Chapter 10

474 196 30
                                    


Hingal na hingal ako ng makarating ako sa malaking mansyon na pagmamayari nina Zayn. Marami rami ang mga dumalo sa kaniyang birthday party buti nalang at malawak ang kanilang bakuran. Sobrang lakas din ng mga kalabog na nanggagaling sa mga malalaking speaker na nakahilera sa bandang side ng pool. Yes, a pool party indeed.

Naabutan ko si Zayn na abala sa pakikipagusap sa kaniyang mga kaibigan. Kumaway siya sa akin nang makita ako, agad naman siyang lumapit sa akin. "Oh Azul, anong nangyari sayo?" tanong niya.

"Teka lang, hinihingal ako." sabi ko. Tumango naman siya. Huminga ako ng malalim at "Zayn! Please! Tumawag ka ng taong titingin sa electric circuit ng mansyon" naguguluhan siyang tumingin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo niyang tanong.

Sa game, ang naging sanhi ng sunog ay ang mga faulty electric wires. Siguro parehas naman ang magiging sanhi ng sa game pati sa reality diba?

"Please, please do it." pagmamakaawa ko sakaniya. "Ayaw mo naman sigurong magkaroon ng sunog ngayon sa Birthday party mo, diba?"

Napahawak si Zayn sa kaniyang sentido. "Buti nalang at namention mo ang mga elecric wires, sa pagkakatanda ko matagal na noong tinignan ang electric circuit"

Inilabas ni Zayn ang kanyang cellphone at may dinial ito. Zayn: [Put butler Mario on the line] maawtoridad niyang sabi, ay shocks. Mayaman talaga siya may pabutler pa.

[Yes young master]

Zayn: [Butler Mario, I want you to check on something right now...]

Bumaling muli sa akin si Zayn pagkatapos nang tawag, "Pinatingin ko na ang mga electric wires" sabi nito.

Luminga linga siya sa paligid at mukhang may hinahanap, biglang lumukot ang kaniyang ekspresyon "Hindi ba pupunta si Sam?"

Luminga linga siya sa paligid at mukhang may hinahanap, biglang lumukot ang kaniyang ekspresyon "Hindi ba pupunta si Sam?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses. Hindi man lang nangiwan ng birthday gift okaya naman mensahe si Sam para kay Zayn.

Zayn's face suddenly light up "May iniwan ba siyang mensahe?" nakangiting tanong niya.

Tumaas ang dalawa kong kilay. Kapag sinabi kong wala, sigurado ako na masasaktan siya at masisira ang kaniyang araw. At ayaw ko naman iyon, deserved ni Zayn na maging masaya sa kaniyang kaarawan.

Kinuha ko sa bag ang regalo ko sakaniya. "Regalo mo ba iyan sa akin?" masayang tanong niya. Say yes Azul, sabihin mo na muntik ka nang mapahamak mabili mo lang ang regalong iyan. At sabihin mong may gusto ka sakaniya...

Maraan akong umiling. "H-hindi. Actually, galing to kay Sam, hindi na siya makakapunta ngayon dito kase inaasikaso niya ang mga gamit niya para sa flight niya mamayang umaga. Pinapabigay niya nalang ito" pagsisinungaling ko. "Buksan mo"

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon