Chapter 24

330 137 4
                                    

Dash Pov

Tama siya, kailangan kong sabihin ang lahat tungkol sakaniya.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Una kitang nakita sa kagubatan ng Cypress. Maycamping kayo non, nakita kitang magisa at handa ng atakihin ng isang mabangis na hayop kaya mabilis kitang niligtas" tandang tanda ko pa ang mga pangyayaring iyon. Ang una nating pagkikita. "Nagpakilala tayo sa isa't isa pagkatapos non"

"Ako nga pala si Dash, ikaw anong pangalan mo?" tanong ko.

Ngumiti ka sa akin kahit na natatakot ka sa biglang pagbagsak ng mabangis na hayop. "Ako si Nicollette Azul Adams, Azul for short."

"Nah, mas gusto kong tawagin kitang Coco."

"Hindi ka tulad ko hindi ba?" naguguluhan akong tumingin sayo.

"Ano?" pagmamaang maangan ko.

"Nung niligtas mo ako sa mabangis na hayop, ang bilis mo. Para kang isang kidlat. Ni hindi ko nga namalayan na nasa harap na kita at patay na yung hayop. Hulaan ko. May super powers ka no?" nakangiti mong sabi.

Natulala ako sa mga oras na iyon at the same time namangha. Hindi ka natakot sa akin.

May nagudyok sa akin na hindi maglihim sayo. Kaya sinabi ko sayo ang tunay na pagkatao ko.

Iyon ang unang beses na nafeel ko na isa pa rin akong tao sa kabila ng pagiging Black Psyker ko. Tinuring mo ako na para bang normal lang din ako na gaya mo.

"Dash, hinahanap ka na ni Mother." Lumapit si Cloud sa atin at pinapauwi na ako. "Sinabi niya na tapos na ang laro at kailangan mo nang magtraining kasama si River at Winter."

"Sige teka lang." lumapit ako sayo para magpaalam. Sa totoo lang, ayaw ko munang umalis noong oras na iyon dahil gusto pa kitang makasama at makausap ng matagal. You really amazed me.

"Masaya ako nagkakilala tayo Coco." ngumiti ka sa akin. Napakaganda mo

"Ako din, masaya ako at nakilala kita. Dalawang araw nalang at matatapos na ang camping namin. Sana ay magkita tayo ulit bukas."

Ang ganda ng mga mata mo, at hindi ako makasabi ng 'hindi' sayo kaya pumayag ako.

Tumango ako, "Same place, same time"

Niyaya ko na si Cloud na umalis ngunit nagpaiwan siya kaya, nanatili ako roon upang makinig sa usapan niyo.

"Hindi pa ako nakakita ng babae na kasing ganda mo." ani Cloud.

"Hm, salamat?" you awkwardly said.

"Sana ay makita muli kita."

It wasn't love at first sight for me, pero kay Cloud oo. Una kaniyang minahal.

Sumapit ang oras ng pagkikita natin kinabukasan, hindi ko alam pero excited ako at kabado na makita ka.

Nang makarating ako sa lugar kung saan tayo dapat magkikita nabigla ako ng nakita kitang nakahandusay at walang malay.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakita kitang mayroong sugat at duguan ang noo.

"Coco?!"

Kung hindi ako nagkakamali, maaaring nadulas ka at bumagsak ang iyong ulo sa malaking bato na nasa tabi mo.

Natakot ako dahil sa sitwasyon mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero napagdesisyonan kong iuwi nalang sa bahay at doon ka gamutin.

Mother has the healing gift. Kaya nasisigurado ko na kaya kaniyang gamutin.

Pero... Noong nagkamalay ka.

"Coco, mabuti nalang at nagkamalay ka na! Kapag tuluyan ka nang gumaling ihahatid na kita sa inyo. Saan ka nakatira?"

Kitang kita ko ang lito sa iyong mga magagandang mata.

"H-hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ako nakatira." naguguluhan mong sabi.

Nagkaroon ka ng short amnesia, dahil na siguro sa pagkaumpog ng ulo mo sa malaking bato.

Wala kaming ibang choice kaya pinatira ka namin sa bahay, habang hindi pa bumabalik ang ala ala mo.

Time pass by so fast. Dumating ang araw na hindi ko inasahan. I fell in love with you. Habang tumatagal mas lalong nahuhulog ang loob ko sa iyo.

Abo't langit ang saya ko noong nalaman kong parehas pala tayo ng nararamdaman. Soon, naging tayo. At masasabi kong halos perpekto ang ating relasyon. Ni hindi nga tayo mapaghiwalay.

"Lagi na lang si Dash. Si Dash. Si Dash! Inagaw na nga niya ang aking ina ngayon si Azuk na naman? Hanggat nandito si Dash mananatili akong parang wala lang sa pamamahay na ito! Ipapakita ko sa kanila na kaya ko! Na mas higit ako kay Dash!"

At doon nangyari ang pagttraydor ni Cloud. Iniwan niya ang kaniyang pamilya at kinalaban kami. Kung magtatanong ka, oo hindi ko tunay na kapatid si Cloud.

Hindi nagtagal at unti unti na ding bumabalik ang iyong mga alaala. Pero hindi ka inayahan ni Mother na umalis.

"Ngayon at alam mo na ang tungkol sa amin, tungkol sa tunay na pagkatao namin. Hindi ka na maaaring umalis."

"P-pero hindi ko pwedeng iwan at hayaan nalang ang aking Mama. Panigurado akong nagaalala at hinahanap na ako non simula ng dumating ako dito... Please! Pinapangako ko na hinding hindi ko ipagsasabi kanino man ng tungkol sa inyo"

"Wala akong tiwala sa iyo."

"May naisip akong paraan para masigurado niyo na hindi ko ipagsasabi sa iba ang tungkol sa inyo"

You proposed this crazy idea and suprisingly, Mother agreed to it.

"At ano naman ang ideyang iyon?" litong tanong ni Azul.

"Gusto mo n-" "AHA! NAKITA KO DIN KAYO!" parehas kaming nagulat ni Azul sa biglang pagdating nung lalaking humahabol sa kaniya kanina.

"AKALA NIYO BA AY HINDI KO KAYO MATATAGPUAN?!" nangigigil na sabi ng lalaki.

Nanlaki ang aking mga mata ng tinutok ng lalaki ang baril niya kay Azul. "PINAGBANTAAN NA KITANG BABAE KA!"

Lumapit ako kay Azul at bumulong "Humawak ka ng mabuti sa akin"

Tumango siya, ramdam ko ang takot sakaniya, Everything's gonna be alright baby. I wrapped my hands around her waist, ready to teleport but

Bago pa kami makaalis ay umalingaw-ngaw na ang tunog ng baril sa tahimik na gubat.

-
A/n: Sorry for super late update. Nilamon na ako ng meteor garden at kung ano ano pang movies!

So here's the update. Sa mga naghihintay eto na po. Sana magustuhan niyo :) -Luv, kbluescript💙

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon