Chapter 25

368 137 6
                                    

Azul Pov

“Dash! M-may d-dugo ka!” nababalot ng dugo ang kaliwang braso ni Dash.

“Hindi ako agad nakapagteleport. Kaya natamaan ang aking braso” anito habang hawak hawak ang braso niya na para bang hindi iniinda ang sakit. 

“T-teka lang! Diyan ka lang tatawag ako ng tulong!” histerikal na sabi ko.

“Huwag!” hinawakan ni Dash ang aking kamay upang pigilin sa anumang gagawin ko.

Lumapit ako sa kaniya at pinaupo sa upuan. Teka lang? Nasaan ba kami? “Dash kailangang magamot ang sugat mo, madami na din ang dugong nawawala sayo!” sigaw ko. Bat ba ang tigas ng ulo ng lalaking to?

Umupo ako para magkapantay kami. Hinaplos ko ang kaniyang mukha “Please, hayaan mo akong humanap ng tutulong sayo.”

Umiling ng maraan si Dash, ngayon halata na sa mukha niya ang sakit galing sa sugat niya. “Hindi... ko hahayaang... maalis ka muli sa paningin ko. Atsaka wala kang makikitang ibang tao dito sa bahay dahil lahat sila ay ... nakikipaglaban.”

Nanlaki ang aking mga mata “Laban? Laban kay Cloud ba?!” tanong ko. Mabilis namang tumango si Dash.

Tumingin ako sa sugat ni Dash. “Dash, basang basa ng dugo ang damit mo. Kailangan na talaga nating ipagamot yan” malumanay kong sabi.

“Hindi ako mamamatay Coco. Black Psyker ako, wag ka nang mag alala.” anito at hinalikan ako sa aking noo.

“Dash naman! Eh ngayon kung Black Psyker ka?”

Ngumiti siya ng kaonti, “Ang cute mo!” sabi nito sabay pisil sa aking pisngi “Kusang maghihilom ang sugat sa aking katawan. Ang kailangan ko lang ay pahinga, oras at... Ikaw nanlaki ang aking mga mata. Anong pinagsasabi ng lalaking ito?

Lumapit siya sa akin. Tumayo ako at lumakad ng paurong sa kaniya. “H-hoy, anong g-ginagawa m-mo?” nauutal kong tanong.

Hindi niya ako sinagot at patuloy lang siya sa paglapit sa akin. Goodness, nababaliw na ba tong lalaking to?

Sumandal na ang likod ko sa malamig n pader. “Wala ka nang katakas ngayon” anito habang malapad ang ngiti.

“T-tumigil ka ah!” sigaw ko. Inilapit niya ang kaniyang mukha. Is he going to kiss me?

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil naduduling na ako sa sobrang lapit niya.

Ilang segundo din akong nakapikit ng marinig ko siyang tumatawa. “Akala mo ikikiss kita no? Haha!”

Damn you Dash! Tinakpan ko ang aking mukha dahil sa kahihiyan. Jusko po! “Huwag kang magaaalala sa susunod hahalikan na kita.” anito sabay kindat. Omaygad!

Naglakad si Dash papunta sa hagdan “Tara samahan mo ako sa aking kwarto. Mayroong first aid kit don.” anito habang tatawa tawa pa din.

“Ts pasalamat ka at may sugat ka kung hindi kanina pa kita binugbog!” sabi ko sabay irap.

“Pero walang halong biro. Lalo kang gumaganda kapag nagaalala ka.” tumingin ako sakaniya. “Aray!”

Mabilis akong lumapit sa kaniya. “Saan masakit?!” tanong ko.

Tinuro ni Dash amg kaniyang labi. Wtf? “Dito oh!” anito saka tumawa.

Hinampas ko siya sa kabilang braso na walang sugat. “Aray hahaha!” seriously?  Ganyan na nga ang kalagyan niya nagawa niya pang magbiro!

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon