Chapter 31

339 129 2
                                    

10 years ago


Dinala ni Sarah ang batang lalaki sa kanilang pamamahay, halos maligo na ito sa kaniyang sariling dugo. Marami rin ang sugat na natamo nito. Mabuti nalang at agad itong nakita at nasagip ni Sarah sa isang Black Psyker na tumangka sa buhay nito, ngunit sana ay hindi pa huli ang lahat para sa batang lalaki.


"Leandro! Bakit ang tagal mo?!" natatarantang bungad ni Sarah sa kakarating lang na lalaki. 


Agad na lumapit si Leandro sa batang lalaki "Hindi naman ako isang teleporter Sarah!" 


"Kailangan mong pagalingin ang batang ito ngayon din!" utos ni Sarah. Mabilis na tumango ang lalaki.


Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala, hindi pa din nagkakamalay ang batang lalaki, ginawa na ni Leandro ang lahat ngunit hindi niya ito mapagaling gamit ang healing gift nito. Marami na rin ang nawalang dugo sa bata.


"Alam mo namang hindi siya tulad natin hindi ba?" tanong ni Leandro kay Sarah na mabilis niyang ikinatango.


"Marami na ang dugong nawala sa kaniya, hindi ko na siya kayang pagalingin. He's dying!"  anang lalaki.


"No! Isa kang healer! Kailangan mong subukan pa! Bata pa siya at marami pa itong magagawa sa buhay niya." naiiyak na sabi ni Sarah. Gusto niyang mabuhay ang bata kahit pa hindi niya ito kaano ano. 


Umiling iling si Leandro, "Sarah dumating na ang oras ng batang ito, may limitasyon din ako bilang isang healer. Hindi ko na masasalba pa ang buhay niya." malungkot na turan nito.


"Kasalanan natin ito" nanghihinang bulong ni Sarah. Sinisisi niya ang sarili niya at bilang isang pagiging Black Psyker niya dahil sa kanila nadadamay pati ang mga inosenteng tao. May mga black psyker na masyadong gahaman na sa kanilang sarili at gagawin ang lahat upang mabuhay lang sila ng matagal at para maiwasan na din ang sakit na minsan nang nagpabagsak sa lahi nila. That boy doesn't deserve this, not in his young age.


"Hindi ko man siya kayang pagaling, pero meron pa akong isang alam na paraan na kailangan nating subukan" ani Leandro, nagliwanag ang mukha ni Sarah. 


"Kung iyon lang ang paraan upang mabuhay siyang muli, gawin na natin." malakas na loob na sabi ni Sarah, she will do anything for this young boy mabuhay lang ito.


"Sigurado ka ba?" tanong muli ng lalaki. Muling tumango si Sarah. Kailangan nilang magtake ng risk sa batang ito. Pwedeng maganda o di naman kaya'y hindi ang magiging kakalabasan nito. She will accept it, ang importante ay ginawa nila ang lahat upang mabuhay lang ito. 


"Sarah, ang paraan lang upang mailigtas natin ang batang ito ay ang gawin siyang tulad natin."


Namilog ang mga mata ni Sarah, posible ba iyon? "Ano? Pero paano?" naguguluhang tanong nito.


"Kailangan nating gawin ang transformation ritwal. Gagana lang ang ritwal na ito sa isang mortal na malapit ng mamatay. At kailangan ko ng gawin ito ngayon bago pa tuluyang mamatay ang bata" pagkasabi non ni Leandro ay inumpisahan na niya ang ritwal. 

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon