Chapter 26

360 135 6
                                    

"Nakikita mo ang hinaharap, hindi ba?" tanong ni Azul kay Sarah. Na agad naman ikinatango ng ginang.

"1st of July, 2018" ani Azul.

Nalilitong tumingin si Sarah kay Azul, "Ano?" tanong nito habang magkasalubong ang kilay.

"Nacucurious lang ako kung anong mangyayari sa akin sa ika una ng Hulyo" puno ng kuryosidad na sabi ng dalaga.

"Hm, 3 months from now?" naguguluhang tanong ni Sarah habang nakatingin sa chandelier na nakasabit sa magarbong kisame ng bahay.

"Alam mo ba kung anong mangyayari sa araw na iyon?" tanong ulit ni Azul pagkatapos ay hinawakan ang baba.

"Hmm..." taimtim na nagisip ang ginang.

"Sabihin mo. Sabihin mo ang mangyayari sa akin sa susunod na sampong araw mula sa 1st of July" pangungulit ni Azul.

"Hindi ko maintindihan, at bakit? Bakit gusto mong malaman ang mangyayari sayo sa susunond na sampung araw magumpisa sa July 1?" takang tanong ni Sarah na animoy nagdududa na sa pinapagawa ng dalaga.

"Sinabi ko na. Gusto ko lang malaman, atsaka nacurious lang ako sa maaaring mangyayari sa akin sa araw na iyon. Ayaw mo bang makita kung hanggang saan ang kaya ng iyong special gift? Kung hindi ako nagkakamali, hindi mo pa nasusubukan to. Ayaw mo bang maexplore yung kakayahang meron ka Sarah? O baka naman takot ka lang na hindi mo kaya? At takot na mapahiya sa akin dahil hindi ganoon kalakas ang gift na meron ka?" paghahamon ni Azul. Sandali pa silang nagtinginan ng magsalita si Sarah.

"Gawin na natin to." mayabang na sabi ng ginang.

Alam niya sa sarili niya na kaya niya iyon. It's just a piece of cake. Hindi niya hahayaan na maliitin lang siya ng isang hamak na mortal.

"Guys masaya ako na nakilala ko kayo. Kahit isang taon pa lang tayong magkakasama feeling ko ay isa na din ako sa inyo, dahil hindi niyo ako tinuring na iba, bagkus ay tinurin niyo ako na para niyo nang nakababatang kapatid." Ani Azul kina River at Winter.

Narito ngayon sila sa garden ng bahay, napagpasyahan kasi ni Azul na opisyal na magpaalam sa dalawa. At may plano pa ito na dapat maisakatuparan bago tuluyang mawalan ng memorya.

"Walang anuman, Azul. Masaya rin kami na nakasama ka namin sa loob ng isang taon. Hindi ko talaga magets si Mother, bakit ba kailangan pang humantong sa ganito na kailangan mong ipatanggal ang memorya mo" Malungkot na sabi ni Winter.

Tinuring niya si Azul bilang kaniyang kapatid kaya may kirot din sa puso niya ngayong aalis na ito. Kung maaring lang ay magstay pa ito sakanila ngunit hindi na pwede dahil may ina pa itong kailangang balikan.

Lumingon si Azul kay River. "River, alam kong isa kang henyo. Marunong ka bang gumawa ng mobile game?"

Nanlaki ang mga mata ni River na mukhang nagulat sa tinuran ni Azul, "Game?!" nagisip ng bahagya si River, "Hm, susubukan ko. Hindi naman siguro mahirap iyon."

"Ganito ang gagawin mo..." sinabi ni Azul ang lahat ng detalye tungkol sa game na gusto niyang ipagawa kay River. This will be tough, but she know that it will be worth it.

"So iyon ang naging plano mo. Una, sinabi mo kay Mother na alisin ang lahat ng iyong memorya sa taon na iyon. Pero ang totoo, alam mo na iyon lang ang tanging paraan upang pakawalan ka niya" ani Dash.

"Pero hindi ko ginusto na kalimutan ka pati na din si Winter at River." Tumango tango si Dash. "So, niloko mo lang si Mother upang sabihin niya sayo ang mangyayari sa loob ng sampong araw na iyon?" nagkibit balikat lang si Azul.

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon