Chapter 23

374 142 1
                                    

Ang lamig. At sa sobrang lamig, nangingig na ang buong katawan ko.

Tumayo ko sa aking pagkahiga. Nakakulong ako ngayon sa isang selda na sobrang lamig at dumi. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito.

Pero isa lang ang nasisigurado ko. Hindi lang ako ang tao dito.

Inipon ko ang aking buong lakas para sumigaw, “Palabasin mo ako dito! Alam kong nandiyan ka lang Cloud! Magusap tayo! Wag mo akong ikulong sa marumi at malamig na selda na ito!”

May lalaking lumapit sa akin. Sino ba to? “Manahimik ka diyan! Iniistorbo mo ang tulog ko!” gigil na sigaw nito sa akin.

“Sino ka?!” tanong ko.

Nagkibit balikat siya, “Ako si Sandro. Inutusan ako ni Master Cloud na bantayan ka, so ako'y isang katiwala niya.”

Umirap ako, hanubayan? Tauhan? Lols.

“Nasaan si Cloud?” masungit kong tanong.

“Busy siya para sa laban ngayong gabi.” anito. Wait anong laban?

“L-laban? Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko.

“Hindi mo ba alam? Ngayong gabi ang Red Moon. Ito ang gabi kung saan nagigising ang lahat ng mga mahika at spells. Ngayon isasakatuparan ni Master Cloud ang Dark Spell, pagkatapos non siya na ang magaari sa lahat ng mga Black Psyker.” B-black Psyker? Teka lang kakampi ba ito ni Dash o kalaban?!

Ang akala ko ay lumipas na ang isang araw, ngunit nagkakamali ako. Hindi pa tapos ng Red Moon!

“Anong nangyayari dito?!” sigaw ng lalaking dumating. Kumpara sa kausap ko kanina, mas malaki ang katawan nito at mukha ding nakakatakot.

“Ito kaseng babaeng to! Ang ingay nagising tuloy ako!” bwiset na sabi ni Sandro.

“Tawagan niyo nga si Cloud, sabihin niyo kailangan naming magusap! Ngayon din!” lumapit sa akin yung lalaking dumating, hindi na ako nakapagreact ng bigla niya akong sampalin. What the heck?

Hawak hawak ko ngayon ang aking pisngi. Parang namanhid ang buo kong mukha. Gagu ba siya?

“At sino ka sa tingin mo para utusan kami? At para papuntahin dito si Master?!” halos mabingi ako sa sigaw niya.

“Darating din si Master Cloud pagkatapos ng laban! Kaya maghintay ka diyan!!” sigaw nito, bago tuluyang  umalis sa loob ng selda.

Gusto kong suntukin ang pangit na lalaking iyon! Nakakainis siya. Sino ba siya para sampalin ang maganda kong mukha? Mukhang may germs pa naman ang kamay niya, ewww. Penge alcohol!

“Black Psyker din ba kayo?” tanong ko sa lalaking nagbabantay sa akin. Mukhang mabait naman ito kumpara sa lalaking nanampal sa akin.

Marahan siyang umiling, “Mortal din kame, gaya mo. Binayaran lang kami ni Master” pagkasabi niya non ay lumabas na din siya.

Naiwan akong magisa rito sa selda. Kailangan kong makaalis sa bulok na kulungan na ito?! Anong gagawin ko?

Wala rito si Cloud at ang mga tauhan niya ay mga mortal lang din na gaya ko, kaya may posibilidad na makatakas ako sa lugar na ito.

“B-bakit ako nakahiga sa sahig?” takang tanong ng Mama ni Azul sa sarili niya.

Ang tanging natatandaan niya lang ay ang pagbukas ng pintuan ng kanilang bahay at ang biglang pagsakit ng kaniyang buong katawan na nanunuot hanggang sa kaloob looban niya.

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon