Chapter 4

696 229 199
                                    

Halos kalahating oras din ang biyahe namin papunta sa mansion ni Tita Lany. Yes, may mansion ito pero malungkot dito dahil wala siyang ibang kasama kung hindi ang kaniyang mga katulong. Ewan ko ba sa kaniya at hindi pa siya nag aasawa, nasa tamang edad naman din siya.

Pinagbuksan kami ng gate ng isa sa mga katulong. “Tuloy po kayo Miss Azul” tumango ako sakaniya at dumeretso na sa loob, tahimik lang ang kasama ko.

Pagkakita ko kay Tita Lany agad akong bumeso sa kaniya. “Tita, eto po si Dash, yung sinabi ko sayo kagabi.” Namilog ang mata ni Tita Lany.

“S-siya ba? Ang gwapo naman niya!” kinikilig na sabi niya. “Ngayon lang ako nakakita ng may kulay azure na buhok sa buong buhay ko!” anito. Napakamot ng ulo si Dash at mukhang nahihiya.

“Tita, wag na wag mo siyang iaalis sa paningin mo ah? atsaka wag mo sana siyang pagsabi kahit kanino pati na rin kay Mama, please” sabi ko with matching puppy eyes, nubayan mukha akong tanga.

Umirap si Tita “Ts okay! Pasalamat ka at ikaw ang pinaka paborito kong pamangkin” yiee im flattered!

Pagkatapos non ay bumalik na ako ng bahay at iniwan na si Dash sa bahay ni Tita. Naghanda na ako para sa aking pagpasok sa skwelahan.

Isang simpleng tshirt at black jeans ang suot ko.

Sinalubong ako ni Sam sa gate

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinalubong ako ni Sam sa gate. At mukhang umuusok ang ilong niya! “Azul! Hindi ba’t sinabi ko sayo na tawagan ako kapag nakauwi kana?!” sermon niya. Biglang lumamlam ang ekspresyon nito “Nagalala ako sayo babae ka! Ayos ka na ba niyan?” tanong niya sabay irap.

“Pasensya na nakalimutan kong tumawag, pero wag kang magalala. Ayos na ako ngayon” paninigurado ko sakaniya.

Pero sa ngayon, kailangan ko munang mahanap yung babaeng estudyante na nagtitinda ng antique. “Hm Sam, kilala mo ba yung babaeng nagtitinda ng Antique kahapon sa hallway papuntang clinic?” tanong ko.

“Babaeng nagtitinda ng antique? Wala e, hindi ako napadaan sa clinic e.” litong sagot niya.

Jusko saan ko kaya hahanapin yung babaeng nagtitinda ng antique?

Ringgggg

“Tara na Azul, magsisimula na ang ating unang klase.” Hinila na niya ako papunta sa aming classroom.

Zayn look at the two girls, she really likes her.

“Good morning class” masiglang bati sa amin ni Mrs. Bungay. “Papalitin ko ulit ang inyong mga seatmate ngayong araw.”

“Ms. Taylor magpalit kayo ng lugar ni Mr. Martin.” WHAAT? Kaklase ko si Zayn? Bat di ko namalayan? Tumayo si Sam at nakipagpalit ng pwesto.

“Hindi ba’t nagkita na tayo kahapon?” nakangiting tanong ni Zayn. Shett ang gwapo niya! Tumango ako sakaniya bilang pagsang ayon.

 Shett ang gwapo niya! Tumango ako sakaniya bilang pagsang ayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Okay, since ayos na ulit ang inyong seating arrangement. Umpisahan na natin ang klase.” Masungit na sabi nito.

“Lahat kayo kunin niyo ang inyong textbook at buksan niyo ito sa page 223.” Gaya ng sabi ni Mrs. Bungay binuksan ko ang aking libro.

Kating kati na ang aking kamay, gusto ko nang buksan ang game, ano kaya ang mangyayari? Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ito.

Game notification: The game will start at 9:30 a.m.

Time remaining: 3 minutes left.

“Hindi ko natanong kahapon yung pangalan mo, pwede ko ba malaman?” nahihiyang tanong ni Zayn.

“N-nicollete A-azul Adams” gosh bakit ako nauutal? At bakit ako kinakabahan?

Ngumiti ng bahagya si Zayn “Ang ganda naman ng pangalan mo”

“Class please, no talking! May naririnig akong nagbubulungan diyan!” humarap ako kay Mrs Bungay na para bang walang nangyari, playing safe.

May naramdaman akong sumusundot sa aking bewang, lumingon ako kay Zayn.

Inabot niya sa akin ang isang papel. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.

Sabay tayong maglunch? :)

Biglang kumalabog ng malakas ang aking puso.  Napahawak ako rito. Anong nangyari? Why is my heart beating so fast?

Isusulat ko na sana ang aking sagot sa kaniya ng biglang pumasok sa silid namin ang admin ng skwelahan.

“I’m sorry for interrupting your class Mrs Bungay.” Hindi ko na pinansin iyon at tinuloy ko na ang pagsagot sa tanong ni Zayn.

“May bago kayong kaklase, please introduce yourself, bilisan mo lang.” rinig kong sabi ni Mrs. Bungay.

“My name is Dash.” Nabitawan ko ang hawak kong papel. DASH?!

Tumingin ako sa bagong estudyante at hindi nga ako nagkakamali. Anong ginagawa ni Dash dito?! Sinabi ko na kay Tita Lany na wag na wag niyang iaalis sa panangin niya itong si Dash.

Nagvibrate ang cellphone ko, binuksan ko naman ito para makita ang notification.

Game is now Unlocked

Start Day 2?

A/n: Ano kayang mangyayari sa Day 2?

This chapter is dedicated to JKookiesAndCream097 thank you for reading 😘

Press the star icon down below 🌟

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon