Chapter 9

505 199 39
                                    

"Pwede ba akong pumasok?" malumanay na tanong nito. Ghadd! Eto na yun! Magtatapat at hahalikan ako ni Dash.

Bubuksan ko ba ang pinto at hahayaan ko na gawin niya ang binabalak niya? Kahit alam ko kung ano ang pakay niya?

"Azul, tulog ka na ba?" muling tanong nito habang kumakatok sa aking pinto. Anong gagawin ko? Shet.

Huminga ako ng malalim. Hindi ako hahalikan ni Dash. Hindi ako hahalikan ni Dash. Huwag kang magpanik Azul, hindi ka hahalikan ni Dash.

Pilit na inuulit ko iyon sa aking isip na para bang isang sirang plaka. Buksan mo na ang pinto Azul, hindi ka hahalikan ni Dash. Maliwanag?

Lumapit ako sa pinto at pinihit ito. Bumulaga sa akin ang napakagwapong mukha ni Dash. His azure hair and deep blue eyes really fascinates me.

Tumalikod ako sakaniya para hindi niya makita ang kaba na namumutawi sa akin ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tumalikod ako sakaniya para hindi niya makita ang kaba na namumutawi sa akin ngayon. "Hm, a-anong m-meron at bakit nandito ka? D-diba may sasabihin ka? A-ano yon?" nauutal na tanong ko. Ogosh. Umaayos ka nga Azul! Baka pagkamalan kang weird ni Dash.

Naramdaman kong hinaplos niya ang aking balikat. "Alam ko may tinatago ka at kitang kita ko nahihirapan kana. Huwag mo namang kimkimin yung problema mo" bigla akong napaharap sakaniya. P-paano niya nalaman?

"Mali ka hm wala naman akong tinatago, at wala naman akong problema" sabi ko. Kailangang kong maging kapanipaniwala kaya nginitian ko siya at sana lang ay hindi niya mahalatang peke iyon.

"Sigurado ka ba?" tanong niya muli. Lumapit siya sa akin. Sobrang lapit. Nagtama ang aming paningin at parang nangungusap ang kaniyang kulay asul na mga mata. "Hindi mo naman kailangang itago ang mga nararamdaman mo Azul. Huwag mong sarilinin ang problema mo. Kung kailangan mo ng taong makikinig sa iyo nandito lang ako para sayo"

Kitang kita ko ang sinseridad sa kaniyang kulay asul na mga mata. "Hindi ka nagiisa Azul, tandaan mo nandito lang ako bilang... Kaibigan mo. Yun ang gusto kong sabihin sa iyo."

A tear slid down to my cheeks. And another, then another tear. Hinila ako ni Dash palapit sakaniya at niyakap ako ng mahigpit. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na humahagulgol sa kaniyang dibdib.

Ang pressure ko sa paglalaro ng game, ang takot ko sa pakikisalamuha sa ibang tao, bigla kong naisip lahat ng iyon. Reality really sucks. Hinayaan ko ang sarili ko na iiyak lang ang mga problemang kinakaharap ko ngayon.

Hinahaplos ni Dash ang aking likod na para bang pinapatahan ako. "Kapag handa ka ng mag open, nandito lang ako para makinig sa iyo" tumango ako.

Nagpapasalamat ako at nandito si Dash. Isang misteryosong lalaki na bigla nalang sumulpot sa buhay ko ng walang pasabi. Hindi ko maiwasang hindi magtanong ng mga bagay bagay. Ano kaya ang tunay niyang katauhan? Saan siya galing? At mawawala din kaya siya isang araw?

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon