nasalo niya ako.

Nagtama ang aming paningin ng ilang segundo bago ko inalis ang tingin sakaniya.

"Natutulog na ba siya?" tanong ni Dash sa akin. Nasa kwarto na kami ni Mica ngayon.

"Huwag kang maingay Dash. Diyan kalang" bulong ko. Mahirap na at baka magising siya, mapurnada pa ang plano ko.

Lumapit ako sa tabi ni Mica na ngayon ay mahimbing ng natutulog at humihilik pa. Dahan dahan kong inilabas ang aking lipstick, buti nalang at lagi kong dala ito.

Dinrawingan ko ang mukha ni Mica ng kung ano ano. Hindi man lang siya nagising habang dinedecorate ko ang kaniyang mukha. Pinipigilan ko ang aking tawa dahil baka magising siya.

Nang matapos na ako ay kinuha ko ang aking cellphone at pinicturan siya. Sikat si Mica sa school at kasama siya sa cheerleading squad. Ano nalang kaya ang sasabihin ng mga estudyante sakanya kapag nakita siya ganito na may drawing ang mukha at nakanganga ang bibig?

Gusto kong makita ang reaksyon niya kagising niya. Panigurado magsisisigaw siya! Haha "Tapos na!" sigaw ko.

"Sinong nandiyan?" nanlaki ang mga mata namin ni Dash. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ito.

"Run!" sigaw ni Dash bahang tumatawa.

-
This chapter is dedicated to user54418939 thank you for reading ❣

A/n: Ano sa tingin niyo dun sa pangalawang video?

Don't forget to leave a comment and press the star icon down below 🖤

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon