Chapter 19

406 150 16
                                    

-Day 9

"Azul, look who's back?" tanong ng pamilyar na boses sa kaniya. Lumingon siya sa nagsalita at nabigla si Azul ng makita kung sino iyon.

"Sam!" agad niyang niyakap ang kaibigan. She really miss Sam so much! Mukhang napaaga ata ang pagbalik ng kaibigan galing sa vacation trip.

"Kamusta ka naman habang wala ako?" natatawang tanong ni Sam.

"Eto buti nakasurvive ako!"

"Hm, may chika ka ba sa akin niyan?" nangaasar na tanong nito.

"Azul" napalingon silang dalawa sa nagsalita. Nagbago ang ekspresyon ni Sam, at mukhang nainis nang makita si Dash,

"Sige una na ako" pagkasabi ni Sam non ay umalis na siya ng hindi sila nililingon. Anong problema?

"Siya ba yung bestfriend mo?" tanong ni Dash. Tumango tango si Azul. "Mukhang ayaw niya ako." sambit nito.

"GOODMORNING class, ipapaalala ko lang sa inyo ang Grand Ball bukas ng 7pm" sabi ni Mrs. Bungay bago umalis na classroom.

Nagsimulang nagbulungan ang mga estudyante, lahat halos sila ay excited sa gaganaping Grand Ball bukas ng gabi.

"Hm Azul?" napatingin si Azul sa katabi niyang si Zayn na tumawag sakaniya "Hm, pupunta ka ba bukas?" nahihiyang tanong ni Zayn habang kamot kamot ang ulo.

Nagkibit balikat lang si Azul, "Hindi ko alam."

"Kung pupunta ka pwede ba kit-" hindi na natapos ni Zayn ang sasabihin niya ng biglang tumunog ng malakas ang school bell. Mabilis namang umalis si Azul at hindi na hinintay ang sasabihin nito.

MAGkasabay si Dash at si Azul na kumain ng lunch. Halos bukambibig pa din ng mga estudyante ang tungkol sa Grand Ball. Sino ba namng hindi maeexcite roon?

"Hm, t-tungkol sa Grand Ball? Gusto mo bang ano, ahm sumama sa akin?" tanong ni Dash kay Azul, kumunot naman ang noo ni Azul dahil hindi niya maintidihan ang ibig sabihin ng binata.

"Be my date, Azul" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ni Azul, malugod namang tumango ang dalaga at tinanggap ang alok ni dash.

Mabilis natapos ang araw at maguumpisa na ang ikasampong araw. Ang huling araw ng Love Game.

-Day 10

Azul Pov

Ang sabi sa game instructions, ang Love Game ay matatapos na ngayong araw. Ang ibig sabihin non, bukas ay magiging malaya na ako sa nakakatakot na larong ito.

7:30 pm maguumpisa ang last game, so ngayon kailangan ko munang mag ayos para sa grand ball na gaganapin mamaya.

Formal ang theme ng ball, at ready na din ang aking susuotin na pinadala pa ni Tita Lany sa akin.

Formal ang theme ng ball, at ready na din ang aking susuotin na pinadala pa ni Tita Lany sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon