Chapter 17

386 168 33
                                    

Zayn Pov

Nasa tabi lang ang aking mga kaibigan at nanonood. Natawagan ko na rin si Azul.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko ito, dahil wala naman talaga akong gusto kay Azul. Ipapakita ko sakanila na hindi ang tulad ni Azul ang aking mga tipo para hindi nila ako pagtawanan.

"Zayn?" lumingon ako sa babaeng nagsalita. Andito na pala siya.

"Hello" sabi ko sabay ngiti. Let's do this! "Alam mo nitong mga nakaraang araw. Parang mag ang weird nag feelings ko kapag kasama kita" I look at her brown eyes. "Lagi kang nasa isip ko mapaumaga man yan o gabi."

Nakatingin lang siya sa akin, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil blanko ito, "Natatandaan mo ba noong una tayong nagkita?" tanong ko sakaniya

"Ibig mo bang sabihin ay noong nasagi mo ako at nahulog yung Locket ko?" tanong niya.

Marahan akong umiling, "No, hindi iyon ang una nating pagkikita." lumapit ako sakaniya at hinawakan ko siya sa kamay. "Una tayong nagkita dito sa Park, noong mga bata pa tayo. Tinulungan pa kita noon sa mga batang nambubully sayo"

Azul pov

Namilog ang aking mga mata, "Natatandaan mo?" gulat na tanong ko sakaniya. Natatandaan niya?

Tumango naman si Zayn. "Noong una hindi ko maalala kasi mga bata pa naman tayo noong una tayong nagkita, pero dahil lagi kang nasa isip ko dahan dahang bumalik yung mga alaala sa akin. Hinding hindi kita makakalimutan Azul" sabi niya habang nakatingin lang sa aking mga mata.

It looks and feels like real. Parang totoo ang bawat salita niya. Lumukot ang aking mukha, kung hindi ko lang alam, siguradong maniniwala ako. Bakit Zayn? Bakit kailangan mong gawin sa akin ito?

Mas lalong lumapit sa akin si Zayn, sobrang lapit. He cupped my face and he started kissing me. Hindi ako makapalag, pinikit ko ang aking mga mata. Eto na, everything will fall apart after this.

Humiwalay ako sakaniya at ngumiti, play cool Azul kahit nasasaktan kana. "Azul, pwede ba kitang maging girlfriend?" nakangiting tanong niya.

Pinangarap ko ito, pinangarap ko na sana isang araw tanungin ako ni Zayn kung pwede ba niya akong maging girlfriend, simula nang nalaman ko na may gusto pala ako sakaniya.

Pero heto nga't nangyayari na ang pangarap ko, pero sa ibang paraan naman. He doesn't love me. Ginagawa niya lang ito para saktan ako. "Azul?" pagkuha niya sa atensyon ko. I was drowned with my thoughts.

Huminga ako ng malalim, kailangang hayaan ko siyang saktan ako. Hindi ko din naman mapipigilan ito. Kahit na sabihin kong 'hindi' hindi din naman ako hahayaan ng game na hindi masaktan. I was meant to hurt, so be it. Minsan kailangan mong tanggapin yung mga mahirap na nangyayari sa buhay mo, para maging malakas ka. Hindi na ako tatakas.

I smiled at him, a fake smile one. "Yes, oo payag akong maging girlfriend mo!" masigla kong sabi.

Katahimikan, naging tahimik ang paligid sa pagitan naming dalawa. Lumayo ng kaonti sa akin si Zayn.

Tumingin siyang muli sa aking mga mata, "Azul, joke lang to. H-hindi talaga kita gusto. At talagang naniwala ka? Ang isang mayaman at sikat na tulad ko? Magkakagusto sa isang tulad mo?" tumawa siya ng malakas, tinignan niya ako na para bang diring diri siya sa akin.

Alam kong mangyayari ito, pero tangina! Ang sakit! Tagos hanggang bone marrow! Naramdaman kong may mainit na likido na naglalandas sa aking pisngi. Hindi ko kaya ito! This pain, it seems my heart was wrecked. Binigyan ko ng pekeng ngiti si Zayn, sana masaya ka sa ginawa mo. Tumakbo ako papalayo sa lugar na iyon, papalayo kay Zayn.

 Tumakbo ako papalayo sa lugar na iyon, papalayo kay Zayn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*ring ring

Sinagot ni Zayn ang tawag mula sa kaibigan niyang si Sean. [Congrats brad! you did it! Panalo ka sa Dare Game natin. Pangako brad, kadating ni Sam galing ng ibang bansa magiging sayo na siya] bago niya naend kang call may biglang sumuntok ng malakas sa mukha niya. Its Dash.

Nakita niya lahat. Nakita ni Dash ang paghahalikan nila at nakita niya din kung paano dinurog ni Zayn ang puso ni Azul

Napaupo si Zayn sa sobrang lakas ng suntok ni Dash, "Masaya kana? Masaya ka na ba at nasaktan mo siya?!" Dash is furious at this moment. He wants to kill Zayn!

Dash smirked, "Hindi ko alam na ganyan ka pala kababa Zayn! Alam mo ba yung natanggap mong limited edition na video game noong birthday mo? Hindi iyon galing kay Sam! Galing iyon kay Azul!" nanlaki ang mga mata ni Zayn. Tumayo siya sakaniyang pagkakaupo. Naguguluhan siya.

"Nagsinungaling siya sayo dahil hindi man lang nangiwan ng regalo sayo si Sam hindi ko nga alam kung may pake ba si Sam sayo nung mga oras na iyon e... Dahil mabait itong si Azul at ayaw kang maging malungkot sa birthday mo sinabi nalang niya na galing kay Sam ang regalo. Nagsinungaling siya kasi gusto ka niya! Nagsinungaling siya dahil may pakealam siya sa mararamdaman mo!"

"At alam mo ba? Muntik ng mapahamak si Azul sa putangin*ng video game na iyan!" tumalikod si Dash kay Zayn "Hindi ko alam kung anong nakita ni Azul sayo. Hindi mo deserved yung pagmamahal niya." pagkasabi niya noon ay umalis na siya.

Naiwan si Zayn na tulala, he's such a jerk! Bakit niya ginawa iyon?!


Gabi na at paligoy ligoy pa din si Azul sa daan. She's hurt at kailangan niyang mapagisa sa mga oras na ito. Kailangan niyang magisip isip.


Tumatawid siya sa daan ng biglang may malaking truck na humaharurot, hindi niya ito napansin dahil sa sobrang bilis ng truck. "Azul! Watch out!" sigaw ng pamilyar na boses.

Naramdaman niyang may humawak sa baywang niya. At naging mabilis ang mga pangyayari, dahil natagpuan nalang niya ang sarili na nakahiga sa malamig na daan malayo kung nasaan siya kanina.

Tumayo siya, buhay at walang kahit anong sugat. Nalilito siya, anong nangyari? Teka lang, narinig niya ang boses ni Dash kanina. Inilibot niya ang paningin sa buong kalye pero walang Dash ang naroon. "Dash, andyan ka ba?!"

A-anong nangyayari?!

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon